Chapter 26: The Catching

195 9 5
                                    

TREV

Kung mayroon kaming gagawin ngayon, iyon ay ang sumugod. It's so unfair kung isa sa amin ang namatay nang ganun-ganon na lang. Hindi kami papayag.

Naiwan ang mga bata at si tita Alicia sa bahay. Kami-kami ngayon nina Rin, tito Christian, tito Margo, Kyle at Zoey ang magkasama. Ang sakit isipin na nabawasan kami ng isa. Kaya ngayon ay sisiguraduhin naming walang malalagas sa amin.

Lulan kami ng truck na nakuha namin sa bread factory. Sabi kasi ni tito Christian, agad kaming makikilala kung ang gagamitin naming sasakyan ay ang sasakyan na nakuha nila noong nag-hunt sila. Nandito kami nina Rin, Zoey at Kyle sa likod samantalang sila tita Margo at tito Christian naman ang nasa unahan. Kapwa kaming handa sa anumang mangyayari.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng malalakas na patak sa truck. Sumilip ako sa pintuan ng truck at sa labas ay nakita ko ang malakas na buhos ng ulan. Agad na nabasa ang sementadong sahig ng daan at nagdulot ito ng maalimuom na amoy.
"Ano bang...itsura noong lalaking sinasabi niyo?" napadako ang atensyon namin kay Kyle na nagsalita.

"Kasing edad lang natin. Kasing tangkad ko din. Pero hindi kami sure kung siya nga 'yong na-encounter namin sa woods noon na gustong sumama sa grupo natin. Hindi ko sigurado kung siya nga 'yong hinahanap nila tito Christian." sagot ko naman.

"Malakas ang kutob kong siya 'yun, Trev." pagtawag ni Rin sa akin.

At first ay nagdadalawang isip pa rin ako kung siya nga iyon dahil he was so kind back then. He even gave us food inexchange na pasalihin siya sa grupo namin. But we aren't sure yet.

"Kung sino man siya, Rin... papatayin natin siya." determinado kong sambit. I can do anything to avenge kuya Tyler, at alam kong ganoon din ang gagawin ni Rin.

~*~

Lumipas ang ilang sandali ay tumigil na ang truck na sinasakyan namin ngunit hindi ang ulan sa labas.

Pinangunahan ko ang paglabas sa truck dahil alam kong nakalabas na sila tito Christian mula sa harap.

Sa aming paglabas ay tumambad sa amin ang medyo madilim na kalangitan. Nay panaka-nakang ulan din na bumubuhos mula doon.

Sa daan ay mayroong ilang mga walkers na pagala-gala lang. Pero alam kong the moment na makita nila kami ay hindi sila mag-aatubiling atakihin kami.

Handa sa anumang panganib ay sinundan namin sila tito Christian saan man sila magpunta.

Tumambad sa amin ang magkakadikit na mga struktura, more like mga bahay. Mayroon itong mabababang bubong na maaari naman naming maakyat. Lumampas kami sa bakal na gate na nagsisilbing harang ng isang maliit na village na ito.

"It's clear." sambit ni tito Christian. Hindi ko alam kung positibo ba ito o hindi. Positibo dahil malinis ang lugar at walang bakas ng anumang panganib, o negatibo dahil wala dito ang taong pakay namin.

Gayunpaman ay ipinagpatuloy namin ang aming paghahanap. Binalaan kami na huwag gagawa ng kahit anong ingay hangga't maaari.

May nadaanan kaming isang opening pagliko namin. Lumapit doon sila tita Christian at tumingin sa sahig nito.

"His blood stains. Dito namin siya nabaril." sabi ni tito Christian habang nakatingin sa natuyong mantsa ng dugo sa sahig.

Sa tabi ng opening ay may isang bahay. The house looks very pleasing. Pakiramdam ko, hindi abandonado ang bahay na ito. Maski ang village na ito. Pakiramdam ko... May nakatira pa dito.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon