Chapter 59: Fray

100 6 4
                                    

3RD PERSON

Kinabukasan ay hindi naging maganda ang gising ni Rin. Alam niya kasing kahit isang araw na ang nakalipas ay sariwa pa rin sa utak niya ang nangyari. Kung dati ay gigising siya sa umaga nang walang bumabagabag sa kanyang isipan kahit isa, ngayon ay may dalawang lalaking nagpapagulo na ng isipan niya.

Pagkalabas niya ng kwarto niya ay si Shawn agad ang bumungad sa kanya. Nagpupunas ito ng buhok at halatang kakaligo pa lang. Halos hindi napansin ni Shawn ang presensya ni Rin kaya naman medyo nagulat siya.

Binigyan niya si Rin ng magandang ngiti.

"Good morning." bati nito. Saglit siyang tiningnan ni Rin.

Tumango lang si Rin sa sinabi ni Shawn saka naglakad palayo.

Nang makababa siya ay nakita niyang nagluluto na ng almusal si Margo.

"Morning." bati ni Rin dito.

"Good morning. Sila Zoey nasa labas at tinatanim na 'yung mga palay." ani Margo.

Lumabas naman si Rin at natagpuan niya sila Christian, Zoey at Kyle doon.

Magtatagal pa sana si Rin nang biglang dumating si Trev.

"A-ah, sige pasok na muna ako sa loob." pagpapaalam ni Rin sa mga kasama.

"Papasok ka na agad?" tanong ni Zoey.

"Oo." sagot ni Rin.

"Rin, dito ka muna." biglang sumingit si Trev sa usapan.

Umiling lang naman si Rin.

"Rin." pagtawag ni Trev ngunit nakalayo na si Rin.

"Stay..." dugsong niya pa.

"I'll talk to her later." ani Zoey kay Trev.

Binalot naman ng kalungkutan si Trev. Wala siyang ibang iniisip kundi ang lagay nilang dalawa ngayon ni Rin, at alam niyang sangkot si Shawn dito.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na sila sa pagtatanim. Agad na pumasok si Trev sa loob at nagulat siya nang makita niya si Shawn at Rin. Magkausap ang dalawa ngunit maipipinta sa mukha ni Rin ang pagkayamot habang kinakausap siya ni Shawn.

Walang alinlangang lumapit si Trev sa dalawa. Tinapunan ni Shawn ng tingin si Trev bago ito umalis.

"Rin." pagtawag ulit ni Trev kay Rin pero hindi naman siya kinibo nito.

Dumiretso ito sa kwarto nito. Agad namang dumating si Zoey. Malungkot niyang tiningnan si Trev bago pumasok sa kwarto ni Rin.

"Bes..." malungkot na saad ni Zoey.

Bumuntong hininga naman si Rin dahil alam niya ang ipinahihiwatig ni Zoey.

"Ayaw kitang nahihirapan. Pero ayaw ko ding nakikita ang dalawang lalaki na iyon na mahirapan. Lalong-lalo na si Trev." ani Zoey.

"What should I do?" Rin sighed.

"Siguro bigyan mo sila ng chance na kausapin ka. Either sabay mo silang kausapin o isa-isa lang. What works better for you."

"It's not that easy." buntong hining ni Rin.

"Pero kakayanin, Rin. Just, get this over with."

~*~

"Once I feel tension, iiwanan ko kayong dalawa dito. Ayusin niyo na 'to. Ayusin na natin." pakiusap ni Rin kay Trev at Shawn na kaharap niya ngayon.

"We both love you, Rin." ani Shawn.

"But I can only choose one." si Rin.

Napayuko si Trev saka napasabunot sa sarili niyang buhok. Aniya sa kanyang isip na kung hindi dumating sa buhay nila si Shawn ay hindi siya mahihirapan nang ganito. Wala sanang hadlang sa muling pag-iibigan nila ngayon.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon