3RD PERSON
Flashback
Sabay-sabay na nilisan nina Christian, Alicia at Tyler ang kanilang base. Since walang kasamang mas nakababata na alalalahanin ay minabuti nilang maglakbay nang malayo. Kung silang tatlo ang maglalakbay, kakayanin naman siguro nila.Kung may hahanapin man sila, iyon ay mga armas at sasakyan dahil sa tuwing naghuhunt sila ay wala silang transportasyon. Mayroon naman silang sasakyan sa kanilang base ngunit masyado itong malaki upang dalhin kung saan.
Nang malampasan ang gubat na madalas nilang madaanan ay kanila nang inihanda ang kanilang mga sarili sa kahaharaping pagsubok.
Agad nilang inilabas ang kanilang mga armas at naging alerto.
Dinala sila ng kanilang mga paa sa isang highway. Sa isang tahimik na highway nagkalat ang ilang mga sasakyan na inabandonado na at niluma na ng panahon.
"Baka may mga gamit pa sa loob ng mga sasakyan na 'yan." sambit ni Tyler habang minamasdan ang mga sasakyan. Nagsitanguan ang bawat isa at nagkanya-kanyang loot sa loob ng mga sasakyan.
Binuksan ni Christian ang pintuan ng isang kotse. Sa loob noon ay naghalungkat siya ng mga bagay na maaaring makatulong sa kanila.
Ganoon din ang ginawa ni Alicia pero this time, mayroon nang walker sa loob.
Kinuha niya ang kanyang pocket knife at walang anu-anong sinaksak ang noo ng maturang halimaw. Inalis niya ito sa kanyang oaningin at hinalughog ang loob ng sasakyan. May ilang mga delatang pagkain na wala nang laman.
"He starved to death." mahinang sambit ni Alicia bago muling isinara ang pintuan ng sasakyang kanina niyang hinalughog.
"Guys, tingnan niyo 'to." Napukaw ang atensyon nila Christian at Alicia nang tawagin sila ni Tyler. Medyo napalayo na ito sa kanila. Nakatingin ito sa loob ng isang sasakyan.
Agad na lumapit sila Christian at Alicia at agad na tumambad sa kanila ang naturang sasakyan. Mula sa passenger's seat nito ay makikitang may isang walker na nakaseatbelt. Kahit anong pag-reach out nito sa kanila ay hindi nito magawa dahil mahigpit ang pagkakaseatbelt nito.
Sa likod ng sasakyan, makikita ang ilang stack ng mga delatang pagkain. 'Di kagaya ng kanina, may laman na ang mga ito. Nagkalat din sa sahig ang ilang mga cup noodles na maaari ring gawing pagkain.
"Imposibleng namatay sa gutom ang halimaw na ito." sambit ni Alicia.
"Sinong mag-iiwan ng ganyang karaming pagkain?" tanong ni Christian.
"Tara na, kunin na natin." sambit ni Tyler ngunit pinigilan siya ni Christian.
Matamang tumingin si Cjristian sa paligid habang nakahanda ang kanyang baril.
"It can be a trap." sambit ni Christian. Saglit sila lumayo sa nasabing kotse.
"Para saan pa 'tong pagpunta natin dito? Diba't magloloot tayo?" tanong muli ni Tyler.
Napatigil ang dalawa at sumang-ayon na.
"Para makasigurado," pabiting sambit ni Christian habang kinukuha niya ang kutsilyo niya sa kanyang holster. Agad niyang pinatay ang walker na nakaupo sa passenger's seat. Tumigil ang nakakainis na ungol ng halimaw nang mamatay ito at sinalubong sila ng matahimik na himig ng paligid.
Sa kabila ng katahimikang iyon, nakaramdam silang tatlo ng kakaiba.
Maya-maya pa ay binasag ni Christian ang katahimikan.
"Ano pang hinihintay natin? Kunin na natin ang kotse na 'to." sambit niya.
Napailing si Alicia habang nakatingin sa daan.
