Chapter 49: Keep Quiet

127 8 4
                                    

3RD PERSON

Si Rin naman ang nagulat sa pagkakataong ito. Ang katotohanang kanyang nalaman na boyfriend niya pala si Trev ay parang hindi niya kayang paniwalaan. Hindi niya kilala si Trev. Well, sa ngayon hangga't hindi pa bumabalik ang alaala niya.

Nang marinig ni Rin ang mga katagang iyon kay Trev ay parang umurong ang kanyang dila. Hindi na siya makapagsalita pa at kasabay din nito ang pag-init ng mukha niya. Hindi niya alam kung bakit. Marahil ay nabigla lang siya sa nalaman. Mayroon pa nga siyang mga bagay na hindi nalalaman at alam niya namang nagsasabi ng totoo si Trev. Ngunit paano ito nangyari? Paano nagsimula ang lahat?

Magulo man ang isipan ay pilit na lang na iwinaksi ni Rin sa kanyang isipan ang narinig. Sa ngayon ay hindi niya muna iyon iisipin. Mas iisipin niya ang kalagayan niya dahil napapansin niyang dumadalas na ang pagkahilo niya. Ni hindi niya nga inaakala na matutumba na lang siyang bigla kanina.

Kinain ni Rin ang soup na hinain sa kanya ni Trev. Masarap ito at masarap din sa pakiramdam.

"Kumain ka nang marami ha." tila naman lumakas ang tibok ng kanyang puso nang marinig niya ang sincere na pahayag na iyon. Nahihiyang tumingin siya kay Trev saka tumango.

"You know, we used to call each other Babe." ani Trev.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang nabilaukan si Rin kahit na soup lang naman ang kinakain niya.

"Oh!" maski si Trev ay nagulat kaya naman agad niyang kinuha ang tubig at pinainom iyon kay Rin.

"Dahan-dahan ka lang kasi." sabi ni Trev habang inaalalayan ng pag-inom si Rin.

Hindi naman dahil sa kasibaan ni Rin kumain kaya siya nabilaukan. Iyon ay dahil nabigla siya sa biglang sinabi ni Trev. Hindi niya iyon inaasahan.

Binigyan ni Rin si Trev ng hindi makapaniwalang tingin matapos siyang uminom. Tila hindi siya naniniwala sa sinabi ni Trev pero ano pa nga bang aasahan niya gayong nangako ang mga ito na ipapaalala sa kanya ang lahat ng dapat niyang maalala?

"Tama ang narinig mo. You see, Rin. I'm here to remind you everything. To tell you what you needed to know." seryosong saad ni Trev.

"P-pero.."

"Shhh. It's okay. Nandito naman ako upang ligawan kang muli. Kahit gaano pa 'yan katagal, para sayo, Rin gagawin ko ang lahat. I'll be waiting..."

Natameme si Rin sa mga narinig. Hindi niya alam pero simula noong naging seryoso ang pakikitungo sa kanya ni Trev ay palagi na lang siyang natatahimik. Siguro dahil napakamakahulugan ng mga sinasabi ni Trev na kahit sino ay walang makakatutol. Iba ang mga salitang dinadala sa kanya ni Trev at damang-dama niya iyon.

Ano nang nangyayari sa akin? Napatanong si Rin sa isipan. Para kasing okupado na ni Trev ang kanyang utak gising man siya o tulog.

~*~

Dumaan ang araw nang maayos. Bagama't may nangyari ay binalewala na lamang nila iyon. Ang mahalaga para sa kanila ay abg presensya ni Rin ngayon.

Ngayon ay gabi na at malakas ang bugso ng ulan.

Inis na napairap si Rin sa bintana nang makita niya ang malalakas na patak ng ulan sa labas. Kahit kailan ay ayaw niya talaga ng ulan. Napakaingay nito at hindi siya matahimik.

Muling bumisita si Trev sa kwarto ni Rin at gaya ng nakasanayan, may dala na naman itong tray ng pagkain. Isang malaking mangkok na may sabaw at ilang mga tinapay.

Ngayon ay tila nasanay na si Rin sa madalas na pagbisita ni Trev. Medyo nagiging kumportable na din ito sa presensya niya. Marahil ay kailangan niya talagang masanay sa lahat dahil dito naman talaga siya nakatira.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon