Note: This manuscript was raw and unedited.
Seven years agoHINDI NA maipinta ang mukha ni Kara habang naglalakad. Nanghahaba ang nguso niya sa pagsimangot at nakakunot ang kanyang noo. Masama na nga ang mood niya, lalo pang sumama dahil sa na-flat na gulong ng bike. Kailangan tuloy niyang akayin ang bike habang naglalakad. Nakakainis dahil malayo-layo pa ang bahay nila.
"Ito na kasing bike ko ang gamitin mo para hindi ka na maglakad," anang malumanay na boses sa likuran niya. It was Santino de Angelo.
Kara was twelve years old and Santino was just six months her senior. Magkababata sila't malapit na magkaibigan. Oh, hindi lang sila best of friends. May something sa pagitan nila. Isang espesyal na damdamin para sa isa't-isa. Palibhasa magkaibigan ang mga magulang nila, bata pa lang ay magkasama na rin silang dalawa. Nakabuo sila ng mundo na para sa kanilang dalawa lang, walang ibang makapasok. Hindi sila mapaghiwalay. They were always looking for each other.
Espesyal ang trato sa kanya ni Santi. Ibinibigay nito ang ano mang gustuhin niya. He was possessived of her. Nagseselos ito kapag may kaklase siyang kinakausap nang matagal. Ang totoo, sa napakabatang isip at edad, napag-usapan na agad nila na sila ang para sa isa't-isa. Na pakakasalan nila ang isa't-isa sa hinaharap. Para sa kanya, si Santi ang gusto niyang maging boyfriend, at maging asawa sa hinaharap. Ito ang pinakaguwapong lalaki para sa kanya.
"Kara..." muling pagtawag sa kanya ni Santi. Pero hindi niya ito pinansin. Hindi naman flat ang gulong ng bike nito, pero dahil naglalakad siya ay naglakad na rin lang ito para makaagapay sa kanya. Naunang matutong mag-bike si Santi, pagkatapos ay tinuruan siya. Ito rin ang nagturo sa kanya na mag-skateboard. 'Pag daw pinayagan na ito ng daddy nito ay pagmo-motor naman ang pag-aaralan nito. Saka siya nito tuturuan. Ang sunod daw ay pagda-drive ng kotse. Huwag na huwag daw siyang magpapaturo sa iba. Ah, Santi's always with her. Lagi niya itong kasama sa lahat ng bagay. He was always there in every milestones of her life. Always there in all of her ups and downs. Kahit nga noong una siyang datnan ng buwanang dalaw at sumama ang pakiramdam niya ay nasa tabi pa rin niya si Santi.
Kung may isa man siyang kinatatakutan, iyon ang sandaling magbago ang nararamdaman sa kanya ni Santi. Iyong sandaling ma-outgrow nito ang feelings para sa kanya at makuha ng ibang babae ang atensiyon nito.
"Sorry na," sabi uli ni Santi. "Kara, please. Talk to me..."
"Bakit ka nagso-sorry?" sikmat niya. Her lips trembled. Gusto niyang umiyak. Well, nakita lang naman niya sa plaza sa bayan si Santi na hawak ang dalawang palad ni Phoebe. Nag-ro-roller skating ang mga ito. Oh, alam niyang magro-roller skate si Santi. Niyaya siya pero hindi siya sumama dahil may project silang gagawin ni Kandice. Nang makatapos sa project, pumunta siya ng plaza, at iyon na nga, nakita na niya ang eksenang kumurot sa puso niya.
"Hindi ako nagso-sorry dahil may ginawa akong mali o may kasalanan ako. I'm saying sorry because I know you're hurting. Alam mong ayaw kong nasasaktan ka," anito. Kung kanina ay sumusunod lang sa kanya, ngayon ay umagapay na ito. "Kara... Inalalayan ko lang naman si Phoebe kasi natumba siya. Inalalayan ko lang na tumayo."
"Bakit ikaw pa ang kailangang umalalay? Andami ninyo doon ah?"
"Dahil ako ang pinakamalapit sa kanya. I'm just being gentleman," paliwanag nito sa malumanay na boses. She heard him took a deep breath. "Okay, next time hindi na lang ako tutulong. Sa 'yo na lang ako gentleman."
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Do you like her?"
"What?" bulalas ni Santi. "Of course not. Ikaw lang po ang gusto ko. I like you. I love you."
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
DragosteMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...