Chapter 41: Verity

129 8 4
                                    

3RD PERSON

Nang makita ni Trev ang bagay na nanggaling sa loob ng gitara ay agad na kumulo ang dugo niya. napuno ang loob niya ng iba't-ibang mga pangamba at katanungang tanging si Shawn lang ang alam niyang makakasagot.

"Nakita ko na ang mga dex-Trev?!" agad na lumakas abg tibok ng puso ni Shawn nang itulak siya ni Trev sa pader.

Nang macorner ni Trev si Shawn sa pader ay agad niyang iniharang ang kanyang braso sa leeg nito upang hindi makawala.

"What the fuck is this?!" galit na sambit ni Trev habang ipinapakita kay Shawn ang nakitaniya sa loob ng gitara.

Sa kabilang kamay ni Trev, hawak niya ang isang litrato at malinaw na malinaw na si Rin ang nasa litratong iyon.

"Trev-"

"BAKIT MAYROON KANG PICTURE NI RIN DITO?!" lalong diniinan ni Trev ang kahabaan ng braso niya sa leeg ni Shawn dahilan upang masakal ito.

"Pre. Pre." ani Kyle habang inihihiwalay ang kaibigan kat Shawn. Nangangamba si Kyle na baka mapatay pa ni Trev si Shawn.

"Who the fuck are you, really?" inis na singhal ni Trev.

"Trev-" hindi makapagsalita nang maigi si Shawn dahil sa pagkakasakal sa kanya ni Trev.

"Trev, let him explain. 'Wag mo siyanf sakalin." ani Kyle ngunit tila nanatiling bingi si Trev na ngayo'y namumula na sa galit.

"TREV!" sigaw ni Kyle saka marahas na hinila ang kaibigan mula kay Shawn. Doon na natauhan si Trev sa kanyang ginawa. Tila ba nagdilim ang paningin niya at ang tanging makakapagpaliwanag lang noon ay kapag napatay niya si Shawn. Pero hindi niya iyon pwedeng gawin.

"Hayaan natin siyang magpaliwanag. Shawn, bakit may litrato ka ni Rin?" mahinahong tanong ni Kyle habang pinipigilan si Trev sa paglapit kay Shawn dahil parang kahit na anumang oras ay susugod itong muli.

"No-" natigil si Shawn sa pagsasalita.

Inagaw ni Kyle ang litrato kay Trev.

"Malinaw na malinaw oh. Litrato 'to ni Rin." Kyle insisted.

Umiling si Shawn.

"ANONG HINDI?! Langya ka! Ano pang tinatago mo saming gago ka?! Ideny mo pa!" ang kaninang kalmadong si Kyle ay tila parang leon na sumigaw habang nag-aambang susuntukin si Shawn. Ngayon ay napagtanto na niya kung gaano kasinungaling si Shawn kahit sa mga bagay na halatang halata naman na.

Sa pagsigaw ni Kyle ay tila ba may naalarma sa labas. At iyon ay walang iba kung hindi ang mga halimaw na madaling makarinig ng tunog ng tao.

Napansin nila Trev na paparating na ang mga walkers sa kinaroroonan nila kaya naman agad na tumakbo si Kyle sa pintuan at sinarado ito. Sinarado at hinarangan niya na din ang mga bintana.

Hindi nila alam kung aalis ang mga walkers kung hindi sila nito makikita o mag-aabang ang mga ito sa labas dahil alam nilang may makakain sila sa loob. Ang mas nakakatakot pa ay kung kalampagin ng mga halimaw ang pinto upang masira ito.

"Umalis na tayo dito!" nag-aalalang sambit ni Shawn habang tinitingnan ang isa pang lagusan palabas.

"Para ano? Para takasan ang tanong namin sayo?" galit pa ring sambit ni Trev.

"Mamamatay tayo dito, Trev!" ani Shawn.

"Mamamatay ka din naman kung hindi ka aamin!" tila namutla si Shawn sa sinabi sa kanya ni Trev. Hindi natatakot si Trev na harapin ang mga halimaw na nakaabang sa labas alang-alang lang sa impormasyong sangkot ang kanyang minamahal.

"Trev, please." nagmamakaawang sambit ni Shawn kasabay ng malakas na kalampag ng pintuan.

"Trev, tara na." si Kyle naman ang nagsalita.

Muling kumalampag ang pintuan na animo'y masisira na ito.

Ilang sandali pa ay natumba ang pinto at iniluwa noon ang pagkarami-raming walkers na ngayon ay papasok na at handa silang sugudin nang walang alinlangan.

Wala nang nagawa si Trev kundi ang tumakbo kasama ang mga kasamahan.

Paglabas nila sa likod na pinto ay agad silang tumakbo sa may eskinita na kulang na lang ay ipitin sila ng mga pader na ito dahil sa sobrang sikip.

Nagulantang ang tatlo nang makita nilang sa kabilang dulo ng eskinita kung saan ang labasan ay mga walkers na handang salubungin sila.

Hindi na sila maaaring bumalik pa dahil nakapasok na din ang mga walkers na kanina pang hunahabol sa kanila.

Ngayob ay cornered na sila ng mga walkers at walang ibang tanging daan kundi,

"Doon sa taas!" ani Shawn habang nakatingala. Tumagilid siya at sumandal sa pader. Itinaas niya ang dalawang paa at tinulak ang kaharap na pader gamit ang kanyang mga paa dahilan upang maiakyat niya ang katawan pataas. Ganoon din ang ginawa ng iba. Nakatagilid sila at ginagamit ang paa, likod at kamay upang maiangat ang kanilang mga sarili.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-akyat ay nag-ipunan na ang mga walkers sa ilalim nila. Nakataas ang mga kamay ng mga walkers na ito at tila inaabot sila ng mga ito.

Sa kabutihang palad ay nakaakyat sila sa bubong nang walang nadudulas o nahuhulog.

Nang makaayat sila sa bubong ay tinanaw nila ang iba't-ibang parte ng ibaba at nakita nila na napalilibutan na pala sila ng mga walkers.

Tinalon nila ang isa pang bubong kung saan wala gaanong walkers sa ibaba. Tinalon pa nilang muli ang isapang bubong at sa baba noon ay ang kanilang sasakyan.

Nagmadali silang tumalon pababa at pumasok sa sasakyan. Pinaharurot naman ito ni Trev palayo.

Hindi pa din nawawala ang galit ni Trev. Naghahanap siya ng kasagutan. Mas lalo niya pang ikinagagalit ang hindi pag-amin ni Shawn sa kanila. Mukhang kailangan pang idaan sa dahas ang lahat bago mapiga ang katotohanan kay Shawn.

Nang makalayo sila sa mga walkers ay hininto ni Trev ang sasakyan.

Lumingon siya kay Shawn na noo'y nasa likod at tila wala sa ulirat na nakatingin sa labas.

Mukhang wala nga itong balak na sabihin sa kanila ang katotohanan.

"Shawn." seryosong pagtawag ni Trev kay Shawn dahilan upang bumalik siya sa realidad.

"Gusto ko ang tunay na kasagutan sa tanong ko. Bakit ka may litrato ni Rin?" ani Trev habang atat sa paghihintay sa tamang kasagutan. Alam niya sa sarili niya na hindi lang iyon ang gusto niyang itanong at gusto niyang malaman kay Shawn. Marami pa siyang katanungan at alam niyang ang tamang kasagutan lamang ang makapagpapatahimik sa kanya.

"I can't tell you that, Trev." seryoso ding saad ni Shawn.

Doon na kumulo nang sobra ang dugo ni Trev.

Sinugod niya si Shawn at pinagsusuntok sa mukha. Wala na siyang pakealam. Ang gusto niya lang malaman ay ang katotohanan sa kabila ng mga kasinungalingang matagal na niyang kinakaharap.

"Girlfriend ko si Rin at hindi ako papayag na mag epal na bigla na lang papasok sa buhay naming dalawa! Sino ka ba?!" halos sumabog na si Trev sa sobrang galit.

Si Kyle, bilang kaibigan ay nasa kanyang likod at pinipigilan siya. Ayaw niya din namang humantong sa hindi inaasahang pagkakataon ang galit ni Trev ngayon.

"Hindi ka magsasalita? Pwes, 'wag ka nang magpapakita samin!" sigaw ni Trev bago buksan ang pintuan ng sasakyan at marahas ni tinulak-tulak si Shawn palabas.

"Trev-" halos hindina makapagsalita nangdiretso si Shawn.

"At sisiguraduhin ko ding hindi mo na makikita si Rin!" galit na sigaw ni Trev.

Tila natauhan si Shawn sa banta ni Trev kaya naman napasalita na siya.

"Aamin na ko, aamin na ko!" tila kriminal na nasa presintong sabi ni Shawn. Sa wakas ay aamin na ito sa mga kasinungalingan niya. Sa wakas ay malalaman na ni Trev ang matagal na niyang gustong malaman.

"I'm Rin's... ex-boyfriend."

▄︻̷̿┻̿═━一

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon