Chapter 24: I Need You

189 9 4
                                    

TREV

Binisita ko si kuya Tyler sa kanyang kwarto at dinala doon ang kanyang pagkain. Nakita kong natutulog siya habang hawak ang tyan niya. Pansin ko rin na medyo nahihirapan siya sa paghinga.

Nilapag ko sa lamesa sa tabi ng kama niya ang tray na naglalaman ng pagkain.

Umupo ako sa higaan niya at ginising siya.

"Kuya Ty. Kain na." sabi ko habang marahang niyuyugyog ang katawan niya.

Agad naman siyang nagising. Nanghihinang ngumiti siya sa akin.

"Ikaw pala, Trev." sambit niya habang marahang bumabangon.

"Kain na, kuya. Para lumakas ka." sabi ko habang inaalalayan siya sa pag-upo sa headboard ng kama.

Kukunin ko na sana ang tray at ipapatong sa hita niya nang bigla niya hinawakan ang braso ko. Naramdaman ko ang malamig niyang kamay.

"M-mamaya na, Trev." sambit niya. Tumango naman ako at ibinalik sa lamesa ang tray.

"Ano nang pakiramdam mo?" tanong ko.

"I don't know. Ang hirap." sagot naman niya.

"Kuya Ty," sambit ko.

"Okay lang ako, Trev. Alam mo... natutuwa ako sayo." sambit niya.

"Ano? Bakit naman?" nagtataka kong tanong.

"You have a girlfriend. But you chose to take care of me. Nakakatuwa lang dahil hindi lang si Rin ang inaalala mo, kundi ang iba din." sambit niya.

"Ano ka ba, kuya Ty. Kailangan mong maalagaan. Sa natamo mong sugat, higit pa sa paggamot ang kailangan mo. Tsaka nandito naman ako lagi para tumulong. Kahit sino pa 'yan." sambit ko naman. Ngumiti siya.

"Salamat. Isasagad ko na din ang pasasalamat dahil inaalagaan mo ang kapatid ko. Siya na lang ang natitira sa akin. Sana ingatan mo siya." sambit niya. Tumango ako pero 'di kalauna'y nakaramdam ako ng kakaiba.

"Kuya Ty... Nagbibilin ka...Nag-papaalam ka na ba?" nag-aalala kong tanong. There's the whole part of me hoping that I was wrong.

Napatawa naman si kuya Tyler.

"Hindi, Trev. Sinasabi ko lang na bilang boyfriend niya, 'wag mo siyang pababayaan. Alam kong matapang at tough ang babaeng iyon pero may mga kahinaan din siya. It's for you to discover." sabi niya.

Wala na akong ibang nagawa kundi sundin at iwaksi sa isipan ko ang posibilidad na nagpapaalam na si kuya Tyler.

"Basta pagaling ka ha." sabi ko habang nilalagay na ang tray sa hita niya. This time, hindi na niya ako pinigilan.

"Kain na." sabi ko.

"Salamat, Trev." sambit niya.

"Pag may kailangan ka, nandito lang kami ha." this time, ako naman ang nagbilin.

Maya-maya pa ay nilisan ko na ang kwarto ni kuya Tyler. Paglabas ko ay agad akong sinalubong ni Rin. Ngumiti siya sa akin saka pumasok sa kwarto ng kanyang kuya.

Pumunta ako sa kusina at nakita kong tapos na ang lahat sa pagkain ng dinner. Tapos na rin naman na akong kumain kanina kaya ako na ang naghatid ng pagkain kay kuya Tyler.

Nakita ko si tito Christian na nagliligpit ng pinag-kainan. Tinulungan ko siya.

"Tito Christian," pagtawag ko. Tumingin naman siya sa akin nang nakataas ang mga kilay, hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Kuya Tyler's a bit pale. Okay lang kaya siya?" tanong ko.

Napabuntong hininga si tito Christian at animo'y nag-isip nang malalim.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon