HINDI NAPIGILAN ni Kara ang sarili. Hindi siya papayag na ito na ang huling pagkikita nila ni Santi. Kilala niya ito. Kapag sinabi nito ay ginagawa talaga nito. So, she'll tell him the truth. It's now or never.
Pinahid niya ang mga luha. "I-I'm Kara," aniya sa mahinang boses. Sinubukan niyang hawakan si Santi pero umiwas ito. Nataranta siya. Naipagsalikop niya ang mga palad, hindi malaman ang gagawin.
Nag-igtingan ang mga facial muscles ni Santi. His nose flares in anger. Dinuro siya nito. "Don't you ever say that again! Ever!" maigting nitong sabi bago tumalikod. Halos mapaigtad pa siya sa lakas ng pagkakabalibag nito ng dahon ng pinto.
Kara sobbed. She cried so hard. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Siyempre hindi ito maniniwala. Walang maniniwala. Because her story was absurd! It was too much to comprehend.
AKO SI KARA. Ako ang asawa mo... para iyong sirang plaka na patuloy na umaalingawngaw sa isipan ni Santi. Galit na galit na nagwala siya sa loob ng kanyang unit. Ibinalibag niya ang lahat ng mahawakan. Sinira ang masisira. Para nang dinaanan ng bagyo ang unit niya. It was a complete mess. Tulad noon, noong ma-realize niya na hindi gagaling si Kara, lagi siyang umuuwi sa mansiyon, sa silid niya para lang magwala, umiyak, at sumigaw nang sumigaw. He needs to do it there dahil ayaw niyang malaman iyon ni Kara.
Sa tindi ng galit niya ay naiyak na siya. Damn her! Damn her! How could she play with his emotions! Hindi nito p'wedeng sabihin na ito si Kara por que sinabi niyang nakikita niya rito si Kara!
Nagngangalit pa rin ang dibdib. Ikinuyom niya ang mga kamao. Parang makakapatay siya sa oras na ito. "Damn you. Damn you, Jessica!" hiyaw niya, nasasaktan, luhaan, at nangungulila sa asawa.
heik|
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
Roman d'amourMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...