Part 7

5.2K 126 1
                                    



SINULYAPAN ni Kara si Santi. Nagpapa-cute na ngumiti ito. She rolled her eyes at him in return. Nasa library sila. Balik-eskuwela na. Nagbabasa siya ng libro habang si Santi ay walang ibang ginagawa kundi titigan siya nang titigan. Hawak nito ang isang palad niya sa ilalim ng mesa. Ang kaliwang palad nito ay sumasalo sa ulo nito. Nangangalumbaba ang loko habang animo naeengkanto sa pagtingin sa kanya.

"Bakit gano'n? Magkasama lang tayo kagabi pero pakiramdam ko miss na miss kita?" mahinang sabi ni Santi. Hindi na lamang hawak nito ang palad niya, pinaglalaruan na nito iyon. Humimig pa ito ng kanta, "O, giliw ko, miss na miss kita..."

"Huwag kang magulo," mahinang saway niya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Kunwari lang naman siya seryoso pero deep inside kilig na kilig siya. Ang hirap pa namang magpigil ng ngiti. Kanina pa nga niya kinakagat ang dila niya para pigilan ang pagngiti. Siguro kung gagawin nilang diary ang Facebook at ido-dokumento ang bawat sandali ng relasyon nila, siguradong magte-trending din sila at magiging ultimate relationship goal.

Patuloy nitong pinaglaruan ang palad niya. "Tell me you love me," ungot nito. Itinabi na sa kanya ang silyang inuupuan. He stole a quick kiss on her check before resting his head on her shoulder. "Hoy..."

Hindi niya napigilan ang pagbungisngis.

Nang biglang dumating si Precilla. Common friend nila ito ni Santi. Kababata at kaklase noong high school. Anak ito ng maimpluwensiyang pulitiko sa probinsiya nila. Padabog na ibinaba nito ang mga gamit sa mesa. "Jeez! Ang dami nang langgam dito. Hindi pa rin ba kayo nagsasawa sa isa't-isa?" Inirapan sila, bago ito naupo.

Nagkatinginan sila ng binata, nagpalitan ng senyas. Umayos ng upo ang binata pero hindi pa rin pinapakawalan ang palad niya.

"What's wrong? Bakit nakasimangot ka na naman? Oh, let me guess," aniya. "Si Rigor?" Rigor was a friend, too. Ito at si Precy naman ang close. Iyon nga lang, nahulog si Precy dito.

"Gusto n'yong iwanan ko kayo?" tanong ni Santi.

"No, you can stay," ani Precilla. Bagsak ang balikat nito at malungkot ang kislap ng mga mata.

"Nabanggit ko na sa 'yo na balik-Pilipinas na si Drake, di ba?" ani Kara.

"Yeah. You do. In fairness, lalong gumuwapo ang lalaking iyon," ani Precilla. Napatingin tuloy siya kay Santi at hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang pagtaas ng kilay nito.

"Major crush mo yon dati, eh," aniya.

"Dati yon," hindi intresadong sagot nito.

"Oh, okay. Dahil hindi ka naman intresado kay Drake balik tayo kay Rig. Akala ko magko-confess ka na ng feelings mo sa kanya?" tanong niya. Napag-usapan na kasi nila iyon. Hinihintay na nga niya ang tawag nito kung ano ang resulta ng confession nito. Pero dahil wala siyang natatanggap na tawag, in-assume na niya na hindi itinuloy ng kaibigan ang balak nito.

"Oh, really, Pres?" gulat na tanong ni Santi. "Magko-confess ka? Sama ako ng sampu."

Lalong bumagsak ang mga balikat ni Precilla. "Unfortunately, hindi ko magawa. Hindi pala ganoon kalakas ang loob ko para sabihin sa kanya na matagal ko na siyang mahal. Lagi akong nauunahan ng kaba. Ah, I'm so stupid to fall in love with my best friend. Buti pa kayong dalawa," himotok pa nito.

Muli silang nagkatinginan ni Santi at parehong napangiti. Yeah, buti nga sila't maagang natagpuan ang soulmate sa katauhan ng isa't-isa. 

"You have to take the risk. Kesa lagi kang nagwa-wonder. Hayan nga at nahihirapan ka na oh," aniya. Binalingan niya si Santi. "What do you think?"

"Hmm. Bakit hindi mo iwasan muna si Rigor at pagselosin," anito. "Kunwari dumistansiya ka muna, tapos mag-entertain ka ng ibang lalaki. Hindi mo naman totally iiwasan si Rigor pero limitahan mo na ang atensiyong ibibigay mo sa kanya. Trust me that way makakakita ka ng mga pagbabago sa ugali ni Rigor. He'll be possessive of you. He'll be jealous. Hanggang sa magtapat siya."

"Talaga?" buong interes na tanong ni Precy. Tumuwid pa ang likod nito at biglang nawala ang pananamlay. "It'll work?"

"Yup. Ganoon kasi usually ang mga lalaki, kapag may 'threat' at saka nagpapakatotoo sa nararamdaman. Why don't you give it a try? Use Drake. Ask his help. Tutal naman ay alam ni Rig na major crush mo si Drake. Imagine his reaction. Drake will be an effective 'threat'."

"I'll do it," determinadong sabi ni Precilla.

"Good," aniya. "There's no harm in trying anyway." Nagtinginan sila ni Santi at nagpalitan ng ngiti.

Maya-maya pa ay umalis na rin si Precilla. Sisimulan na umano nito ang palabas. Iiling-iling na sinundan niya ng tingin ang papalayong kaibigan. "Ang dalawang 'yon talaga, oh. Ano ba ang tingin mo kay Rig—" natigil siya sa pagsasalita nang mapansing nakatitig na naman si Santi. Nakapangalumbaba na naman ito. This handsome man was obviously head over heels in love with her. Muntikan na tuloy siyang mapabungisngis. Buti na lang at aware siya na nasa library sila.

"Do you believe in reincarnation?" mahinang tanong nito.

"I do. Katulad ng naniniwala ako na may mga aliens, aswang, maligno, at kung ano-ano pang bagay na kaya at hindi kayang ipaliwanag ng science." Isinara na ni Kara ang nakabukas na libro. Ginaya niya ang boyfriend, ipinangalumbaba din niya ang isang palad. Ang isa niyang palad ay hawak pa rin nito. May ngiti sa labi niya. "Ah, I get it. Iniisip mo na baka reincarnation rin tayo? Like  lovers  tayo sa previous life natin?"

He grinned and nodded. "Kasi bakit mga bata pa lang tayo, sigurado na agad tao sa feelings natin for each other? And why I'm loving you more intensely each day? Why, Kara, why it feels like I was born to love you? And you were born for me?"

"Baka hindi nagkaroon ng katuparan ang pagmamahalan natin sa previous life natin, kaya ngayon ay bumabawi ang tadhana at pinapasaya tayo. Do you think, we'll have a happily-ever-after in this lifetime?"

"Of course," siguradong sagot ng binata. Kapagkuwa'y tumayo ito. "Come with me," anito bago marahang hinila siya. Napilitan tuloy siyang tumayo at sumunod dito dahil hindi nito binibitiwan ang palad niya. Maya-maya lang, humantong sila sa likod ng isang bookshelf.

"Ano'ng..." natigilan siya nang makita ang pilyong kislap ng mga mata ni Santi. He will kiss her! Itinago niya sa pagtawa ang pagba-blush niya. "Really, Santi?"

"Sshhh," nakangiti at pilyong saway nito. Inilagay sa baywang niya ang mga palad bago inilapit ang mukha sa mukha niya. Nawala ang pagtawa ni Kara. As she inhaled his sweet and warm breath, heat surged through her. Kumapit siya sa jacket ng binata bago marahang sinasalubong ang labi nito. They were exchanging breaths and they were teasing each other. Iyong akala niya ay aangkinin na nito ang labi niya pero hindi pala. It was torture, really. Ang resulta ay mas lalo siyang nananabik sa halik nito. So when their lips finally met, she was on fire. Sinabayan niya ang kapusukan ni Santi.

"Oopss," sabi ng boses ng kung sinong estudyante na bumasag sa moment nila. Imbes na sila ang mahiya, ito pa ang dali-daling umalis. Nagkatinginan sila ng binata at impit na nagtawanan.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon