Part 13

4.2K 106 1
                                    


Ang nagri-ring na cell phone ni Kara ang pumukaw sa naglalakbay niyang isip. She wiped her tears away. Inabot niya ang cell phone na nasa ibabaw ng night stand. Si Santi ang tumatawag.

 Nanginig ang labi ni Kara. Tumulo ang mainit na luha. Kinagat niya ang lower lip para pigilin ang paghagulhol pero hindi niya kinaya. Malakas na umiyak siya. Walang pakialam kung naghahalo ang luha at sipon. Namamaga na ang ilong at mga mata niya. Nananakit na rin ang labi dahil sa kakakagat. Nahiling niya kanina na sana ay nasa tabi niya ang binata. Inaalalayan siya habang sinasabi ng doctor ang kapalaran niya. Sigurado siyang kay Santi siya makahuhugot ng lakas. Sigurado siyang hindi nito bibitawan ang palad niya. Pagagaanin at palalakasin nito ang loob niya.

Pero bakit hindi niya magawang tanggapin ang tawag nito ngayon?

Kasi... paano ba niya sasabihin sa binata ang nalaman niya? Alam niyang problemado ang binata, dadagdag pa ba siya?

Oh, God, bakit ako? Bakit ako pa? hindi niya napigilang idaing. What have I done wrong para subukin N'yo ako ng ganito?



SA ISA SA mga upuan ng isang umiikot na ferris wheel ay naroon at mag-isang nakaupo si Jessica/Vaya. Her eyes were close. Sa nakapikit niyang mga mata ay nakikita niya si Kara.

Ah, mula nang magsalubong ang mga landas nila ni Kara kanina sa rooftop ng hospital ay nakasubaybay na siya rito. Hindi sa pisikal na paraan kundi sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Madali niya itong makita sa isip niya. Their first encounter sealed Kara's fate. 

Paano kaya kung malaman ni Kara na ang nag-aagaw-buhay na batang inaalo nito noon ay may malaking papel palang gagampanan sa kapalaran nito? She was sure Kara would freak out when she learned the truth. She strongly believes that Kara was meant to be there. And, everything was meant to happen.

That fateful day, nakabuo siya ng hindi maipaliwanag na koneksiyon kay Kara. Para bang biglang nagkaroon ng invisible na tali na nagbibigkis sa kanilang dalawa. It was so strong. Dahil doon ay napadali ang pagsubaybay niya kay Kara. Magko- concentrate lang siya, iisipin si Kara, at presto nakikita na niya sa isipan ang kalagayan ni Kara. Napapasok niya ang puso at isipan nito. Nababasa ang iniisip. Higit sa lahat, at siyang nagpapamangha sa kanya, nararamdaman niya kung ano man ang nararamdaman ni Kara.

Nasa kama nito si Kara. Tulala pero umaagos ang luha. "Oh, Kara..." naaawang usal niya. Alam niyang mamamatay si Kara. Hindi ito matutulungan ng medisina dahil masyadong mahina ang katawan nito.

Isang eksaheradong pagtikhim ang kumuha sa atensiyon ni Jessica/Vaya. "Excuse me, Miss...?" sabi ng tinig ng isang lalaki.

Nagmulat siya ng mga mata. "Yes?"

"Ahm, tapos na po ang round n'yo? Turn na po ng next batch," sabi nito. Noon niya napagtuunan ng pansin na nakasuot ito ng uniporme ng amusement park. Noon rin lang niya napansin na hindi na umiikot ang ferris wheel at nakabukas na ang gate ng sinasakyan.

"Oh." She smiled, awkwardly. Dali-dali siyang bumaba. "Sorry." Tiningnan siya nito sa mga mata, at sinamantala iyon ni Jessica/Vaya para basahin ang iniisip ng lalaki. Anyare dito? Nakatulog sa ferris wheel tapos nagsasalita habang tulog? Tsk. Kagandang babae nagsasalita ng mag-isa? Hindi man lang mga numero ang binanggit. Tataya pa naman ako sa lotto mamaya.

Natatawang napapailing na lang siya.

Naglakad na siya palabas sa amusement park. Dumeretso siya sa terminal ng mga sasakyan. Mula roon ay sasakay ng jeep para makauwi sa apartment nila ni Lucille. Although, p'wede naman siyang hindi sumakay ng kahit na anong sasakyan para makauwi. She can use one of her powers; she can teleport. Kapag nag-teleport siya, sa isang kisap-mata lang ay siguradong nasa silid niya agad siya. Iyon nga lang, hangga't maaari ay hindi niya ginagamit ang powers niya. Delikado dahil baka may makakita sa kanya at mabuking ang tunay niyang pagkatao.

Oh, well, Philippines is a safer place. Kung nasa America siya at nabuking ang tunay na pagkatao, siguradong pupulutin siya sa isang lugar na kinatatakutan ng lahi nila— ang Area 51. Isa iyong napakadelikadong lugar para sa tulad niyang Extra Terrestrial. Sabi-sabi na kapag daw nahuli ang isang ET, he/she will be interrogated and tortured to death. Pag-eeksperimentuhan daw. Pag-aaralan. Hihimayin ang bawat bahagi ng katawan. Sabi pa nila, kamatayan lang ang paraan ng pagtakas doon. Kaya nga kinatatakutan nila ang Area 51.


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon