Chapter 88: Gone In The Wild

270 10 3
                                    

RIN

"No need to worry now. She's gone. Let's have a walk around... Rin."

Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang unti-unting paghigpit ng pagkakaakbay sa akin ni Carver. Naramdaman kong tila sa pagkakataong ito, hindi na talaga siya papayag na lumayo pa ako sa kanya.

Alam na niya kung sino ako at hindi rin malabong baka alam niya na rin ang plano ko.

Buong pwersa kong kinawala ang sarili ko sa kaniya mabilis na hinugot ang baril na nakatago sa likuran ko. Tinutok ko sa kanya ito.

He let out a smirk, "Babarilin mo 'ko?" Tila mapang-asar niya pang sambit. "Sige ka, masisira ang plano mo."

Wala ni kaunting bahid ng takot sa mukha ni Carver. Bagay na ikinabahala ko.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Kinasa ko na ang baril. Buo ang desisyon ko na sanang babarilin si Carver nang may maramdaman akong tumama sa ulo ko. Agad na umikot ang paningin ko dahilan para matumba ako sa sahig. Unti-unting lumabo ang paningin ko pero nakita ko pa ang isa pang lalaki na alam kong tauhan ni Carver. Nanggaling siya sa likuran ko at may hawak siyang baseball bat.

Naramdaman kong binuhat ako ni Carver. Sa sobrang sakit ng pagkakahampas sa ulo ko ay napapikit na lang ako. Narinig ko pa ang huli nilang usapan ng tauhan niya bago ako tuluyang mawalan ng malay...

"Look for that base. Patayin niyo silang lahat. Iuwi niyo si Zerrin dito nang buhay at walang galos. Maliwanag?"

Isa lang ang tumakbo sa isipan ko noong mga panahong 'yon.

Nasa panganib si Zerrin at ang mga kasamahanan namin sa base.

TREV

Kasama sina Shawn, Zoey, tito Christian at tita Margo ay tinahak namin ang daan patungo sa base nila Carver. Dahil sa blueprint na ibinigay ni Rin ay kahit paano'y naging pamilyar kami sa lugar at dali-dali rin kaming nakabuo ng plano. Napag-usapan namin kung saan aatake, kailan maghihiwa-hiwalay, at kailan sabay-sabay na aatake.

Kahit na puro walkers ang daan ay narating namin ng ligtas ang base ni Carver. Gaya ng nakita namin ni Shawn noon, nagkalat ang mga tauhan ni Carver. Dahil doon, tinuro namin ni Shawn ang daang tinuro ni Rin para hindi namin kaharapin ang ganoon karaming tauhan.

Pumunta kami sa likod na bahagi ng base. Doon ay may isang tauhan na armado ng baril.

Lumapit kami sa bandang gilid ng gate upang makita pa ang ilang bahagi ng base na may tauhan. Sa kabutihang palad, iisa lamang ang tao dito sa likod ng base.

Sa paglapit ko sa gate ay may natapakan akong kung ano sa sahig. Agad ko itong tiningnan at hindi ko na naiwasang mapangiti nang malaman ko kung ano iyon.

Ang katana ko.

Sa bandang hawakan ng katana ay may nakadikit na note na may nakasulat na:

Backdoor. Stealth attack the people and hide the body. Get the girls. I'll distract carver. -R

Sa pagkakataong ito ay tila iisa na ang takbo ng utak namin ni Rin. Sinabi ko sa mga kasamahan ko na sa likod na pinto kami dadaan. Ibig sabihin, kailangan muna naming patayin nang tahimik ang lalaking nakabantay. Para maayos ay ako muna ang pumasok. Dumaan ako sa bandang gilid para hindi ako makita ng lalaki. Matapos iyon ay maingat ko naman siyang nilapitan mula sa kanyang likuran.

Sinunggaban ko ang lalaki sa likod at mabilis na sinaksak ang gilid ng leeg niya. Marahan ko ring inilapag ang katawan niya sa sahig sa takot na baka makagawa pa ito ng ingay.

Sinenyasan ko ang ang mga kasama ko na pumasok na. Magkatulong na binuhat ni tito Christian at Shawn ang katawan ng lalaki at inilabas iyon sa gate. Sa paraang ito, hindi makikita ng iba ang patay nitong katawan sa oras na magawi sila sa parteng ito ng base.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon