Chapter 47: Wind Up

128 7 1
                                    

3RD PERSON

Naalimpungatan si Trev nang madaling araw. Tiningnan niya ang orasan at 4:30 ang oras na nakapaskil dito. Hindi niya alam kung bakit siya nagising nang ganitong oras pero alam niya ang unang-unang pumasok sa puso't-isipan niya. Si Rin.

Gising na kaya 'yun? Tanong ni Trev sa isip. Mas nanaig kay Trev ang kasagutang hindi pa gising si Rin dahil nga sa nararamdaman nito.

Saglit na napatulala na lang si Trev sa kisame dahil wala pa siya sa mood na kumilos.

Pinikit niya ang kanyang nga mata, umaasa na makakatulog siya ulit pero kada pikit niya ng mata niya ay si Rin ang naiisip niya.

Hindi din siya makapaniwala na nagising na si Rin matapos ang mahabang panahon ng pagkakahimlay.

Napamulat ng mata si Trev nang makarinig siya ng tunog mula sa labas. Parang may lumagabog sa kahoy na sahig nila. Agad na napabalikwas ng bangon si Trev dahil sa narinig.

Marahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa labas. Wala siya gaanong makita dahil madilim. Sinilip niya ang baba dahil pakiramdam niya ay doon nanggaling ang kalabog na narinig niya.

Maingat siyang bumaba ng hagdan habang nakikiramdam sa paligid. Ang aga-aga pero nakarinig siya ng ingay. Wala naman sa pamilya nila ang nagigising nang ganitong oras. Maski siya ay hindi nagigising nang ganitong oras, sadyang naalimpungatan lang siya.

Ayaw niyang unahan ang mangyayari pero pakiramdam niya ay may nakapasok sa base nila.

Habang pababa siya ng hagdan ay may namataan siyang tila isang pigura ng tao na nasa salas nila.

Ayaw niyang tawagin ito dahil gusto niyang umatake nang tahimik sa taong ito. Hindi niya gaanong makita o makilala kung sino man ito dahil may kadiliman ang paligid.

Napansin niyang nagpunta sa may pintuan ang tao at tila binubuksan ito.

Nang medyo makalapit si Trev ay nagsalita na siya.

"Sino ka?" aniya. Isa na naman ba itong estranghero na may balak sa pamilya nila? O isang tao na kilala naman pala nila?

Agad na napalingon ang tao sa kanya. Tinitigan lang siya nito habang patuloy pa din ito sa pagkalag ng kandado sa pinto.

"Rin?" ani Trev nang makasigurado siyang si Rin ang nasa salas.

"Rin, bakit ka nandito? Ang aga pa ah. Tsaka anong gagawin mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Trev.

Hindi siya tanga para hindi mapansing may balak tumakas si Rin. Sa mga kilos pa lang nito ay mapapansin mo na.

Hindi siya kinibo ni Rin.

"Rin, hindi ka pwedeng umalis. Please stay..." agad nang lumapit si Trev kay Rin at hinawakan ang kamay nito.

"Bitiwan mo ko." sabi ni Rin pero hindi nagpatinag si Trev.

"Rin, don't do this." malumanay pa ring sabi ni Trev.

"Look, salamat sa pagpapatuloy niyo sa akin dito pero hindi na ako magtatagal pa. Pakisabi kay Alicia na umalis na ko." sabi ni Rin bago muling pinagtuunan ng pansin ang lock ng pinto. Ginagamitan niya ito ng hair pin.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon