Chapter 65: Let Go of Things

108 11 6
                                    

TREV

"Looking for someone?"

Itinutok ko ang flashlight sa itaas at doon ko naaninag si Jandi na prenteng nakaupo sa malaking sanga ng isang puno.

Walang alinlangan siyang tumalon pababa at nakangiting humarap sa akin.

"Kanina ka pa ba doon?" tanong ko.

"Yup." sagot niya naman. Naglakad siya palapit sa isang natumbang puno at doon umupo. Sumunod naman ako sa kanya.

"Nag-intay ka talaga?" tanong ko.

"Assuming ka, 'no? Malapit lang tirahan ko dito." sagot niya naman.

"Talaga? Saan?" tanong ko naman.

"Secret na 'yon." natatawa niyang sagot.

Saglit naman akong napaismid ngunit natawa na din naman. Hindi ko na nagawang magsalita. Siguro ay wala na akong maisip na isasagot sa kanya. Hindi naman ako magaling dito eh. Sa pakikipag-usap.

"Siya nga pala. Ganyan ka ba talaga katahimik?" tanong ni Jandi. Siguro ay napansin niya na ang awkwardness na namamagitan sa aming dalawa. O baka naman matagal niya nang nahahalata na parang walang patutunguhan ang usapan kapag ako ang kausap.

Napailing ako. "Wala lang." I lied. Hindi totoong wala lang ang pagiging tahimik ko. Kagaya noong sinabi ko noong una, hindi ako magaling magkipag-usap ng tao. Siguro ay bumabalik na talaga ang Trev na nakilala nila noon. Sa totoo lang, iyon naman talaga ang pagkatao ko. Pero noong dumating sa buhay ko si Rin, alam kong nagbago ako. Naging masaya ako at kumportable sa mga tao. Pero ngayong wala na siya, parang nawala na din ang isang parte sa buhay ko.

"Wala lang?" natawa si Jandi. "Broken ka, 'no?" agad naman akong napatingin kay Jandi dahil sa sunod niyang sinabi. Gusto kong sabihing oo pero ayokong masaktan ulit eh. Kahit hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako.

"Ha? Hindi ah." Sabi ko naman.

"Oh, come on. Alam ko na 'yang mga ganyang itsura. Itsurang sawi." aniya. Lalong lumapit sa akin si Jandi sabay lagay ng kamay niya sa balikat ko.

"Alam mo, dapat mong i-let out 'yan." Sabi niya sa akin.

"Okay lang ako, Jandi."

"No, you're not." seryoso niyang saad na tila ba sigurado na sa kanyang nalalaman. Humalukipkip siya at nag-abang kung babawiin ko ba o hindi ang sinabi ko.

I let out a sigh. "Okay. Oo na." I gave up.

"O 'diba tama ako. Sawi ka nga." Umiwas ako ng tingin. Heto na naman ba ng sakit?

"Alam mo, normal 'yan. Hindi naman mangyayari sa atin 'yan kung hindi kakayanin ng puso natin, 'diba? 'Di ko alam 'yung storya niyong dalawa pero alam kong balang araw, makakamove on ka din. 'Yang sakit sa puso mo? Aalis din 'yan!" proud niyang saad. Saglit kong nakita ang ekspresyon niya. Napakasaya niya. Para bang hindi pa siya nakakaranas ng sakit sa buhay niya. Kung sabihin niya ang mga salitang iyon ay napakadali lang. Siguro nga siya 'yung tipo ng tao na kayang ihandle ang isang sitwasyon.

"Hindi lang naman sakit at lungkot ang nararamdaman ko. Galit din." sabi ko.

"Galit ka sa taong mahal mo?" tanong niya.

"Hindi. Galit ako sa taong mahal ang mahal ko. Simula noong dumating siya sa buhay namin, nagulo na ang lahat. Lalong-lalo na ang relasyon namin ng mahal ko. Ang masaklap pa, mahal na ng mahal ko ang karibal kong iyon."

"So, anong gusto mong gawin?" sa dami ng sinabi ko ay iyon lang ang isinagot ni Jandi sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi sabihin ang mga saloobin ko.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon