Part 28

3.7K 96 3
                                    


NAALIMPUNGATAN si Santi. Automatic na in-extend niya an kamay para hagilapin ang asawa. Nawala ang antok at agad na nagmulat siya ng mga mata ng walang maabot.

"Sweetheart...?" hinagilap niya ang tsenelas at pinuntahan ang banyo. Pero wala roon si Kara. Kinabahan siya. Napuno ng pag-aalala ang dibdib. Agitated, patuloy niyang hinanap ang asawa. Para siyang natadyakan ng kabayo sa sikmura nang makita niya ang asawa sa kabilang silid. Nakahiga ito sa sahig, namamaluktot, at umuungol sa sakit.

"Kara!" Natataranta na dinaluhan niya ang asawa at niyakap ng mahigpit bago binuhat at dinala sa kama. Butil-butil ang pawis sa noo nito at nakaguhit sa mukha ang pinagdaraanang sakit. Her face was drenched in tears. Ang labi ay pulang-pula at bakas ang mga ngipin.

Natatarantang pinainom niya ito ng gamot. Tumigil sa impit na pag-ungol si Kara. Sinubukan nitong ngumiti para ipakita sa kanyang ayos na ito, pero nanginig lang ang boses nito at tuloy-tuloy na umagos ang mga luha sa mga pisngi.

Santi looked away. Naninikip ang dibdib niya sa nakikita. Hindi niya kayang magsalita dahil tiyak na mauuwi sa hagulhol ang ano mang sasabihin niya sa sandaling ibuka niya ang labi. Binuhat niya ang asawa. Dadalhin niya ito sa hospital kahit na kagagaling lamang nila roon kahapon para sa theraphy nito. His hands were trembling. Sa tatlong buwan na pagsasama nila bilang mag-asawa ni Kara ay hindi pa rin siya nasasanay sa mga ganitong pagkakataon. Hindi parin niya maialis ang takot at pangamba sa dibdib niya sa tuwing aatakihin ng sakit ang asawa niya. Hindi siya masasanay, hindi kailanman. Tulad ng hindi niya matanggap na isang araw ay iiwan siya ng babaeng mula pagkabata ay minahal na niya.

"H-huwag mo akong dalhin sa ospital, m-mawawala rin ito, parehong gamot rin lang ang ipaiinom nila sa akin," pagtutol nito.

"P-pero..."

"P-please?" pakiusap nito, halos walang boses. "A-ayoko sa hospital. I don't like it there."

Sa isipan, paulit-ulit na nagpakawala ng malulutong na mura si Santi. Hindi niya alam kung para kanino ang mga murang iyon pero gustong-gusto niyang isigaw ang yoni yon hanggang sa maubusan siya ng boses.

Tumango si Santi bago maingat na ibinalik sa kama ang asawa. Then... Kara closed her eyes as hard as she can. Impit na naman itong umungol. Umaatake na naman ang pabugso-bugsong sakit. Muli, nag-iwas ng paningin si Santi at pilit kinakalma ang sariling damdamin. Sa tuwina ay dobleng sakit ang nararamdaman niya kapag nakikita niya ang asawa sa ganoong pagkakataon. Para siyang mamatay. Parang paulit-ulit na mina-murder ang puso niya. Kung p'wede lang... kung p'wede lang niyang akuin ang sakit ng asawa ay walang pagdadalawang isip niyang gagawin. Kung p'wede lang na sa bawat atake ng sakit ay siya na lang ang nakakaranas. God... bakit ba kailangang mangyari ito?

Kinuha niya ang palad ni Kara. "U-umiyak ka...," sabi niya sa basag na boses. Napakahirap magpakatatag. Napakahirap maging matapang. "H-huwag mong pigilan ang mga luha mo sa harap ko. H-humagulhol ka. S-sumigaw ka." His tears fell. Parang sasabog ang dibdib niya sa sakit. "H-hit me kung makakaluwag iyon sa dibdib mo. N-nakakaluwag sa dibdib ang pag-iyak, Kara. Sige na..." Lagi itong nagpipigil ng sakit dahil sa kanya, dahil sa magiging reaksiyon niya.

Tiningnan siya ng asawa. He gave her an encouraging nod. Humigpit ang hawak nito sa palad niya. Ang isa ay tumaas din at nanginginig na inihawak sa isang braso niya na para bang duon kumukuha ng lakas. Pagkatapos ay impit na sumigaw ito. "Arghhh! A-ang sakit! Hindi ko na kaya!" palahaw nito.

God! God! Lihim na daing ni Santi. Gusto niyang magwala sa nakikitang paghihirap ng babaeng pinakamamahal. Bakit si Kara pa? Bakit hindi nalang ang mga kriminal at mga teroristang punong-puno ng kasamaan ang katawan. Bakit si Kara pa?

"Ang sa—kit!" patuloy na pag-iyak ni Kara. Halos bumaon ang mga kuko nito sa balat niya. Ahh! Gusto niyang takpan ang mga taynga niya at ipikit ang kanyang mga mata para hindi niya makita at marinig ang mga pag-iyak ng asawa niya pero kailangan niyang magpakatatag. Damn it. Damn it, damn it!

Patuloy na umiyak si Kara. Patuloy na isinisigaw ang sakit na nararamdaman. Please, God, tama na. Sobrang nasasaktan na ang asawa ko. Tama na po. Nakikiusap ako! Ako na lang, ako na lang...

"K-Kara, h-hold on, we can do this," aniyang walang ibang magawa kundi haplusin ang buhok nito at hagkan ito paulit ulit. Nakakaramdam siya ng galit para sa sarili dahil wala siyang magawa sa paghihirap ni Kara. Wala siyang magawa para pawiin ang nararamdaman nitong sakit. Ilang simbahan na ba ang niluhuran niya para sa milagro? Ilang espesyalista na ang binayaran niya at pinakiusapan para pagalingin ang asawa niya. Halos gabi-gabi ay si Kara lang ang laman ng mga dasal niya. Pero bakit ganoon, bakit patuloy pa ring umaatake ang sakit?

"O—h, Go—d!" muling impit na pag-iyak nito, habang kagat-kagat ang labi at mariing nakahawak sa kanya. Lalong humigpit ang yakap niya sa asawa. 

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon