Chapter 29: Suffer

168 7 4
                                    

TREV

Kung panaginip lang ang nangyari. Please lang, gisingin niyo na ko.

Umalingawngaw ang malakas na tunog na dala ng kidlat.

Sandaling lumiwanag ang paligid.

Iminulat ko ang mga mata ko.

"Trev..." tuluyan kong sinanay ang aking paningin sa paligid. Naririnig ko siya... Ang boses ng mahal ko... Ang boses ni Rin...

Nasaan na siya?

Patuloy kong naramdaman ang malalamig na patak ng ulan sa buo kong katawan.

Nakadapa ako sa maputik at basang- basang lupa.

Sabihin niyo sa aking panaginip lang ang pagguho ng mga lupa sa bundok dahilan upang maitulak ang aming sasakyan sa matarik na bangin na ito.

"Trev!" bumalik ako sa ulirat nang may sumigaw ng aking pangalan. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at ganoon na lamang ang pagkagimbal na naramdaman ko.

Nasa labas na ako ng truck at kasalukuyang nakadapa sa maputik na mga lupa.

Ang truck ay patagilid na nakastuck sa bahagi ng pa-slant na bangin na ito.

Nakita ko si Kyle na halos lumabas na ang katawan sa truck. Wala siyang malay at ganoon din si Zoey.

Pero... si Rin. Gising si Rin at tinatawag niya ang pangalan ko!

"Trev, kumapit ka lang." natagpuan ko ang sarili kong nakakapit sa mga ugat ng halaman at alam kong anumang oras ay maaaring masira ang kinakapitan kong ito at mahuhulog ako sa malakas na ragasa ng ilog na nasa baba.

"Rin.." pagtawag ko. Kumilos nang dahan-dahan si Rin at unti-unting ginising sila Kyle ngunit hindi sila magising.

Napatingin naman ako sa driver's and passenger's seat pero hindi ko makita sila tito Christian doon.

Sa paggalaw ni Rin ay nakita kong umuga ang truck. Hindi stable ang lagay ng truck at sa isang maling galaw lang ay maaari itong gumulong nang tuluyan pababa sa ilog.

"Rin! Don't move!" sambit ko. Pinilit kong gumalaw nang marahan. nakakita ako ng malaki-laking ugat na mukhang stable kaya naman sinubukan kong abutin iyon. Ngunit sa pag-abot ko ay dumulas ang katawan ko sa mga putik na ito!

"TREV!" sumigaw si Rin.

Pinanatili kong kalmado ang sarili ko kahit natatakot na ako. Itinaas ko ang paa ko at itinusok iyon sa putik upang kahit papaano ay mabigilan ko ang katawan ko sa pagkahulog. Ganoon nga ang nangyari kaya naman pinilit kong abutin ng aking mga kamay nasabing ugat. Matagumpay ko iyong nakuha.

"Zoey, Kyle, gumising kayo!" sigaw na lamang ang tanging nagawa ni Rin dahil sa natatakot siyang gumalaw.

"Kyle... Kyle!" nakita kong nagkaroon na ng malay si Kyle at ganoon na rin ang gulat navreaksyon niya nang malaman kung ano ang lagay namin ngayon.

"Wag kang gagalaw!" dagdag pa ni Rin.

"Trev... kukunin kita dyan." sambit ni Rin at dahan-dahang kumilos palabas ng truck.

"Wag, Rin! Hindi ligtas!" sabi ko pero she insisted.

"Kyle, hawakan mo ko. Aabutin ko si Trev." sambit ni Rin kaya naman kumilos na siya.

Unti-unting bumaba si Rin, maingat sa bawat kilos na gagawin. Ang isa niyang kamay ay nakahawak kay Kyle samantalang ang isa niyang kamay ay umaabot sa akin.

Ibinuhos ko ang lakas ko sa pagtaas ng aking katawan upang maabot ang kamay ni Rin. Nang maabot ko siya ay bumwelo siya upang makaakyat. Hinila naman kami ni Kyle.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon