Chapter 60: Freedom

141 7 10
                                    

TREV

Alam mo 'yung pakiramdam ng narereplace ka na? 'Yung dati kayo ang magkasama sa mga bagay na kapwa gusto niyong gawin. Sabay kayong nag-eenjoy sa mga maliliit na bagay. Pero ngayon para bang naleft out ka na.

Nakakapang-hina ng loob kung iisiping ang mga bagay na madalas niyong gawin at pagkatuwaan noon ay hindi niyo na magawa ngayon. Ang isa pang masakit, ang taong kasama mo noon ay ibang tao na ang kasama ngayon. Sila na lang 'yung nag-sasaya, sila na lang 'yung parang may sariling mundo, sila na lang 'yung nagkakaintindihan sa mga bagay na hindi ka naman makarelate.

That's the feeling of being replaced. Hindi naman kami ganito dati eh. Pero simula noong dumating si Shawn sa buhay namin, nagbago ang lahat. Nagulo to be specific. Ayos na eh. Nagulo lang.

Hindi ko naman ito ginusto. Sino ba namang gugustuhin na may isang taong bigla na lang lilitaw sa buhay niyo na makapagbabago pala ng relasyon niyo ng mahal mo sa isa't-isa. Tahimik kayo noon. Magulo na ngayon.

Mataman kong tinitigan si Shawn at Rin sa sala. Nagtatawanan sila sa isang bagay na wala akong ideya.

I don't know why this happened. I don't even know how the fuck I let this happen.

Nagkulang ba ako ng pasabi? Ginagawa ko naman ang lahat para magkalayo silang dalawa pero bakit ganoon? Magnet ba sila na attracted sa isa't-isa? Marami ba silang pagkakahalintulad na kung sasali ako ay hindi ako tutugma? Kasi kung ako rin lang ang tatanungin, hindi ako nagkulang sa paalala at babala. Sadyang sila lang ang kumilos para sa sarili nila. Sila lang lumayo at patuloy pang lumalayo.

"Rin, may I talk to you... for a second. Please?" saad ko nang nagkaroon na ko ng pagkakataong makalapit sa kanila.

Noong nakita ko siyang medyo nag-alangan ay iba ang naramdaman ng puso ko. Masakit.

Bagsak ang balikat na tumayo si Rin mula sa sofa. Hanggang ngayon ay na-kay Shawn pa din ang atensyon niya.

"I'll be back." rinig kong bulong niya pero hindi ko na pinansin iyon. What matters now is to tell her what's in my heart. Kasi sa totoo lang, nasasaktan na talaga ako.

Nagpunta kami ni Rin sa field kung saan kaming dalawa lang. Saglit na sumikip ang dibdib ko, parang sasabog ito at parang hindi ako makahinga. Sariwa naman ang hangin dito sa labas pero dahil siguro sa emosyong kinikimkim ko sa puso ko ngayon, nakakabigat ng damdamin.

"Ano na naman ba iyon, Trev?" tanong ni Rin kahut na alam niya naman na ang maaari kong sabihin.

Ilang araw na ang lumipas. Ilang araw ko na ding kinausaap nang ganito si Rin. At alam kong alam niya, na ang nilalaman ng sasabihin ko ngayon ay walang pinagkaiba sa mga sinabi ko sa kanya noon.

"Kasi-"

"Nagseselos ka na naman ba?" sa pagkakataong ito ay pinangunahan na niya ako sa pagsasalita. Hindi ako nagkulang ng panghihinala. Tama nga ako.

"Oo." kaswal kong sagot dahil iyon naman ang totoo.

"How many times do I have to tell you?" kunot-noong sagot sa akin ni Rin.

"Rin, I want you back..." alam ko sa sarili kong si Rin ang kahinaan ko at humihina ang loob ko pagdating sa kanya. Lalong-lalo na kung alam kong hahantong na naman kami sa ganitong usapan. Natatakot ako. Natatakot akong baka mag-away na naman ulit kami.

"But I'm here." tila nauubusan na siya ng pasensya nang sabihin niya ang nga katagang iyon.

Alam kong paulit-ulit ko nang sinabi iyon. Pang-ilang beses ko na bang sinabi sa kanyang Rin, I want you back. With me.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon