Part 16

4K 115 7
                                    

NAPANSIN NI Kara ang malaking pasa sa may braso niya. Dali-dali siyang tumakbo sa banyo at hinubad ang T-shirt at shorts. Then she examined herself. Ganoon na lang ang panginginig ng katawan niya nang makitang marami siyang pasa sa katawan. Parang nang-aasar pa ang mga iyon at nagsasabing: 'Hello, Kara.'

"Kara, anak, halika na't kumain," pagtawag ng papa niya.

Bumuga ng hangin si Kara. "S-sandali lang po. M-magsa-shower lang po ako," malakas na sagot niya bago binuksan ang shower. Pumailalim siya doon at hinayaang humalo sa tubig ang mga luha niya. Impit siyang umiyak. Umaasang ang tunog ng pag-iyak niya ay natatabunan ng tunog ng lagaslas ng tubig. Miserableng umiyak ang papa niya nang dumating ito. Halos madurog ang puso niya sa nakikitang paghihirap ng ama kaya nangako siya rito na magpapakatatag siya. Na hindi siya susuko at lalabanan niya ang sakit. Kapag nakita nitong umiiyak na naman siya, siguradong tutulo rin ang mga luha nito.

Pero paano nga ba ang magpakatatag? How to act like nothing is wrong? Paano umakto na wala lang at hindi siya nasasaktan? How to smile when she can't help herself but cry? How to talk without choking? Hindi ito isang masamang panaginip lang na p'wede niyang ipagkibit-balikat pagkagising niya.

Kara tried so hard to calm herself. Tiyak na mag-aalala ang papa niya kapag natagalan pa siya doon. Tinapos niya ang paliligo. Nang makita ang hitsura sa salamin ay nag-init na naman ang mga mata niya. Mukha siyang talunan. Her eyes and nose were both swollen. Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Nagre-reflect sa hitsura niya ang nararamdaman. Ah, shit! Nag-init na naman ang mga mata niya't tuloy-tuloy na pumatak ang luha. Gusto na naman niyang humagulhol, maglupasay, magwala pero pinigilan niya ang sarili. Ilang beses na huminga siya nang malalim. She needs to be strong dahil kung nagdurusa siya. Tiyak na dobleng pagdurusa ang nararamdaman ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Narinig niya ang tunog ng doorbell. Lumabas na siya ng silid niya. Nakita niya ang papa niya sa may pinto, binubuksan iyon at... automatic na napasigok si Kara. 

Santi was standing on the door. 

Namumula ang mga mata nito. May bitbit itong travelling bago pero agad iyong binitiwan at halos takbuhin ang kinatatayuan niya. Sa isang iglap, nasa loob na siya ng bisig ng lalaking mahal. Napapikit si Kara, pero hindi naging hadlang ang nakapikit niyang mga mata para hindi makatakas ang mga luha. Santi's body was trembling. Niyayakap siya nito na para bang wala itong intensiyon na bitiwan siya. Ramdam niya ang mainit na luha nito na bumabasa sa may leeg niya.

"K-Kara..." bulong nito sa basag na boses. Ah, the warmth of his hug, the love that was radiating all over him... ang mga iyon ang kailangan niya sa sandaling ito. Hindi na siya nag-iisa. Nasa tabi niya ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. "I—I'm sorry. I'm so sorry..."

"S-Santi," tanging nausal niya. Wala siyang ibang magawa kundi umiyak. Parang hindi nauubos ang mga luha niya. Ang sakit sa dibdib, ang sakit sa lalamunan.

Ikinulong ng binata ang mukha niya sa mga palad nito. He kissed her tears away. "Y-you'll be all right. I p-promised you'll be all right," garalgal ang boses na sabi nito habang patuloy na namamalibis ang mga luha. "G-gagaling ka. Lalabanan natin ang sakit mo. You hear me? Gagaling ka. Gagawin natin ang lahat para gumaling ka!" maigting nitong sabi, garalgal ang tinig. Lalo siyang napaiyak habang tumatango. "Y-you can cry. T-that's all right. Pero huwag kang mawawalan ng pag-asa, ha, Kara? Gagaling ka. We'll fight it together, Kara, together..."


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon