3RD PERSON
Galit na inilapag ni Kyle ang tray sa kung saan. Malalaking hakbang ang ginawa niya palapit kay Shawn. Agad namang nakalaya si Rin kay Shawn habang hawak ang masakit nitong pulso.
"GAGO KA!" malakas na tinulak ni Kyle si Shawn.
Agad din namang inambahan ni Kyle ng suntok si Shawn sa mukha.
"Anong ginawa mo, ha?!" galit na sigaw ni Kyle.
Tanging pag-iyak ni Rin at palahaw ni Shawn ang maririnig sa kwarto.
Agad na nawala ang atensyon ni Kyle kay Shawn nang mapansin niyang tumakbo palayo si Rin.
"Rin!" pagtawag niya ngunit agad na itong nakalabas ng kwarto.
"Rin, come back!" sigaw naman ni Shawn.
"Teka, saan ka pupunta, Rin?!" nag-aalalang tanong ni Zoey habang hinahabol si Rin ngunit mabilis na itong nakalabas ng base.
"Rin!!!" natagpuan na lamang nina Zoey, Kyle, Shawn, Christian, at Alicia ang kanilang mga sarili na mabilis na tumatakbo upang mahabol si Rin na ngayo'y unti-unti nang nawawala sa madilim na kagubatan.
"RIN COME BACK!!!" patuloy na pagtawag ng mga magkakasama ngunit tila bingi si Rin sa mga bagay na iyon.
TREV
Inilibot ko pa ang paningin ko sa loob ng base na ito. Napakaliit lang ngunit maraming mga gamit.
"Kung hindi sayo 'to, kanino?" tanong ko.
She shrugged. "Ewan ko. Nadiskubre ko lang 'to. Dito ako nagtago noon nung atakihin ako ng mga halimaw." sabi niya naman.
Narating ko ang bandang gilid ng silid at doon ay may aparador at mga drawer. Isa-isa kong binuksan ang mga drawer at aparador at nagulat ako sa nakita ko.
Mga bala ng crossbow. Kinuha ko ang bala at tiningnan itong maigi. May nakalagay na letter R sa dulo ng bala.
Tiningnan ko pa ang ilang drawer at nakita ko naman ang ilang mga damit. Damit ni Rin. Lumang-luma na ang mga ito at parang hindi na naisusuot. Ganoon din ang mga bala ng crossbow. Punung-puno na ng mga alikabok.
Sa tingin ko ay alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng base na ito. Naalala ko noong una naming date ni Rin, nabasa ang mga damit namin at bigla na lang siyang nawala. Nang makabalik siya ay may dala na siyang mga tuyong damit. Tinanong ko kung saan nanggaling iyon, sabi niya sa secret hideout niya. Dito ang secret hideout niya.
Hindi ko na naiwasang malungkot. Lahat ng mga gamit na nandito ay kay Rin. Ang mga damit, ang mga tools, lalo na 'tong mga bala ng crossbow. Marami pang iba't-ibang mga bagay ang nandito at hindi ko na naiwasang makita ang mga iyon. Parang 'pag mas nakikita ko ay lalo akong nasasaktan.
Rin, kapag dinala ba kita dito, maaalala mo na ang lahat?
Nalungkot ako sa aking naisip. Siguro hindi. Siguro aasa na naman ako sa wala.
"Trevor... Okay ka lang ba?" pagtawag sa akin ni Jandi. Itinabi ko ang mga bala ng crossbow pabalik sa drawer saka hinarap siya.
Tumango ako.
"Bigla ka kasing... Natahimik." aniya.
Naalala ko lang kasi siya, Jandi.
"Okay lang ako. Ah, Mauuna na ko, baka hinahanap na nila ko." pagmamadali ko.
"Pero umaambon pa." ani Jandi.
"I'll be fine. Uuwi na ko, Jandi."
"A-ahh, ganun ba? Sigurado ka?" tanong niya ulit.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AkčníAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...