TREV
Nasa sala kami ngayon ni Rin at nakaupo sa sofa. Madaling araw na at heto ako ngayon, tinititigan lang si Rin habang kumakain ng patatas.
"I know you're craving."
"How did you know I'm craving for this?" sambit niya habang puno pa ng patatas ang bibig niya.
"Uh.. Hehe.. Let's just say na sa sobrang mahal na mahal kita, alam ko kung ano ang gusto mo 'pag 'girl thing' ka..." nahihiya kong sambit.
Ngumiti naman siya. Dumukot siya ng patatas at inoffer sa akin.
"Ayoko. Sa'yo lang 'yan." tanggi ko. Makita ko lang siya na busog, masaya na ko.
"Ang kulit. Bilis naaa!" pagpilit niya habang isinusubo pa rin sa akin 'yung fries. Hindi ba siya nangangalay?
"Marami pa naman doon. Bigyan mo nalang ako 'pag busog ka na."
Nag-pout naman siya saka tumayo.
Makalipas ang ilang sandali ay naubos na ni Rin ang patatas at nangalahati na ang bote ng ketchup na kanina ay puno pa. Gutom nga 'to.
"Haaa... Thank you, Treeev!" nakangiti niyang sambit habang hinihimas himas ang tyan niya. Ang cute hahaha.
Napatitig ako sa kanya at napansin kong may may ketchup pa siya sa gilid ng labi niya.
"Bakit?" tanong nuya habang nakatitig rin sa akin.
Napansin niya sigurong nakatitig ako sa labi niya kaya medyo nailang siya. Upang mawala ang pagkailang ay ilinapit ko ang thumb ko sa gilid ng labi niya upang punasan ang natirang ketchup doon.
Napaatras naman siya bigla at nanlaki ang mata niya.
"Uh.. Ketchup." sabi ko. Hindi na siya lumayo pa ay hinayaan niya na lang ako na punasan ang gilid ng labi niya. For a moment ay naramdaman ng thumb ko ang labi niya na napakalambot. At ang pula pa. Hindi ko alam kung dahil sa ketchup o sadyang natural na mapula lang ang kanyang mga labi.
"Thanks." she smiled sweetly.
Saglit na naging awkward ang atmosphere namin pero agad kong pinutol iyon. Nag-open ako sa kanya ng topic.
"Patawad, Rin. Hindi na ako ulit mangengealam ng gamit mo..." sambit ko.
"Ah... It's just... Really important to me. Ayoko ng nalalapatan ng ibang kamay ang bagay na iyon lalo na ang nasa loob non."
Tumango ako sa sinabi niya. Maybe it's really private and sentimental.
"Sorry ulit." sambit ko. Ngumiti naman siya at tumango.
Maya-maya pa ay nakita ko ko siyang humikab.
"Trev... Sing me a song..." childish na sambit niya.
"Huh? Eh tingnan mo inaantok ka na nga oh." natatawa kong sabi.
"Please?" nakapout niya sabi. Aww, I can't resist that cuteness.
Napabuntong hininga ako...
"Please... Don't see... Just a boy caught up in dreams and fantasy. Please see me. Reaching out for someone I can't see..."
Ngayon ay minasdan ko si Rin na nakatingin lang sa akin habang kumakanta ako para sa kanya. Nakangiti siya.
"Don't you dare let our best memories bring you sorrow. Yesterday I saw a lion kiss a deer... Turn the page maybe we'll find a brand new ending... We were dancing in our tears..."
Napansin ko namang ipinatong ni Rin ang ulo niya sa balikat ko.
"God... Tell us the reason... Youth this wasted on the young... It's hunting season and lambs are on the run... Searching for meaning... But are we all lost stars, tryin' to light up the dark?"
"Oooh I thought I heard you out there cryin'... Oooh, I thought I heard you call my name. And thought I heard you out there cryin', oh just the same..."
"God... Tell us the reason... Youth this wasted on the young... It's hunting season and lambs are on the run... Searching for meaning... But are we all lost stars, tryin' to light up the daaaark?"
"We are... Lost stars... Trying to light up... The dark..."
Yumuko ako upang tingnan si Rin na ngayon ay mahimbing nang natutulog sa balikat ko. Maya-maya pa ay pinilit ko na ring matulog katabi si Rin...
~*~
"Ang cute tingnaaaan!"
"Ang sweet naman oh!"
"Hihihi bagay sila!"
Napamulat ako ng mga mata. Medyo nasisilaw pa ako pero kitang-kita ko ang kumpol ng mga tao na nasa harapan ko.
Sila Zoey, Kyle, tita Alicia, tita Margo, tito Christian, kuya Tyler at 'yung dalawang bata. Teka... Anong meron?
Napayuko naman ako at nakita ko si Rin na nakahiga at ginagawang unan ang lap ko.
"Oh nagising na siya."
Well, not really?
Maya-maya pa ay nagising na rin si Rin at agad na bumangon muka sa pagkakahiga. Kinusot niya ang mata niya.
"Why?" nagtataka niyang sambit. Nagtawanan lang ang mga nakatingin sa amin. Okay?
"Maghilamos na kayong dalawa, magaalmusal na tayo." sambit nit tito Christian sala sila nagalisan nang hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Para silang kinikilig na ewan.
"Anong ganap?" tanong ko kay Rin na medyo nasisilaw-silaw pa rin. Nagshrug lang siya bilang sagot. Natatawang napailing naman ako.
Maya-maya pa ay naghiwalay na kami ni Rin upang makapaghilamos.
Pagbaba ko ay pumwesto na ko sa upuan ko at sinuri naman ako nila tita Alicia.
"Blooming ah." sambit ni Zoey habang nakangiti.
Napatawa lang ako saka kinuha ang baso ng tubig na nakapatong sa lamesa saka uminom.
"Kayo na ba?" biglang daretsahang tanong ni tita Margo. Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa narinig kong tanong.
"Hahahaha!" sabay-sabay naman silang nagtawanan.
"Hindi po ah!" deny ko. Nakakagulat naman 'yon!
"Aaaaah... O-kaaay.." patango-tangong sambit ni tita Alicia na tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko. Talaga naman ah? Hindi pa kami ni Rin. Hindi pa nga niya ako pinapayanmgang manligaw sa kanya eh.
"Oh ayan na siya." napalingon ako sa may hagdan at nakita ko si Rin na pababa doon. Suot niya ang isang maluwag na puting tshirt at ordinaryong shorts. Nakapuyod din nang nataas ang kanyang buhok dahil upang makita ko ang maaliwalas niyang mukha.
"Matutunaw 'yan." bulong sakin ni Kyle. Natauhan naman ako napatawa. Ilang sandali lang ay nakarating na si Rin at umupo sa tabi ko.
Ngumiti siya sa amin. Maya-maya pa ay kumain na kami
▄︻̷̿┻̿═━一
Song: Lost Stars by Adam Levine
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AçãoAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...