Part 27

3.5K 95 0
                                    


PAGKATAPOS na pagkatapos ng huling klase ni Santi ay agad na siyang dumeretso sa kinapaparadahan ng kanyang kotse. Lagi na ay kating-kati siyang makauwi. All because of his wife.

Binuksan ni Santi ang pinto ng kotse. Inihagis sa loob ang ilang libro at backpack niya bago lumulan sa driver's seat. Pinaandar niya ang makina ng sasakyan pero bago imaniobra iyon ay kinuha muna ang cell phone at nag-dial.

"Knock, Knock," masiglang sabi niya nang may sumagot sa kabilang linya. Walang iba kundi ang kanyang asawa.

Dalawang linggo na silang naninirahan sa Maynila dahil sa pagsisimula ng ikalawang semester. Kung hindi nga lang mapilit si Kara ay hindi sana siya mag-e-enroll. Pero humirit pa rin siya at nakipag-negotiate sa asawa. Hindi siya kumuha ng full load kaya may mga araw lang na may pasok siya, ang iba ay half day pa. Napanatag naman siya na iwan ang asawa sa bahay nila sa mga pagkakataong may pasok siya dahil sa mommy niya na pinakiusapan niyang samahan muna sila. He also hired a private nurse. Gusto niyang sa lahat ng oras ay may nakatingin kay Kara.

"Who's there?" anito.

Ngumiti siya nang malawak pagkarinig sa boses nito. "Kara."

Kapag may pasok siya ay madalas na tinatawagan niya ang asawa. He's making time, a lot of time for her. Hindi iyon mahirap gawin. Iyong break in between subjects ay ginagamit niya para tumawag, para makipag-usap kay Kara. Nag-uusap sila ng tungkol sa kahit na ano. Nagkukuwentuhan, nagtatawanan.

"Kara who?" Narinig niya ang paghagikhik ni Kara kaya lumawak ang ngiti niya. Marinig lang niya ang tawa ng asawa ay napapangiti na siya, sumasaya siya.

Tumikhim siya bago bumirit ng kanta sa tono ng 'Oh, Carol.' "Oh, Kara. I am..."

"Ang korni mo!" ani ni Kara, tawa nang tawa. Lalong lumawak ang ngiti ni Santi. God! But he was loving her more each day. Para bang may mas ititindi pa ang pagmamahal niya, parang may mas ilalalim pa. It was...it was so intensely. Hindi niya alam kung ganoon nga ba ang pag-ibig.


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon