Chapter 28: Trust Issues

157 9 2
                                    

TREV

Naging buo ang desisyon namin ni tito Christian na ibaba na lamang ang aming mga baril.

Napansin ko namang nagpakawala ng buntong hininga ang lalaki. Narelieved siya sa aming ginawa. Wala ni isa sa amin ang dapat na maging kampante. Walang nakakasigurado ng maaari naming gawin.

"I'm Shawn." sambit ng lalaki habang inilalahad ang kanyang kamay.

Should we accept it?

Should we drop our guard down?

Should we trust him?

Despite of any worries, tito Christian took his hand.

"Christian." tito said. He then introduced every one of us.

"Malakas ang ulan. Pwedeng dito na po muna kayo magpalipas ng gabi. Marami namang mahihigaan dyan. At ang mga pagkain ay nandyan lang." bilin niya. Tumango kami sa sinabi niya.

I'm not making friends with him. He seemed so kind pero looks can be deceiving, right?

Unti-unting dumilim ang paligid, senyales na mag-gagabi na. Binuksan na ni Shawn ang kahit anumang lampara na mayroon siya sa loob nito dahilan upang magliwanag ang paligid. Unti-unti kong inilibot ang paningin ko sa loob ng bahay na ito. Noong una, akala ko ay isang malawak na room lang ito ngunit may ilan din palang mga pasikut-sikot dito. Mukhang isa itong maliit na bahay. He got a little place here, huh? His stuff are hanging around the wall. Malinis ang lugar niya ngunit hindi mo naman masasabing maaliwalas dahil sa mga gamit na nasa paligid.

He pretty much lived alone in this place. May sapat na pangangailangan, may magandang defense at mapagtataguan. This looks so peaceful... kami lang ang nanggulo. But why would he join us?

May binuksan siyang aparador sa taas ng lababo. Sa lababo naman ay may hinanda siyang malaking tray. Kumuha siya ng ilang mga pagkain sa aparador at pinagkasya ang mga ito sa tray.

Nang mapuno ang tray ay dinala niya ito sa amin at isa-isa kaming inalok ng pagkain.

"Rin... Pagkain oh. Baka gutom ka na." sincere na sambit ni Shawn kay Rin. Si Rin naman ay nanatiling tahimik.

Walang anu-ano'y tumayo ako at pumunta sa direksyon ni Rin at Shawn.

Nagsalita ako.

"Oo, gutom nga siya. Salamat." mabilis kong sabi habang kumukuha ng mga tupperware na naglalaman ng mga gulay.

Tumango naman siya saka umalis na at nagpatuloy na nagbigay ng mga pagkain sa iba.

Umupo ako sa tabi ni Rin at umakbay sa kanya.

"Babe, kain na." sabi ko.

Tumingin naman siya sa akin saka tipid na ngumiti. Okay lang kaya siya? There's a part of me na gustong magtanong kung okay lang siya. Pero sabi ng isa kong parte ay huwag muna dahil pakiramdam kong iiyak ulit siya. We got plenty of time naman para pag-usapan iyon sa tamang panahon.

Sa ngayon, kailangan munang mawala ang stress niya.

Binuksan ko ang tupperware at nakitang maigi ang laman nito. Ilang mga mais at green peas. May mga carrots din na hiniwa nang maliliit.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon