3RD PERSON
Napalitan ng lungkot ang galit na nararamdaman ni Trev noong pumasok siya sa kwarto ni Rin at nakitang muli ang minamahal.
Dali-dali siyang tumabi kay Rin at hinawakan ang kamay nito. Matapos ay hinalikan niya iyon nang matagal. Mariing napapikit si Trev dahilan upang lumabas mula sa kanyang mata ang kanina pang nagbabadyang mga luha, mga luha na kanina pang nagtatago at ngayon niya lang nailabas.
Basta't pagdating kay Rin, lumalakas siya at humihina din. Lumalakas siya dahil ito ang inspirasyon niya at ang kalakasan niya. Humihina din naman dahil simpleng ito ang nagbibigay sa kanya ng matinding pag-aalala. Kay Rin niya lang nailalabas ang tunay niyang emosyon. Sa kabila ng galit na ginawa niya kanina ay ang kalungkutan at ang stress dahil sangkot ang minamahal niya sa nangyayari.
"I'm sorry Rin... I'm sorry." parang batang humagulgol si Trev sa tabi ni Rin habang hindi pa din binibitawan ang kamay nito. Kung gusto niya nga lang ay habang buhay na niya itong hahawakan. Kung pwede na lang ay hindi na niya ito bibitawan. Tuwing hawak niya kasi ito, gumagaan ang loob niya kahit papaano.
"I'm sorry, I didn't protected you enough. It's my fault." saad ni Trev.
"I shouldn't have left you. I should've stayed with you. Rin, I swear. If he does anything bad to you, I'm gonna kill him. I'll do anything for you."
Hinalikang muli ni Trev ang kamay ni Rin.
"Anything..."
~*~
"Shawn, gusto kong maging honest ka sa akin ngayon. Ano ang nangyayari sa inyo ni Trev?" masinsinang kinakausap ni Christian si Shawn matapos ang hapunan.
"Medyo hindi lang siguro pagkakaintindihan." ani Shawn.
"Dahil doon nagkakaroon ng matinding tensyon sa inyong dalawa? Dahil doon nagalit siya nang matindi?" tanong ni Christian.
"He doesn't like me. That simple." seryosong ding saad ni Shawn.
"I heard na nagsisinungaling ka daw." nararamdaman ni Christian na parang napapalayo ang loob niya kay Shawn dahil parehas sila ng naiisip ni Trev. Pero sa ngayon ay kakausapin niya muna ito nang masinsinan upang maliwanagan kahit papaano.
Napabuntong hininga si Shawn. "Nag-iingat lang naman ako sa maaari kong masabi."
"Kaya you're living in lies? Shawn, ngayon may kasama ka na. Hindi na lang ikaw mag-isa. Lahat kami ay open sa pamilyang ito. So kung tingin mong miyembro ka, alam mo kung ano ang dapat gawin. Iyon ay ang maging tapat ka sa amin." sincere na sabi ni Christian.
"Sorry if I lied. May mga bagay lang talaga na hindi ko pa nasasabi. Lahat tayo may past lives. Pinipilit kong kalimutan iyon kaya kung ano ang buhay ko ngayon, doon na ako nakafocus. Sadyang kayo lang ang nakakapansin ng mga bagay na iyon dahil bago lang ako dito." ani Shawn.
"Sige." tumango si Christian.
"May iba't-iba tayong perspective. Kagaya mo, iba ang approach na ginawa mo sa akin kumpara sa approach ni Trev. Ginagalang ko naman iyon. Handa naman akong pakitunguhan nang maayos ang lahat." Shawn.
"Igagalang din namin ang sikreto mo. Pero sana ipangako mo sa amin na hindi masisira noon ang relasyon namin sa iyo. Patunayan mong pinahahalagahan mo talaga ang tiwalang binigay namin sa iyo." sambit ni Christian.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
AksiAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...