TREV
Lumipas ang ilang araw, medyo nagiging okay na ang pakiramdam ni Rin. Araw-araw binabantayan ko siya sa takot na baka bigla nalang siyang matumba dahil sa hindi makayanang sakit. Pero she always says na okay lang siya. At isa pa, hindi ko siya iniiwanan. Bilang boyfriend niya, nagkaroon na ako ng malaking obligasyon sa kanya. This is a commitment forever.
"What else do you want?" tanong ko sa kanya matapos ko siyang bigyan ng niluto kong pritong potato strips.
Umiling siya habang nakangiti. Unti-unti na ring bumabalik ang sigla niya sa kabila noong nangyari.
"Sila Zoey ba binigyan mo?" napatigik siya sa pagkain.
Napatawa ako nang kaunti.
"Of course. Madami pa noon sa baba. Sapat na siguro sa kanila 'yun. Pero kung kulang man, saglit muna kita iiwanan at magluluto pa ko." sabi ko.
"Okay." patuloy ka pa rin sa pagkain.
"Uh, Rin." pagtawag ko sa atensyon niya.
"Hmm?" tanong niya. Napabuntong hininga ako bago muling nagsalita.
"It's... Hunting day." sabi ko na ikinayuko niya naman.
"I know. And I can't come." malungkot niyang saad. Kahit anong gawin ay hindi talaga maaaring sumama sa amin si Rin dahil hindi pa kaya ng katawan niya. Oo, malapit na siyang gumaling pero natatakot akong mapwersa ang katawan niya kapag sumabak siya kaagad.
"Hayaan mo, 'pag magaling ka na, sasama ka na ulit sa hunting. Magagamit mo na ulit ang crossbow mo." sabi ko na ikinatango niya naman.
"Sasama ka ba?" tanong niya referring sa hunting day ngayon. Oo nga pala...
"Tito Christian said that they will be needing me today." sabi ko.
I know, sabi kong hinding-hindi ko siya iiwan. Now I have a choice.
"Ahh sige." tipid niyang sambit. Nalungkot naman ako bigla.
"Babe, I'll be home soon. Saglit lang 'yun. Then magkasama na ulit tayo."
"Okay lang naman ah. Wla naman problema ah." sabi niya trying to deny her feelings.
"Kilala kita, babe. Ako ata ang boyfriend mo."
Umiling naman siya.
"No, sabi mo kailangan ka nila doon. Edi sumama ka." pagtanggi niya.
"Hindi na po. Dito lang ako, babantayan ang prinsesa ko." sabi ko. Halatang kinilig siya pero 'di niya gaanong ipinakita.
"Nandito naman sila Zoey. Babantayan naman nila ko." sambit niya. Ngayon, ako naman ang umiling.
"'Wag na makulit, babe." sabi ko.
"Wag na makulit, ugok." she imitated me while laughing. Natawa naman ako nang kaunti pero tinatagan ko ang loob ko at mas pinili ang choice na bantayan siya dito. This time, 'di ako magpapatalo sayo, Rin ko.
"Ang kulit naman babe eh." sabi ko nang pakunwaring nagtatampo.
"Mas makulit ka. Kaya ko naman sarili ko dito."
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...