Chapter 87: Grievance

153 9 8
                                    

RIN

Malalim na malalim pa ang gabi ay agad na kaming kumilos dahil anumang sandali ay mangyayari na ang gagawin naming pagtakas. Lahat ay buo ang isipang umaayon sa mangyayari kaya't iniisip ko na sana ay hindi na kami mahirapan.

"Oras na makita niyo sila Trev, sumama na kayo sa kanila. 'Wag niyo na akong isipin. Kung kakayanin ng oras, dumaan kayo sa basement para kunin ang ibang mga armas doon." Mahina ang boses kong sambit.

Simple lang ang naging usapan namin noong mga panahong iyon. Walang angal, lahat nakaintindi. Ngayon, kampante na ako sa magiging lagay ng mga kasama ko, ako naman ang kumilos para sa sarili ko at para kila Trev.

Madali akong nagtungo sa kwarto ni Carver. Doon ay hindi ko siya nakita. Kung tutuusin ay pwedeng pwede ko nang tapusin si Carver lalong lalo na kapag tulog siya pero hindi ko ginawa. Masisira ang plano ko. Malalaman at malalaman ng mga tauhan ni Carver kung mawawala man siya. Isa pa, ni isang beses hindi ako pinagdudahan ni Carver at sinusulit ko ang pagkakataong iyon para mapagtagumpayan ang plano ko nang hindi ako nahihirapan at hindi dinadaan sa dahas ang lahat. Kung gugustuhin kong tapusin ang buhay ni Carver ngayon ay ginawa ko na pero alam kong mahihirapan din ako sa ganoong sitwasyon dahil mailalagay ko sa panganib ang mga babaeng kasama ko. Gusto kong makatakas sila dito nang ligtas at malayo sa panganib na dala ng mga tauhan ni Carver. Magagawa ko lamang iyon kapag nandito na sila Trev at nasa akin na ang buong atensyon ni Carver.

Kusang mabilis na kumilos ang mga kamay ko sa paghalungkat sa anumang sulok ng kwartong ito. Kailangan kong mahanap ang crossbow ko. Tiningnan ko na ang ilalim ng kama, aparador, mga sulok - sulok at ila-ilalim ng kung anu-ano pero hindi ko ito nahanap. Siguro ay wala sa kwartong ito. Baka nasa basement.

Mabilis ngunit tahimik kong nilakad ang daan palabas nitong kwartong may kalakihan pero hindi pa man ako tuluyang nakalalabas ay may agad nang pumasok sa kwarto.

"Oh, Zerrin. Bakit gising ka pa?" Hindi ko alam kung tunay ba talaga ang pag-aalala ni Carver nang sabihin niya iyon.

"Matutulog na 'ko." Palusot ko, pilit ko siyang tiningnan sa mata.

Hindi sumagot si Carver. Bagkus ay umupo lang siya sa kama habang matamang nakatitig sa akin ang kanyang mga mata.

Lalabas na sana ako ng kwarto dahil sa pag-aakalang hindi na niya 'ko papansinin ngunit bigla naman siyang nagsalita.

"Bumalik ka dito. Halika." Aniya sabay tapik sa maluwag na bahagi ng kama.

Umiling ako, "Gusto kong matulog kasama sila." Pagtukoy ko sa mga babaeng kasama ko kanina.

Tumayo siya at hinawakan ako nang mahigpit sa braso saka hinila sa kama. "'Pag sinabi kong dito ka lang, dito ka lang." May halong diin niyang sabi. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umupo sa kama at tabihan siya.

Walang sali-salitang hinawakan niya ang magkabila kong balikat at mabilis akong inihiga sa kama. Agad akong pumiglas ngunit madali siyang nakagapang sa ibabaw ko. Nagawa niya ring ipagitan ang sarili niya sa gitna ng mga hita ko dahilan upang mas mahirapan ako sa pagpupumiglas.

Walang anu-anong pinaghahalikan niya ang leeg ko kaya naman labis nalang ang patuloy kong pag-iwas.

"Carver, m-matutulog na 'ko." Sabi ko habang pasimpleng tinutulak ang dibdib niya palayo sa akin ngunit naging bingi siya sa mga sinabi ko.

"Matutulog na 'ko sabi eh," pag-uulit ko.

"Saglit lang 'to." Aniya at abala pa rin sa ginagawa. Naramdaman ko na ang unti-unting paglakbay ng mainit niyang kamay pailalim sa damit ko. Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko na sa dibdib ko ang kamay niya. Gamit ang mga kamay ko ay tinulak ko naman paalis ang kamay niya mula doon ngunit masyado siyang malakas.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon