Part 5

5.4K 154 2
                                    


"WHY ARE you blushing?" tanong ni Santi nang sulyapan si Kara. Ihahatid na siya ng binata sa kanila.

"Am i?" kunwa ay inosente niyang tanong.

"You are. At nagpipigil ka rin ng ngiti. Oh, I know you so well, alam ko na may iniisip ka."

She grinned. Ipinatong niya ang kanang siko sa may bintana ng sasakyan bago nangalumbaba. "Can't you guess kung ano ang iniisip ko?"

Itinabi ni Santi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Well, let me see..." Tinitigan siya nito, sinalubong naman niya ang mga mata nito. Hanggang sa gumuhit ang ngisi sa labi nito at kumislap ang kapilyuhan sa mga mata. "Aha! You're thinking about sex. Yeah, something like that."

Muntikan nang mabulunan ng sariling laway si Kara. Hindi na lamang ang mga pisngi niya ang namumula, ramdam na rin niya ang pag-iinit ng leeg at tainga. "O-of course n-not," nauutal niyang sabi. Well, yeah, he was thinking something like that. 

Hindi naman na bago sa kanila ang maghalikan. She was fifteen when they shared their first fiery kiss. Pagkatapos noon ay hindi na niya mabilang ang maiinit at mapusok na halik na pinagsaluhan nila. Of course, ginigising ng halik ang makamundong pagnanasa sa mga katawan nila. But they'll stop. Tumitigil sila bago pa man makaliban sa linyang itinakda nila. So, yeah, they're both virgins.

Tinanggal ni Santi ang suot nitong seatbelt, hindi nawawala ang kapilyuhan sa mga mata. Then he leaned towards her seat. Dahan-dahan nitong inilalapit ang mukha. "At bakit bigla-bigla kang nag-iisip ng ganyan? Hmm?" Tumikhim ito. Suddenly, his stare became hot. "My body is reacting, FYI."

Muntikan nang mapasinghap ang dalaga. But dear, her body was reacting, too! Napalunok si Kara nang tingnan ang labi ng binata. At ngayong malapit na ang mukha ng binata at naamoy na niya ang mabangong hininga nito ay naha-high siya. "Y-your mom. Tinanong niya kung kailan daw ba kita pipikutin. Kung kailan natin siya bibigyan ng apo."

Tumaas ang sulok ng labi ng binata. "Alam mong hindi mo ako kailangang pikutin," he said in a very low voice that brings shiver down her spine. "I am nineteen years old and they have no idea that I am still a virgin."

A soft moan escaped her throat. Bigla siyang nauhaw. Biglang nag-init ang pakiramdam. She wanted to grab his head and kiss him to her satisfaction.

And she didn't hold back. Tumaas ang mga palad niya, pumaloob ang mga daliri sa buhok ng binata. He pulled him closer and met his lips halfway. They kissed, hotly. Uhaw, nanabik, at hindi makuntento ang mga labi nila. Their lips were sucking and nibbling each other's lips. Masarap, matamis. Ah, hindi nauubos ang sarap at tamis. Sa halip ay lalong sumasarap at lalong tumatamis ang labi ni Santi. Kara couldn't get enough. Ganoon din si Santi.

"Kara..." he groaned hoarsely in between hungry kisses.

Kara was now swimming to a sea of pleasure. Her calendar said she was in heat, kaya hindi siya nagtataka sa pagnanasang nararamdaman. It was surging through her. Kaya nang maramdaman niya ang pagkubkob ng palad nito sa ibabaw ng dibdib niya ay halos mapugto ang hininga ni Kara. May mga telang humaharang sa pagitan ng palad nito at ng dibdib niya pero rumagasa pa rin sa katawan niya ang sensasyon. And yes, she wanted him to touch her, skin to skin. Her breasts felt heavier, her nipples were erect and sensitive.

Nang pumisil ang palad ng binata sa dibdib niya, pinutol niya ang ugnayan ng mga labi nila nang sa gayon ay mapakawalan ang ungol na nasa kanyang lalamunan na. "S-Santi..." she moaned and she couldn't help but arched her body. Humigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok nito. Sa leeg niya dumampi ang mainit na labi ng binata. Ah, something was throbbing inside her. 

Pero ang mainit na sandaling iyon ay pinutol ng busina ng dumaang sasakyan. At hindi iyon ordinaryong busina. It was done to get their attention. At saka bumalik ang reyalidad sa kanilang dalawa. Mabilis silang naghiwalay. Jeez! Parang sinusunog ang mukha niya sa pag-iinit niyon. Napatingin siya kay Santi at pulang-pula din ang mukha nito. Natawa siya.



"WHY ARE you laughing?" nagtatakang tanong ni Santino.

"Dahil bvious na virgin ka," nakangising sabi ni Kara. Hindi makapaniwalang bumuka ang labi ng binata. And, good Lord, lalong namula ang mukha pati tainga. "I mean, look at you, mas mapula pa ang mukha mo kesa sa akin. Yung mga experienced guys, naha-handle na nila nang maayos ang ganitong awkward na sitwasyon. Cool lang sila," tudyo niya. Pero hindi iyon minus pogi points para sa kanya. Sa halip ay nadagdagan pa ng ilang milyong pogi points ang binata. 

Nagbibirong ginusot ni Santi ang ilong nito. Humuhupa na ang pagba-blush nito. Nagtaas ito ng noo. "Kahit tuksuhin mo pa ako nang tuksuhin, I'm a proud virgin. Kung rare na sa mga babae na makarating sa age natin na virgin pa rin, mas rare naman sa mga lalaki." Humina ang boses nito. "At saka ano'ng magagawa ko, eh, sa ikaw lang ang gusto kong..." Napalunok ang binata bago nag-iwas ng tingin. Maybe because he knew desire was clouding his eyes. Tumikhim ito bago nagsalita. "Let's get going. Baka kanina ka pa hinihintay ni Tito Ron."

"Sige— Ay, teka..." awat niya nang mapatingin sa labas ng bintana. She looked back and forth. Kapagkuwan ay binuksan niya ang pinto at bumaba.

Agad ding bumaba si Santi. "Bakit?"

"Nandito pala tayo..." aniya sa lugar.

Luminga-linga din ang binata. "Oh," bulalas nito nang mapagtanto din na iyon ang lugar na pinangyarihan ng aksidente pitong taon na ang nakakaraan. Magkahawak-kamay silang lumiban ng kalsada at lumapit sa may railing. Tiningnan nila ang lugar na pinagdausdusan ng kotse. Wala na ni katiting na bakas ng aksidente. Pero malinaw niyang naaalala ang lahat.

"I'm so proud of you that day. Ang tapang-tapang mo," aniya sa binata. "Para kang superhero."

"Ikaw din naman. You were so brave. Hindi madali na may duguan at nag-aagaw buhay sa bisig mo." Pinisil nito ang palad niya. Binigyan sila noon ng award ng local government dahil sa kapatangan nila. Dumaan din sila sa debriefing dahil baka daw magkaroon ng impact sa buhay nila ang nasaksihang aksidente. "Kumusta na kaya siya, ano?"

"I hope she's doing well," ani Kara. Dadalaw sana sila ni Santi sa hospital kaya lang pagpunta nila, ang sabi ay dinala na daw sa Maynila ang pasyente. "Sana naka-recover na rin siya sa nangyaring aksidente. She lost her parents."

"Naikuwento mo na, for a moment, para 'kamong namatay sa bisig mo 'yung babae."

Tumango siya. "I don't know kung ganoon nga ang nangyari. Basta biglang nanlata ang katawan niya. 'Yong kamay na hawak ko nawalan ng puwersa. 'Yong ulo niya bumagsak. You know, katulad ng mga nangyayari sa pelikula. I was certain, tumigil siya sa paghinga. 'Tapos bigla akong nakarinig ng singhap. 'Yong singhap na naubusan ng hangin ang baga mo and you desperately wanted to breathe." Mas weird nang buksan nito ang mga mata at tingnan siya.

"Maybe she really died for a few seconds. But he refused to leave. Hindi siya sumuko kaya nakabalik uli ang kaluluwa sa katawan niya," anang binata. "Maybe God gave her a second chance."

"Maybe," sang-ayon niya. Naglalambing na yumakap siya sa baywang nito. Inakbayan naman siya ng binata. "Kung ako man, I'll also refuse to leave. Against all odds. Hindi kita kayang iwan."

"Don't talk like that," masuyong saway nito. He planted a kiss on her head.

"You'll never know what will happen next," usal niya. "Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas."

"I'm certain na merong 'tayo' bawat bukas."

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon