Part 45

3.6K 95 11
                                    


"AND, AT five o'clock, meeting with Mr. Hu of Hu Enterprise," ani Denver, ang secretary ni Santi. Santi is on the car with his secretary. Katatapos lang niyang makipag-meeting sa ilang investors. Pagkatapos ay dumeretso na siya sa The Medical City para dumalaw saglit sa isang kamag-anak.

"How about next week?" walang emosyon na tanong niya. "Is my schedule full?"

Sinulyapan ni Denver ang hawak nitong organizer. "Wednesday afternoon at buong araw ng biyernes, libre ka, Boss."

"Alam mo na ang mga dapat gawin sa mga libreng oras na iyon," aniya.

"Yes, Boss."

Tatlong taon nang nagtatrabaho sa kanay si Denver. Alam na nito kung ano ang tinutukoy niya. Alam nito na gusto niyang punuin ang schedules niya. Appointment dito, appointment doon. Meeting dito, meeting doon. At siyempre, opisina. Trabaho. Gusto niyang laging abala, laging may ginagawa, laging okupado.

Siya si Santi de Angelo. And probably, he was the busiest man on earth. Kung maaari nga lang ay uuwi siya sa condo unit niya na halos hindi na madala ang sarili sa kama dahil sa sobrang pagod. Ayaw niyang magkaroon ng libreng oras dahil wala siyang ibang gagawin kundi ang malungkot at mag-isip. It had been more than six years since...since his beloved passed away. Isang buwan siyang nagkulong sa resthouse. Nagdalamhati, nag-isa, nagmukmok, umiyak, naging miserable...

Pagkatapos niyon ay sapilitan niyang i-t-in-ake over ang pamamahala sa kanilang negosyo mula sa kanyang ama. Sapilitan dahil ayaw pang pumayag ng papa niya.

"Son, bakit hindi ka muna magpahinga? Go abroad, perhaps," anang kanyang ama.

Sinulyapan nito ang esposa at nagpapatulong sa sitwasyon. Bakit hindi gayong hinihiling niya na ipasa na sa kanya ang pamamahala sa kanilang negosyo isang buwan matapos siyang mabiyudo.

"Or, ituloy ang pag-aaral mo. Tama. Ganoon na nga lang muna, hijo," susog naman ng

Mommy niya. Nag-aalala ang mga ito. Paano ay isang buwan siyang hindi makausap. Nagkukulong lamang sa resthouse at araw-gabing umiiyak. Halos hindi siya kumakain kaya naman kapansin-pansin ang nabawas sa kanyang timbang. Pagkatapos heto ura-urada niyang hihilingin na ipasa na sa kanya ang pamamahala ng kanilang negosyo.

"Pagkatapos mong mag-aral then—"

Santi looked away. Pagkatapos ay tumayo siya at tumalikod sa mga ito. "K-ka—"Lumunok siya, nahihirapan sa napakalaking bikig na nasa kanyang lalamunan. "K-Kailangan ko ng mapagkakaabalahan, Mom, Dad." Mahina niyang sabi. "Kailangan kong maging busy. O-oras-oras...minuto-minuto kong naiisip si Kara." Tumingala si Santi. Bumuga ng hangin para pagluwagin ang naninikip na kalooban. Subali't hindi nagpaawat ang mga luha niya at namaybay iyon sa gilid ng kanyang mga mata. "H-hindi ko pa rin matanggap na...na w-wala na siya. Na hindi ko na siya makikita, mayayakap. D-dumilim ang mundo ko. Lumungkot. I'm...I'm missing her. Missing her so much. P-pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng ulo. Oh!" Hindi napigilan ni Santi ang paghagulhol. Iyon ang unang pagkakataon na binigyan niya ng boses ang pangungulila niya sa nawalang asawa. Ipina-cremate nila ang labȋ ni Kara. Iniuwi niya iyon sa resthouse at siyang nakasa-kasama sa pagdadalamhati niya.

Before he knew it, niyayakap na siya ng mga magulang. Hindi siya tumutol. Sa balikat ng ina ay pinalaya niya ang mga luha. "P-parang hindi ko na kakayanin." Humahagulhol na sabi niya. Napakabigat ng kanyang dibdib, nagsisiksikan ang lungkot at pangungulila. "I...I f-feel like I've lost a very vital part of me. P-parang isinama ni Kara sa pagkawala niya ang...ang puso ko, a-ang k-kulay ng paligid ko, ang musika, ang buhay...Parang...parang gusto kong hanapin siya, puntahan siya, samahan siya sa kung saan man siya naro—"

"Santino!" mariing saway sa kanya ng luhaang ina. "D-don't you ever say that again! Ni isipin ang tungkol riyan ay huwag na huwag mong gagawin! N-nangako ka kay Kara. Nangako ka sa kanya na hindi mo pababayaan ang sarili mo! Sa palagay mo ba masaya si Karang makita na ganyan ka ngayon?" umiiyak nitong litanya.

"Oh, Mom! I...I'm l-losing my mind, Mom, Dad. K-kaya kailangan ko ng mapagbubuhusan ng atensiyon ko bago...bago pa ako tuluyang bumigay."


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon