Part 64

1.8K 62 4
                                    

"JESS...?" ANANG boses ni Lucille sa labas ng silid ni Kara. Nag- warning knock din ito.

"Pasok, Luce," sabi niya. Katatapos lang niyang mag-shower. She was whistling a song while combing her hair.

Bumukas ang pinto at pumasok si Lucille. May bitbit itong bouquet ng bulaklak. Saglit siya nitong pinagmasdan.

"What?" she asked.

"Hindi ko alam kung dahil sa amnesia pero... you've changed a lot Jess," ani Lucille.

Kara grinned. "What kind of change?"

"Hmm. Basta andaming nagbago sa 'yo. For one, at siyang major change ay... hindi ka na introvert. But that's a good thing, ha. Tingnan mo, nagawa mong puntahan si Santino de Angelo sa opisina niya. Must be because of the accident. May mga cases naman talaga na nagbabago ng personality ang isang tao dahil sa aksidente, lalo na kung may head injury. Yung iba nga nagiging genius pa."

Ngingiti-ngiti lang siya. "I kissed him," aniya sabay kindat.

Bumuka ang labi ni Lucille at nanlaki ang mga mata nito. "What? Oh, my! Where's my old friend? Ikaw ba talaga 'yan, Jessica? Kaya pala ang blooming mo. Nakapuntos ka pala."

Humagikhik siya. Kapagkuwa'y huminga nang malalim. "From now on, I'll live my life to the fullest. Matagal ko ng mahal si Santi kaya ipu-push ko 'to." Sa ngayon, hindi pa masabi ni Kara kung isang araw ay ipagtatapat din niya kay Lucille ang totoo. Maybe. Maybe not. Who knows?

"Siyempre, susuportahan kita diyan. You're almost my family. At gusto kong maging masaya ka rin, Jess," ani Lucille. "Anyway, this bouquet is for you," anito bago iniabot sa kanya ang bulaklak.

"Oh. Thank you. Para saan ito?"

"Hindi 'yan galing sa akin. Ako ang nag-receive at parang nahuhulaan ko na kung kanino galing kaya ako na ang nagdala dito sa 'yo para matukso ka kahit papaano." Nakangising sabi nito. "Hay, nangangamoy lovelife ka na, Jess. Fighting!"

She bit her lower lip. Kinikilig siya. Her instincts told her na galing kay Santi ang bulaklak. "'Kaw talaga."

Nagbibirong iniikot ni Lucille ang mga mata nito. "Jeez! Pinipigilan pa ang ngiti. Siya, I've got to go. Hinihintay na ako ni Vernon. Maiwan na kita at ang bulaklak mo."

Nang makaalis si Lucille, dali-dali niyang kinuha ang card na kalakip ang bouquet. Binasa niya, Have dinner with me tonight. Will pick you up at 7... SdA

Tinutop ni Kara ang bibig bago impit na tumili nang tumili. Nagtatalon siya sa kilig. Sumuntok-suntok sa hangin. Sumayaw. Humiga sa kama at nagpasirko-sirko. Naiiyak siya sa saya. Her heart was screaming and singing in happiness.

Hindi siya gaanong mahihirapan na pumasok sa buhay ng asawa bilang Jessica. Santi's heart knows who she really is. His soul could see who's residing in this body. At, no, hindi siya magseselos na ganito nagre-react si Santi sa kanya. Alam ni Kara na kung sakaling ibang babae ang lalapit kay Santi ay siguradong mabibigo lamang ang babaeng iyon. He was reacting because she was the love of his life. 

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon