RIN
Bago ko lisanin ang hideout ko ay saglit akong tumingin kay Trev na mahimbing na natutulog sa kamang minsan ko na ring hinigaan. Ilang oras din akong nagstay sa taguan kong ito bago ako muling umalis. I can't believe I'm leaving him again.
Malalim na ang gabi nang lumabas akong muli sa kakahuyan. Napakalamig at napakatahimik ng paligid. Tila ba naabando na na ang kabubuan ng mundong ito. Kung may makakasalubong man ako, halimaw iyon at hindi tao.
Kinuha ko ang motor ko at dinala iyon palayo sa hideout. Ayokong magising si Trev sa ingay ng motor na ito. Nang makalayo ay napagdesisyunan ko nang sakyan ang motor. Ilang segunda na ang lumipas ngunit hindi ko magawang buksan ang makina ng motor kahit kanina ko pa ito pilit na pinaaandar.
"Shit." Bulong ko sabay hampas sa manibela dulot ng inis. Wala na palang gas ang lintik na motor na ito.
Naisipan kong itago na lang ang motor 'di kalayuan sa hideout ko. Iniwanan ko iyon at muling nagpatuloy sa pag-alis.
~*~
Habang naglalakad ako sa tahimik at masukal na kakahuyan ay ilang kaluskos kung saan ang narinig ko. Agad kong hinanda ang crossbow ko at nakiramdam sa paligid. Kagaya ng palagi kong nararanasan, ang mga kaluskos na naririnig ko ay palapit nang palapit sa kinaroroonan ko.
Ilang sandali pa ay isang walker ang gutom na gutom na lumapit sa akin. Kinuha ko na lamang ang kutsilyo ko at madaling sinaksak ito sa ulo. Kasabay ng pagkamatay ng walker na iyon ay siyang litaw naman ng ilan pa sa paligid ko. Mabilis akong lumingon at laking gulat ko nang tatlong mga halimaw na agad ang papalapit sa akin.
Agad akong tumakbo. Habang tunatakbo ako ay ilang sulyap din ang ginawa ko sa paligid ko at muli akong napamura sa gulat dahil ang dami nang mga haliamw ang lumilitaw sa likod, gilid at harapan ko. Unti-unti na din akong napapagod dulot ng kanina pang pagtakbo.
Kailangan kong makatakas sa mga halimaw na ito. Hangga't nakikita pa nila ako ay tiyak na hindi sila titigil hangga't hindi ako nahuhuli.
Lumingon ako sa paligid ngunit kahit maliit na taguan ay wala akong makita. Ang tangi ko lang na nakikita ay ang patuloy na pagdami ng mga halimaw na sabik na sabik sa aking laman.
Dahil sa kawalan ng matataguan ay nagpasikot-sikot ako sa iba't-ibang parte ng kagubatan. Kung magagwa ko ito nang tama ay maaari ko silang mailigaw sa pamamagitan ng pagliko-liko kung saan at sa maya't-mayang pagtako sa makakapal na katawan ng mga puno.
Ilang sandal pa ay unti-unti ko nang nailigaw ang mga walkers. Alam kong kahit nailigaw ko na sila ay nasa paligid ko lang sila. Isang maling galaw ko lang na makapagdudulot ng kahit katiting na ingay ay alam kong manganganib na naman ang buhay ko.
Hinihingal na sumandal ako sa isang puno at doon naghabol ng hininga. Sa takot na baka makita akong muli ng mga haliamw na iyon ay napagdesisyunan kong umakyat ng puno at sa sanga magpahinga.
May pag-iingat akong umakyat sa puno. Agad akong pumili ng sangang mauupuan ko. Nagpakakumportable ako sa aking upo bago kuhain ang isang bote ng tubig sa bag ko. Uminom ako ng tubig saka huminga nang malaim. Tinitigan ko ang bilog na buwan na nagsisilbing liwanag sa gabi. Alam kong anumang sandali ay wala pa itong balak na umalis dahil malalim pa ang gabi.
Napabuntong hininga ako. Iniisip ko tuloy kung mananatili ako sa punong ito hanggang sa sumikat an araw o hihintayin kong lumakas muna ako bago ako muling bumaba at umuwi sa base ni Carver. May parte sa akin na nag-aalala dahil baka hinahanap na ko ni Carver o ng mga tauhan niya. Mayroon din naming parte sa isip ko na kampante dahil napatulog ko nang mahimbing si Carver at nakapagpaalam naman ako sa mga tauhan niya. Either way, ayoko sa lugar na iyon. Ayokong makita nila ako at ayokong din silang makita. Kaunting tiis na lang talaga at wawasakin ko ang lugar na iyon kasama ang hayop na si Carver at mga walang utak niyang mga tauhan.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AcciónAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...