Part 31

3.6K 97 2
                                    


Muli humarap  si Santi kay Kara. He touched her frail cheek and held her eyes, umaasa siyang mababasa nito sa mga mata niya kung gaano niya ito kamahal. "I made a promise. Pinapangako mo ako na wala ng 'You die, I die.' I'll fulfill that promise kahit mahirap. Kahit ngayon din mismo ay gusto ko ng mamatay." Tumigil siya. Ilang ulit na bumuga ng hangin para kalmahin ang sarili. "Sabi mo... s-sabi, may plano sa atin ang Diyos. May dahilan kung bakit nangyayari ito. You believe in Him, Kara..."

Kara's lips trembled. Hanggang sa mangintab sa luha ang mga mata nito. Pesteng mga luha na naman. Kailan ba mauubos ang mga ito? Para iyong asido na pumapatay sa puso niya. "M-marami pa rin akong tanong. B-bakit ako? Bakit nangyayari ito sa atin? P-paano na tayo? H-hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyayari. B-but yeah, I still believe in Him." Pinahid ni Kara ang mga luha nito. She cupped his face and she smiled at him. His tears fell. Pinahid ng mga hinalalaki ni Kara ang mga luhang iyon. "N-naniniwala pa rin ako na... na isang araw magkakaroon ng kasagutan ang lahat. N-naniniwala pa rin ako na may... may forever tayo. M-maybe not in this lifetime. Maybe this is not the right time. P-pero darating yung tamang panahon, S-Santi. D-darating yung oras na para sa atin..."

Tumango siya. "H-hihintayin ko iyon. In this lifetime, or in the next lifetime... I'll only love you, Kara. Ikaw lang..."

"It'll come. I promise you it'll come."

He nodded. Lahat ng mga sinasabi ni Kara ay pinaniniwalaan niya. Pinaniniwalaan ng puso niya. Kahit papaano, pinagagaan nito ang mabigat niyang dibdib. "Dadagdagan ko ang pangako ko, Kara. I promise you, tatapusin ko ang pag-aaral ko. I'll get my degree, my masteral, my doctorate, and my whatever-is-next. Pero sa ngayon. Gusto ko lang na nasa tabi mo. I'm a brat, remember? Nakukuha ko ang lahat ng gustuhin ko. At ngayon, ang gusto ko ay makapiling ka. Bakit ayaw mo ba akong makasama araw-araw? Ayaw mo akong makasama sa bawat oras? Sa guwapo kong ito?"

Natawa si Kara sa huling sinabi niya. "Andami mo na agad sinabi," nakangusong sabi ni Kara, nilalabanan ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. "Ang totoo, pinasaya mo ako sa desisyon mong 'yan. Gusto rin kitang makasama, Santi." Binuksan niya ang kanyang mga bisig at pumaloob naman doon ang asawa. He held her gently, lovingly. "Ang guwapo-guwapo mo... tapos ako ampangit ko na..." biro nito.

"Sabi nino? Sabihin mo at nang maupakan. You will always be the most beautiful woman in my eyes, Kara. Always." At ikaw lamang ang mag-iisang mananahan dito sa puso ko. "Hmm. Let me see. Pagsinabi ko kaya na uuwi tayo sa resthouse, sasaya kaya ang asawa ako?" He knew shes love it there.

"Deal!" agad na tugon ni Kara. Lumiwanag ang mukha sa katuwaan. "Wala ng bawian, ha? I love you!" masiglang wika pa nito bago siya pinupog ng halik. Ah, hindi niya ipagpapalit ang ganoong sandali sa kahit na anong bagay.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon