3RD PERSON
Nagising si Rin sa liwanag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Nasisilaw siyang bumangon at inusod ang kurtina upang hindi na siya muling masilaw. Agad na din naman siyang bumangon at nagkusot ng mata. Wala na siyang balak matulog pa dahil ngayon ay ayaw na niyang buong araw na lang na nakahiga sa kama. Kung kaya naman ay babangon siya.
Pumasok siya sa sariling banyo ng kanyang kwarto at doon naghilamos.
Mataman niyang tinitigan ang sariling repleksyon sa salamin habang basa pa ang mukha niya.
Nakatitig pa din sa salamin ay kinuha niya ang brush sa buhok. Mabagal at maingat niyang sinuklay ang kanyang buhok na aabot hanggang balikat.
Sunod niya namang dinampot ang gunting na nakasabit sa pako na nasa pader.
Kumuha siya ng sapat na hibla ng buhok at ginupit niya ito hanggang sa umabot na sa bandang leeg niya. Ganoon din ang ginawa niya sa ibang buhok. Walang kahirap-hirap niyang ginupit ang mga iyon hanggang sa umayon na ang lahat sa gusto niya.
Kinuha niyang muli ang brush at isinuklay itong muli sa ngayong maiksi na niyang buhok.
Matapos iyon ay naligo naman siya.
Pagkaligo ay lumabas siya ng kwarto at kauna-unahang nakasalubong niyang tao ay si Shawn. Halatang kakagising lang nito at nagulat ito nang makita niya si Rin.
"Rin?" parang tangang tanong ni Shawn nang may kasama pang pagkamot ng ulo.
"Uh. Yes?" sagot naman ni Rin na nag-aalangan din dahil sa inaasal ni Shawn.
"A-ahh. Muntik na kitang hindi makilala. Uh, nice haircut." nahihiyang sambit ni Shawn.
Tipid at nahihiya namang napangiti si Rin. "Salamat." aniya saka dumiretso na sa baba.
Pagkababa niya ay binati naman siya ni Margo sa may kusina.
Napansin niyang wala ang iba saka niya naalala na naghuhunt pala sila.
"Hi Rin." nakangiting sambit ni Margo habang busy sa pagluluto. Naamoy ni Rin ang aroma ng niluluto ni Margo kaya napagdesisyunan niyang magstay na lang sa kusina at samahan si Margo.
Maya-maya pa ay dumating si Zoey na halatabg kakagising lang din.
"Morniiing," kukusot-kusot sa matang sabi ni Zoey.
"Hi bes." bati ni Zoey pero agad din namang napalitan ng kakaibang reaksyon.
"You cut your hair?!" nanlaki ang mata ni Zoey nang makita niya ang maiksi nang buhok ni Rin.
Tumango naman si Rin at hindi na din mapigilang matawa dahil sa reaksyon ni Zoey.
"Oh no... Where are the unlucky ones now?"
"You mean 'yung mga nagupit nang buhok?" tanong ni Rin.
"Yeah..." malungkot na saad ni Zoey.
"Nasa basurahan na."
"Oh noooo. Sayang ang buhok mooo..." nanghihinayang na sambit ni Zoey na parang iiyak na. Siya kasi ang isa sa mga girly na babae sa pamilya at nalulungkot siyang mabawasan ang buhok ni Rin kahit hindi naman kay Zoey iyon.
"Ano ka ba, hahaba din naman ito ulit." paninigurado ni Rin.
"And then you're gonna cut it again..." Zoey.
Tumango na naman si Rin.
Wala nang ibang nagawa si Zoey kundi mag-pout.
"Anong niluluto mo, tita?" ani Zoey sabay amoy sa nilulutong pagkain.
BINABASA MO ANG
STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)
ActionAng pagkalat ng mga taong namatay at muling nabuhay na ngayo'y kumakain na ng mga tao. 'Yan ang pangunahing problema ng grupong kinabibilangan ni Trevor. Ngunit para sa kanya, hindi mapapantayan ng pandemyang ito ang labis na pag-aalala niya sa pina...