"Hindi natin 'yan maiuuwi kung may nakaharang na mga sasakyan." sambit niya. Tama siya dahil kanina pa lang, nang makarating sila dito ay sinalubong na sila ng mga nagkalat na sasakyan sa daan.
"Imove natin ang mga 'yan. Tyler, ikaw na lang ang magbantay sa kotse na iyan." maawtoridad na sabi ni Christian na sinunod naman agad ni Tyler.
Bago pa nila gawin ang pagtabi ng mga sasakyan ay tinawag sila ni Tyler.
"Guys, mukhang hindi lang pagkain at sasakyan ang nakita natin ngayong araw ah?" sabi niya habang nakatingin sa likod na compartment ng sasakyan. Nandoon ang ilang mga armas, mga baril at pampasabog.
Kapwa-kapwa silang napangiti dahil sa loot na mapapasakanila.
Lumipas ang ilang minuto ng pag-alis sa mga sasakyan sa daan, nakarinig sila Christian at Alicia ng tunog ng engine ng sasakyan.
"HAAAAAAAGGGHH!" isang pamilyar nasigaw ang kaninang narinig, 'di kalayuan sa kotse.
Walang anu-ano'y lumingon sila sa kotse kanina at laking gulat nila nang makitang may nakasakay na sa driver's seat at pinaaandar na nito ang nasabing kotse palayo!
Agad silang tumakbo ngunit agad rin namang napatigil nang makita nila si Tyler na nakahiga sa malamig na semento malapit sa pwesto ng kotse kanina. Laking gulat na lang nila nang mapagtantong dumudugo na ang tyan ni Tyler!
"Tyler!" sigaw ng dalawa. Impit na muling napasigaw si Tyler habang hawak ang kanyang tyan.
"M-may lalaki! B-binaril niya ako!" nanghihinang sambit ni Tyler.
Agad na nag-isip ng paraan si Christian. Tumayo siya at naghanap ng sasakyan na maaaring mayroon pang laman na gasolina.
"Sandali lang, Tyler." pahayag ni Alicia bago tinulungan ang kanyang asawa sa paghahanap ng sasakyan.
Matagumpay silang nakakita ng sasakyan na may laman pang gasolina at gumagana pa.
Pumasok si Alicia sa loob ng sasakyan at hinanap ang susi na sana ay nasa loob lang ng sasakyan kung saan habang si Christian naman ay dahan-dahang inakay si Tyler papunta sa sasakyan. Agad niya itong pinasakay at sinara ang pintuan. Pumunta naman si Christian sa driver's seat at agad-agad na inistart ang engine ng sasakyan. Si Alicia, na matagumoay na nahanap ang naturang susi ay lumipat likod upang daluhan ang sugatang si Tyler.
Nag-labas ng ilang mga gamot si Alicia at ilan ding mga panyo upang takpan mamaya ang sugat ni Tyler.
"Tell me, anong itsura niya?" tanong ni Christian habang nagmamaneho nang mabilis.
"M-medyo bata pa. Hindi siya kasing-tanda natin at parang teenager pa siya. Hindi ko gaanong nakita ang mukha niya pero may hawak siyang silencer." pagpapaliwanag ni Tyler. That explains kung bakit wala silang narinig na putok ng baril kanina. Pero sino ang lalaking ito?
"Baka hindi na natin siya maabutan! Umuwi na lang tayo!" sambit ni Alicia.
"Umuwi?! He shot Tyler and he took our stuff!" galit na sigaw ni Christian.
"Peri paano kung sa kanya talaga ang mga gamit na iyon in the first place?!" tanong pabalik ni Alicia.
"Still not fucking fair! He should have took the stuff and left! Binaril niya pa si Tyler!" halos hampasin na ni Christian ang manibela ng sasakyan.
Wala na silang nagawa kundi sundin ang sinabi ni Christian. Hindi na sila lalaban pa dahil may punto naman ito.
Sa kabila ng nangyari ay ipinagpatuloy nila ang pagsugod...
▄︻̷̿┻̿═━一
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...