TREV
Saglit akong naalimpungatan nang maramdaman kong wala na akong katabi sa maliit at malambot na kamang hinihigaan ko.
"Rin?" Tila wala sa wisyo ko pang sabi. Inilibot ko ang paningin ko sa maliit na kwarto na may isang kandilang nagsisilbing liwanag ngunit alam kong wala si Rin dito.
Asan na si Rin? Parang kanina lang ay magkasama kami at...
Napatingin ako sa sarili ko at sa mga damit kong nagkalat sa sahig.
It happened...
Pero nasaan na si Rin? Bakit bigla na naman niya akong iniwan?
Agad kong kinuha ang mga damit ko at nagbihis. Sa may lamesa ay napansin ko ang isang papel na wala naman dito kanina. Agad ko itong kinuha at binuksan.
Sa papel ay nakita ko ang ilang mga guhit ng tila isang kabuuan ng isang base at ilang mga guhit na tila ba daan. Parang isang mapa. Sa ibang parte naman ng papel nakasulat ang ilang mga palatandaan ay paalala. Galing ito kay Rin
Binulsa ko ang papel at kinuha ang katana ko. Nilisan ko ang hideout ni Rin at naglakad sa kung saan-saan nang may isang bagay sa utak: ang hanapin si Rin.
Hindi ko alam kung kailan pa umalis si Rin sa tabi ko pero hahanapin ko siya.
Hindi pa man ako nakakalayo ay may nakita akong isang motor sa bandang tabi ng hideout ni Rin.
Biglang nawala ang atensyon ko sa motor na iyon nang makarinig ako ng mga halimaw sa kung saan. Base sa ingay nila ay alam kong marami sila.
Hinanda ko ang katana ko at inintay na lumitaw ang mga walkers sa harapan ko.
Walang hirap ko silang pinatay gamit ang matalas kong katana. Matapos iyon ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad.
May pailan ilang mga walkers na lumilitaw sa iba't-ibang parte ng kaubatang ito. Magugulat na lamang ako at biglang may lilitaw sa gilid ko. Pati na rin sa likuran ko. Napakadami nila at hindi ko alam kung bakit nagkalat sila sa parte ng kagubatang ito.
Ilang minuto pa ang ginugol ko at napansin kong habang lumalayo ako ay nagkakaroon ng trail ng mga patay na walkers sa paligid. Ang ilan sa kanila ay may mga tama ng bala ng crossbow. Kay Rin ito!
Agad kong kinolekta ang mga bala ng crossbow na minsan ko na ring nahawakan. Alam kong kay Rin ito dahil may nakaulit na R sa bandang dulo ng katawan nito.
Nanggaling na dito si Rin. Sana hindi pa siya nakakalayo. Kailangan ko pa siyang makausap. Kailangan ko pang makapagpaalam.
Ilang sandali pa ay narating ko ang isang daanan na tumatapos sa kagubatang ito. Luminga ako sa paligid, umaasang mahahagip ng paningin ko si Rin pero wala.
"So, ito pala ang lalaking laging pinupuntahan ni Zerrin."
Napatigil ako nang makarinig ako ng boses ng isang lalaki sa likuran ko. Agad akong napalingon at tumambad sa akin ang limang lalaking mas matatanda pa sa akin. Lahat sila ay armado ng mga malalaking baril. Pero hindi iyon ang pinagtuunan ko ng pansin.
Kilala nila si Zerrin?
"Sino kayo?" Sambit ko habang hawak nang mahigpit ang katana ko. Kung gagawa sila ng masama sa akin, uunahan ko na sila sa pagwasiwas ko ng katana sa mga katawan nila.
Tila mga baliw naman silang sabay-sabay na nagtawanan.
May hudyat na ginawa ang lalaking nagsalita kanina dahilan upang lumapit sa akin ang apat na lalaking inutusan niya.
Agad akong umatras at itinapat sa kanila ang katana ko.
"Subukan niyong lumapit." Pagbabanta ko ngunit muli silang nagtawanan. Sabay-sabay nilang hinanda ang mga baril nila at tinutukan ako.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...