Chapter 85: Meet Me Halfway

167 7 0
                                    

TREV


May halong kaba akong tumingin kila tito Christian, umaasang alam nila ang ibig kong sabihin nang banggitin ko si Rin. Pero bagkus ay napansin ko ang pag-aalala nila hindi dahil kay Rin kung hindi dahil sa akin.

"Si Rin, tito Christian, nasa panganib siya!" Nag-aalala ko pang sabi ngunit nilapitan lamang nila ako at dahan-dahang inakay papasok sa sasakyan. Teka, hindi ito ang gusto kong mangyari.

"Ang mga lalaking 'yon.. Baka kung ano ang gawin nila kay Rin." Pagpupumilit ko pero tila bingi sila sa mga salitang sinasabi ko.

"Trev...Hindi ligtas. Dumarami na ang mga walkers at kailangan na nating makaalis sa lugar na 'to." Sambit ni tito Christian. Tinugunan ko siya ng nagmamakaawang tingin.

"Pero paano si Rin? Hin--"

"Trev, kung nakarating siya nang ligtas sa base nila Carver, hindi na siya magagalaw ng mga lalaking iyon." Ani Shawn dahilan upang sa kanya naman mapabaling ang atensyon ko.

"Paano mo nasabi 'yan? Paano kung hindi pa siya nakakabalik doon?" Tanong ko.

"Alam ni Rin kung ano ang ginagawa niya, Trev." Tugon ni niya pabalik saka naman nagsalita si Zoey.

"May tiwala kami kay Rin, Trev at gusto kong magtiwala ka rin sa kanya." Aniya. Hindi na ako umalma kahit na labis pa rin ang pag-aalala ko.

Naglakad na kami papuntang sasakyan habang inaakay nila ako. Habang nasa byahe ay pilit ko nalang na pinatatag ang loob ko na sana ay maayos kalagayan ni Rin ngayon. Sana ayos lang siya. Sana.


RIN


"Saan ka na naman ba nanggaling, Zerrin. Nag-alala kami sa'yo. At ano 'yang nangyari sa braso mo?" sunud-sunod at may pag aalalang tanong sa akin ni Mae nang makarating ako sa kwarto ng mga babae.

Agad silang naglapitan sa direksyon ko nang may bahid ng pag-aalala sa kanilang mga mukha.

"Wala 'to. 'Wag niyo akong alalahanin." Sagot ko nalang para mapanatag ang mga loob nila.

"Bakit ka ba kasi umalis? Delikado sa labas lalo na't gabi." Ani Criselda na ilang taon na ring nakakulong dito.

Marahan akong lumapit sa kanila saka bumulong. "Nakahanap ako ng tulong."

Magkakahalong emosyon ang nakita ko sa mga mukha nila. May natakot, may nag-alala, may sabik, at may natuwa.

"Talaga? Edi makakatakas na tayo dito?" Sabik na sambit ni Rosa na pinakabata sa lahat ng babaeng narito.

"Oo, Rosa. Gaya ng ipinangako ko." Tugon ko nang nakangiti.

"Pero paano? Alam mo naman kung gaano kalupit si Carver. Mahihirapan tayo." Tila takot namang sambit ng isa pa naming kasamahan.

"Planado na ang lahat, Ella. Kaya natin 'to. Kailangan nalang natin na maging positibo." Matatag kong sagot na ikinatatag din ng ilan sa kanila.

"Pupunta dito ang mga kaibigan at pamilya ko. Tutulungan nila tayong makatakas dito. Makinig kayo."

Ginamit ko ang libreng panahon para masabi sa kanilang lahat ang plano. Ipinaalam ko na sa lalong madaling panahon at sa nararapat kong hudyat ay aalis kami dito nang handa at ligtas.


TREV


STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon