Prologue

3.4K 53 9
                                    

TREV

"Hoy kamatis!" nakangiti kong sambit nang tawagin ko si Rin.

"Manahimik ka diyan, ugok." umirap naman siya. Napatawa na lamang ako.

"Anong ginagawa mo dito? Mag-aalmusal na tayo." sabi ko sa kanya saka siya tinabihan sa pag-upo sa damuhan. Pansin kong kanina pa siya nandito at minamasdan ang kalangitan.

"I just love the sunrise so much." nakangiti niyang sambit habang nakamasid sa araw na papataas na.

"Why?" I asked.

"Kasi... It's like... May pag-asang darating sa'yo kapag sumisikat ang araw... 'Yung liwanag na dala nito, parang nagsasabing may panibagong magandang umaga na darating sa'yo..." sambit niya habang nakatitig parin sa kalangitan.

Tumango ako sa sinabi niya. I understand. Totoo nga namang napakaganda ng sunrise. Other people like sunset too much pero I prefer sunrise as well...

Magsasalita na sana ako nang bigla siya ulit nagsalita.

"I love it. 'Yung kulay... It looks warm. Like a fire."

Ginaya ko na rin siya. Tumingin rin ako sa napakagandang kalangitan. Parang siya..

Maya-maya pa ay sumulyap ako sa kanya. Sa napakaganda niyang mukha. Kulay brown na mga mata, hinahangin niyang buhok, mapupula at malalambot niyang labi... Everything seems so perfect.

"Itigil mo 'yang pagtitig sakin. Dudukutin ko mata mo." banta niya habang hindi nakatingin sakin. Natawa ako sa pambabarang ginawa niya. Kahit kailan talaga...

Hindi pa ako nakaramdam ng ganito noon. 'Yung pakiramdam na araw araw, nasasabik ka dahil may gusto kang makita. 'Yung pakiramdam na nakukumpleto mo ang araw mo kapag nakasama mo na siya.

Tinamaan ako kay Rin. Oo, napakalakas ng tama ko sa kanya. Siya 'yung tipo ng babae na iba sa paningin ko. Simple lang siya, medyo boyish, matapang, mabait, at may sense of humor. Ewan ko ba pero sa tingin ko, nasa kanya na ang lahat.

Kung magiging akin siya, paniguradong hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa.
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

"Rin..." pagtawag ko.

"Oh?" iritado niyang sambit. As usual. Hahaha.

"Sana sunrise na lang ako..." sambit ko. Lumingon naman siya sakin.

"Oo, sana nga. Para wala ka na sa tabi ko ngayon, leche ka." natatawa niyang sambit.

"Rin naman..." umakto akong parang nalulungkot.

"Oh sorry na. Sana sunrise ka nalang? Bakit naman?" sabi niya naman.

"Para... Lagi kang nakatitig sakin." sabi ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata. I don't know where the hell I got the guts to say that. It's maybe because... I'm deeply inlove.

"Manahimik ka dyan! Walang kwenta banat mo!" iritado niyang sambit.

"Eh bakit namumula ka?" napangisi ako.

"Che! Hindi kaya!"

"Oo kaya! Kamatis!" inasar-asar ko pa siya.

"Damn you!" umirap siya.

"I love you too!" banat ko pabalik. Wala na siyang ibang nagawa kundi umirap. Hays, kaya araw-araw nahuhulog ang loob ko eh...

Iminulat ko ang aking mga mata. Kahit hindi ko makita ay ramdam kong may luha sa aking mga mata. Napanaginipan ko na naman siya. Si Rin...

Maya-maya pa ay may pumasok sa aking kwarto. Ang kumpare kong si Kyle.

Tumabi siya sa akin at umakbay.

"Pare... Darating rin ang araw na magigising si Rin. Maniwala ka..." sabi naman niya.

Tumango ako at patuloy na naiyak.

Napakasakit isipin... Ilang araw nang hindi nagigising si Rin. Na-coma siya. Ayoko nang balikan pa ang nakaraan pero sa tuwing naaalala ko si Rin, patuloy na nagfaflashback sa isipan ko ang actual na nangyari na nasaksihan mismo ng mga mata ko. Hindi ko nalang mapigilang mapaiyak minsan.

Nang mahimasmasan ay lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa kwarto ni Rin. At naroon siya, mahimbing na natutulog na parang isang prinsesa.

Nilapitan ko siya at lumuhod sa gilid niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon.

"Rin... Good morning... Alam mo bang napanaginipan na naman kita? Miss na miss na kita, Rin..... Sana gumising ka na para sabay nating mamasdan ang sunrise.." garalgal ang boses na sambit ko. Patuloy ang luha ko sa pag-agos.

"Gumising ka na....please..." napayuko ako sa higaan niya.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng parang gumagalaw. Agad akong umalis sa pagkakatungo at tiningnan kung ano 'yung gumagalaw. Napatingin ako sa kamay ni Rin na.... Gumagalaw...

Agad akong nabuhayan ng loob at sumigaw.

"TITA!! KYLE! ZOEY!!! TITO CHRISTIAN! SI RIN!" sigaw ko sabay tingin muli kay Rin. At doon ko na lamang nasaksihan ang unti-unting pagmulat ng magaganda niyang mga mata!

Nagsidatingan ang mga kasamahan ko na halatang nasasabik rin sa maaari nilang masaksihan.

"Rin!" sabi ko nang makita kong tuluyan nang naimulat ni Rin ang kanyang mga mata.

Tinitigan ko siya at ganoon rin ang mga kasamahan ko.

"Thank God, gising ka na!" mangiyak-ngiyak kong sambit.

Ngunit.. Tila may kakaiba. Gising na si Rin pero ang presensya niya... Parang wala pa rin. Tinititigan ko pa rin siya. Luminga-linga siya sa paligid na tila ba kinikilala kaming lahat. Walang ekspresyon sa mukha niya. Teka....

"Rin, kami 'to..." sabi ko habang hindi pa rin binibitawan ang kamay niya.

Laking gulat ko na lamang nang marahas niyang bawiin ang kamay niya mula sa akin... Maya-maya pa ay nagsalita siya..

"Sino kayo?"



▄︻̷̿┻̿═━一

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon