Chapter 57: Lodge Wardens

129 6 7
                                    

3RD PERSON

"Ano, kayo na ba?" ngingiti-ngiting tanong ni Kyle kay Trev habang nasa sala silang dalawa.

"Hmm. Hindi pa."

"Hindi pa? Ano bang nangyari sa date niyo kanina?" naiintrigang tanong ulit ni Kyle.

"Wala pare."

"Eh bakit wagas ka ngumiti?" Kyle.

Umiling naman si Trev. Ayaw niyang sabihin. Ayaw niyang ipagkalat dahil hindi pa naman sila ni Rin. Kanina lang ay nagkiss sila at naging maganda ang resulta. Hindi niya inaakalang tutugunan siya ni Rin ng mga halik pero ayaw niyang makasigurado dahil kahit nangyari iyon ay wala pa ring sinasabi si Rin na sila na ulit.

"May nangyari, ano?" Kyle wiggled his eyebrows.

"Wala pre. Manahimik ka nga dyan." hinampas ni Trev ng unan si Kyle bago tatawa-tawang tumayo at iniwan ang kaibigan.

Dumiretso siya sa labas dahil sa hindi mapigilang pag-iinit ng kanyang pisngi. Sa tuwing naaalala niya talaga ang nangyari ay tila kinikilig siya.

~*~

Magkasamang nakaupo si Rin at Zoey sa higaan ni Rin. Magkaharap ang dalawa at magkahawak pa ang mga kamay. Excited na nag-aabang si Zoey ng maaaring sabihin ni Rin. Kanina pa kasi ito nageexpect ng kwento mula sa best friend.

"Sabihin mo na dali. Satin-satin lang." kinikilig na agad si Zoey kahit wala pa namang sinasabi ni Rin. Natawa si Rin sa inaasta ng kaibigan. Hindi niya na din mapigilang kiligin kaya nagkwento na siya.

"We kissed." ani Rin kasabay ng pamumula ng kanyang pisngi.

Nanlaki ang mata at bibig ni Zoey sa narinig.

"AAAAYIIIEEEE!!!!" kinikilig na napatili naman si Zoey na halos tumalon na sa kilig.

"Shhh!" nakangiting iniharang ni Rin ang hintuturo niya sa labi senyales na manahimik si Zoey.

"Eee kinikilig ako! So, kayo na?" hininaan na ni Zoey ang boses niya.

Rin playfully bit her lip. "Hindi pa."

"Ay." bumagsak naman ang balikat ni Zoey sa narinig.

"Hindi muna." kinikilig na ngumiti ulit si Rin.

"Ay, pa-hard to get, beshy? 'Wag patagalin ha? Excited na kooo!" muling tumili si Zoey habang pumapalakpak pa.

"May ikekwento ka pa? I swear, dito lang ako."

Ngumiti si Rin. "Oo. Mamayang gabi tayo magkwentuhan." ani Rin.

"Sige! Dito na ko sa kwarto mo matutulog!" excited na sabi ni Zoey.

"Uhm. May hunting ulit bukas, diba? Makakasama ka ba?" tanong ni Rin kay Zoey.

"Hmmm. Hindi ko lang alam. Usually kasi isa ako sa mga nagbabantay sa mga bata." sabi ni Zoey.

"Sayang. Sasama ako bukas eh."

"Ayiiieee, ayaw mapahiwalay kay Treeev!" sinundot-sundot ni Zoey ang tagiliran ni Rin dahilan upang makiliti ito.

Napatawa na lang si Rin sa inaasta ng kaibigan.

~*~

Kinabukasan...

Maagang nagising si Rin dahil ngayon at makakasama na siya sa paghuhunt nila. 'Di kagaya noong una ay hindi na masama ang pakiramdam ni Rin ngayon.

Maingat siyang bumangon sa kanyang kama dahil baka magising si Zoey. Sa kwarto niya kasi ito natulog dahil halos magdamag na silang nagkwentuhan kagabi.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon