Chapter 25: Accept It

173 10 4
                                    

TREV

Why Rin?

Why do you have to do this?

Why do you have to go through this alone?

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya. Wala na ang crossbow niya. Wala na din ang bag na lagi niyang dala kapag nag-huhunt kami.

Malungkot man ay iwinaksi ko sa aking isipan ang pag-alis ni Rin. Masakit man ay pilit ko pa ring kinalimutan ang katotohanan na kaya niya kong iwanan.

There's still a piece of me na may pag-asa pang makita ko siya. Kung kikilos na ako agad.

Mabilis kong nilisan ang kwarto ni Rin saka bumaba.

"Rin?!" pagtawag ko ngunit ni isang response, wala akong natanggap.

"Rin?!" muli kong sigaw. Tumingin ako sa wall clock namin at nakita ko ang oras. Alas singko ng madaling araw. Nasaan ka na, Rin?

Umajyat akong muli at sinuyod ang bawat kwarto. Ginising ko ang mga kasamahan ko at maya-maya pa ay sabay-sabay kaming bumaba. Huli kong pinuntahan ang kwarto ni kuya Tyler.

At hindi ko nagustuhan ang nakita ko doon...

Napahilot ako sa noo ko dahil sumasakit ito. Nararamdaman ko na rin ang luha na unti-unti nang lumalabas sa mga mata ko.

Kuya Tyler...

Sabay-sabay naming nasaksihan. Sa aga ng oras na ito, ito pa ang tumambad sa amin.

Kuya Tyler... He's a walker now...

Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko. Ang walker na si kuya Tyler ay nakatali ang katawan sa headboard ng kama. Nahihinuha kong si Rin ang gumawa nito siguro dahil ayaw niyang patayin si kuya Tyler. I should have seen this coming...

Ang iba naming mga kasamahan, gulat man ay hindi na rin naiwasang mapaiyak.

Tuluyan na kong napaiyak. Kagaya kagabi, bumalik ang pagkakahalo-halo ng emosyon sa puso ko. Kuya Tyler's gone... At hindi ko din alam kung nasaan na si Rin.

Namayani ang tahimik naming paligid na tanging nga tangis at hikbi lamang ang naririnig. We can't accept it...

Nagkatinginan kaming lahat. Hindi maiaalis ang luhaan naming nga mata dahil sa nangyari. Lumapit na si tito Christian sa walker na si kuya Tyler. I know what he's gonna do and he has to do it...

Kung naaccept 'to ni Rin, ganoon na rin ang gagawin namin.

Pero sa sandaling ito,hindi ko maatim na makita ang pagpatay kay kuya Tyler. Agad akong umiwas ng tingin at nilisan ang kwartong iyon.

I'm sorry kuya Tyler... I shouldn't have let Rin go... Nangako ako sa'yo na poprotektahan at aalagaan ko si Rin no matter what pero anong ginawa ko? Wala na siya sa tabi ko ngayon.

Lumabas ako ng base namin at sumigaw.

"NOOOO!!! RIIIIIIN!!!" sigaw ko sa gitna ng aking mga hikbi. Dinala ako ng mga paa ko sa forest. Lalo akong naging emosyonal knowing the fact na dito kami palagi ni Rin tumatambay.

Napansin kong naglalapitan na ang mga walker sa akin kaya doon ko ibinuhos ang lahat ng emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Hinanda ko ang katana ko at pinagtataga ang nga walker na lumalapit sa akin. Sa kabila ng pagpatay ko ay ang pagsigaw ko.

Hindi ko matanggap. Masakit. Mahirap.

"GAAAAAAAAAAAHH!!!" sa pagsigaw kong iyon ay naubusan na ako ng lakas.Napaluhod na lang ako malupang sahig ng gubat. Hinayaan ko nang umagos ang marami kong luha kahit alam kong kahit gaano pa karaming luha at emosyon ang mailabas ko, hindi pa rin mawawala ang sakit na nararamdaman ko.

Napasabunot ako nang malakas sa buhok ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sa gitna ng aking pagkakaluhod ay may naramdaman akong dumating sa harapan ko.

Agad akong napaangat ng tingin at lalong bumuhos ang emosyon ko.

IT'S RIN!

Hindi na ako nagsalita pa. Tumayo ako at agad siyang sinunggaban ng yakap. I don't care kung ano ang sasabihin ko sa kanya o kung ano ang sasabihin niya sa akin.

Mahigpit ko siyang niyakap habang parang batang umiiyak. Hindi na ako makapagsalita. Tanging mga hikbi at tangis lamang ang lumalabas sa bibig ko.

She hugged me back too. Very tight.

Hindi pa rin mawala ang halo-halong emosyon sa puso ko. Pero this time, may nadagdag... Happiness.

"San ka nanggaling?!" nag-aalala kong sambit nang magkahiwalay na kami sa pagkakayakap.

"Sa taas." sambit niya habang nakaturo sa puno.

Lumingon ako sa taas at nakita ko ang makapal na sanga ng puno. Doon siguro siya ng stay kanina.

"Pinag-alala mo ko. Alam mo bang halos mabaliw na ko dito dahil nawala ka. Ayokong mawalay sayo." sambit ko. Bigla niya akong niyakap.

"I won't." she said. Muli akong naluha before I hugged her back.

On our way back, she said that she needed some time alone kaya siya nagstay sa labas.

Pagkapasok namin sa loob ay nakita ko ang mga kasamahan namin na tahimik na naka-stay sa sala. Ang iba ay umiiyak pa rin. Ang iba ay tahimik lang.

Everyone gave their own condolences to Rin. Nakita kong naluha nang kaunti si Rin.

"Napakahalaga ng family sa akin... Nandito pa naman kayo para sakin, 'diba?" ang boses niya ang halos manginig na dahil sa kanyang pag-luha.

"Oo naman, Rin. Nandito kami para sayo." sabi ni tita Alicia and gave Rin a big hug.

"Group hug ngaaa."sambit ni Rin as she extended her arms. Walang anu-ano'y niyakap namin siya.

"Don't worry, Rin. We'll come back for that guy." sambit ni tito Christian.

"This time, we're together..."


▄︻̷̿┻̿═━一

STRANGER: Zombie Apocalypse (Walkers#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon