Chapter 43: Wake Up

163 9 4
                                    

3RD PERSON

Hindi naging maganda ang gising ni Trev noong sumunod na araw. Sa kabila ng positibong senyales ng paggalaw ni Rin kahapon ay hindi pa rin maipagkakaila ni Trev ang nararamdaman. May pagdududa pa din siya sa sitwasyon. Oo, nagging masaya siya sa paggalaw ni Rin kahapon at iyon ay tunay pero agad din naman siyang nalungkot dahil hindi pa din nila alam kung kalian talaga magigising si Rin. Sana nga ay malapit na.

Naisip ni Trev n asana ay maging sapat ang dextrose sa pangangailangan ni Rin. Natatakot siya dahil baka may iba pang pangangailangan si Rin na hindi nila mapunan dahil sa wala nga itong malay. Paano naman kaya nila malalaman ang iba pa nitong kailangan? Kaya palaging nakabantay si Trev sa kanya dahil gusto niyang bantayan ito sa abot ng kanyang makakaya. Kung ano man ang pangangailangan ni Rin ay pilit niya itong alamin kahit na ganito pa ang sitwasyon.

Napanaginipan na naman ni Trev si Rin nang umagang iyon kaya hindi nagging maganda ang kanyang gising. Ang panaginip na ito ay nangyari na noon. Naglalaman ito ng mga masasayang alaala nila ni Rin at hindi niya maiwasang malungkot dahil ito ay panaginip lang.

Mataman niyang tiinitigan ang mukha ng minamahal. Hawak niya ang kamay nito gaya ng palagi niyang ginagawa. Sa kabilang kamay naman ay nakatusok ang karayon na nakakoneta sa tube at sa dextrose.

"Rin... Good morning..." pinilit ni Trev na hindi bumuhos ang luha dahil gusto niyang maging positibo. Ayaw niyang simulan ang araw niya nang malungkot kahit na pagkagising na pagkagising niya pa lang kanina ay isang alaala ang nasa utak niya.

"Alam mo bang napanaginipan na naman kita? Miss na miss na kita, Rin..." halos mapaos na siya nang sabihin niya ang mga katagang ito. Araw-araw namimiss niya si Rin at halos araw-araw niya rin itong napapanaginipan. Nasasaktan siyang isipin na ang masasayang alaala na ito ay hindi nila magawang ituloy dahil wala si Rin. Tila sa panaginip na lang maaaring mangyari ang mga ito.

"Sana gumising ka na para sabay nating mamasdan ang sunrise..." garalgal ang boses na sambit niya. Ngayon ay hindi na napigilan ni Trev na mapaiyak. Grabe na ang lungkot na nararamdaman niya. Hindi na niya kaya.

"Gumising ka na....please..." napayuko si Trev. Lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay nito kahit alam niya namang hindi siya nito ginagantihan ng hawak. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag magkalayo kayo ng mahal mo kesa sa magkalapit nga kayo, wala naman ang presensiya niya. Mas masaklap ang pangalawa dahil hindi alam ni Trev kung kelan babalik si Rin.

Umalis si Trev sa pagkakayuko nang mayroon siyang maramdaman sa kanyang kamay. Agad niyang tiningnan ang kamay ni Rin at nagulat siya nang masaksihan ng dalawa niyang mga mata kung paano ito gumalaw nang bahagya. Nakita at naramdaman ito ni Trev kaya agad siyang nabuhayan ng loob.

Walang anu-ano'y sumigaw si Trev at tinawag ang mga kasamahan. Patuloy pa din ang paggalaw ng kamay ni Rin kahit kaunti.

"TITA!! KYLE! ZOEY!!! TITO CHRISTIAN! SI RIN!" sigaw ni Trev habang hindi inaalis ang paningin kay Rin.

Doon na lang niya napansin ang unti-unting pagmulat ng mga mata ni Rin!

Nagsidatingan ang mga kasamahan ni Trev na halatang nasasabik rin sa maaari nilang masaksihan.

"Rin!" nasasabik na saad ni Trev nang tuluyan nang naimulat ni Rin ang kanyang mga mata.

"Thank God, gising ka na!" mangiyak-ngiyak kna sambit ni Trev. Dahil si Trev ang nasa mismong harapan ni Rin ay sa kanya unang napunta ang atensyon ni Rin.

Ngunit.. Tila may kakaiba. Gising na si Rin pero ang presensya niya... Parang wala pa rin. Tinititigan ni Trev si Rin. Luminga-linga si Rin sa paligid na tila ba kinikilala ang bawat taong nakapaligid sa kanya. Ang lahat ng ito ay mga nakangiti at tila nasasabik sa kanya. Ngunit walang ekspresyon na makita sa mukha ni Rin. Walang saya. Walang gulat at kung anu-ano pa.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon