Chapter 66: Refuge

107 9 2
                                    

TREV

"Sira ka talaga. 'Di mo manlang sakin pinaalam na mag-iimbita ka ng mga walkers para atakihin ako." natatawa kong sabi kay Jandi habang naglalakad kami pabalik.

"Alam ko namang kayang-kaya mo 'yung mga 'yon." kampante niya namang sagot.

"Tama ka, kaya ko nga."

"Yabang mo!" sigaw ni Jandi sabay tawa.

Napalitan ng tawanan namin ang tahimik na kapaligiran na 'di kalayuna'y naging tahimik muli. Ibinaling ko ang tingin ko kay Jandi.

"Jandi." pagtawag ko.

"Hmm?" tumingin siya pabalk.

"Salamat ha." sincere kong sabi. Hindi ko na napigilan ang sarili kong magalak dahil nandyan siya para tulungan ako sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Aaminin kong napakawalanghiya ko noong una kaming nagkita dahil iba ang ugaling ipinakita ko sa kanya. Pero heto siya ngayon at kasama ko pa rin. Tinutulungan niya ako kahit hindi naman kami lubos na magkakilala. At higit sa lahat, minulat niya ako sa iba't-ibang mga bagay na ang puso lang natin ang makakapagpaliwanag.

"Sus, wala 'yon. Ganyan din naman ang ginawa ko noon." aniya.

"You've been hurt?" tanong ko.

"Ilang beses na. Actually parehas nga tayo ng karanasan eh. One sided lagi ako pagdating sa pag-ibig. 'Yung mahal ko, may mahal na iba." nakita kong tumawa siya pero napansin ko sa mata niya ang kaunting sakit.

"I'm sorry." I feel sorry for her. Dalawang beses pa lang akong nasasaktan sa buhay ko pero siya, mukhang ilang beses na pero nagawa niya paring maging masaya. Mas pinili niyang pumunta sa maliwanag na daan at hindi magpakain sa kadiliman na lalo namang magpapasakit ng puso.

"Oh, don't be. Ang iniisip ko na lang patay na siguro 'yung mga 'yon. HAHAHA!" tumawa siya at alam kong sa panahon ngayon, totoo iyon. Hindi pagpapanggap, hindi pagtatago. Ang isa pang bagay na gusto ko sa kanya ay kayang-kaya niyang pagaanin ang atmosphere kapag nasa alanganin na ang lagay. 'Yung tipong nalulungkot ako pero agad din naming mapapawi dahil napakagaan ng mood niya at aaminin kong nakakahawa ang saya na dala niya.

Habang naglalakad kami pauwi ay naramdaman ko sa braso ko ang isang malamig na patak ng tubig. Napatingin ako sa kalangitan at nakitang walang mga bituin doon. Lumakas na din ang hangin at maririnig ko ang ilang mga kulog na nanggagaling sa kung saan.

Natagpuan na lang namin ang sarili naming mabilis na tumatakbo at dumadaan sa ilalim ng mga lilim ng puno upang makasilong. Sinalubong kami ng malakas na buhos ng ulan kaya hindi maiwasang mabasa kami.
"Dito, bilis!" sambit ni Jandi. Nakita kong ginugulong niya palayo ang natumbang puno. Tinulungan ko siyang gawin iyon. Matapos iyon ay lumuhod siya sa sahig at hinawi ang ilang mga tuyong dahon sa sahig. Doon ko na lang napansin ang isang maliit na pinto na nasa sahig na kanina'y natatakpan ng mga dahon.

Binuksan niya ang kwadradong pinto at pumasok doon.

"Down here, come on." Agad akong tumalon pababa. Oras na makapasok ako ay agad niyang isinara ang pintuan sa taas.

Dahil sa dilim ay hindi ko makita si Jandi. Pero agad din namang nagkailaw nang buksan ni Jandi ang flashlight niya. Nagpunta siya sa lamesa at sinindihan ang ilang lampara na nakapatong doon, sapat na para magkaroon ng liwanag ang paligid.

Nang magkailaw ay ngayon ko lang napagtanto na ang binabaan pala namin ay parang isang maliit na base sa ilalim ng lupa. Hindi ito gaanong malaki. Pang-isahang tao lang kung may titira man dito.

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon