KINUHA ni Santi ang yayat na palad ng asawa bago dinala iyon sa labi niya. Naroroon sila ngayon sa veranda, sa likod bahay, nakahiga sa divan habang nanunuod ng mga bituin sa langit. Two more months had quickly passed. Patuloy pa rin silang lumalaban ni Kara. Sumasailalim sa kung ano anong theraphy at medications. Payat na payat na ito, wala ng kulay ang mga labi, at halos hindi na lumalabas ang mga tinig nito. Alam niyang pinipilit na lamang ng asawa niya na lumaban para sa kanya. Pero ramdam na ramdam niya ang paghihirap nito. Ayaw na ring tanggapin ng katawan nito ang mga gamot at mas lalo lang yatang humihina ang katawan ng asawa niya sa tuwing sasailalim ito sa chemotheraphy, maging ang bone marrow transplant ay hindi rin tinatanggap ng sistema nito kahit na compatible iyon sa asawa niya.
"P-pa—pagod na ako, Santi..." wika nito sa tinig na animo hinugot lang sa kailaliman ng dibdib.
Nanlamig si Santi. Alam niya kung anong kapaguran ang tinutukoy nito. Handa na ba siyang pakawalan ang asawa niya? Handa na ba siyang mabuhay na wala na sa tabi niya ang pinakamamahal niya? Nanakit bigla ang lalamunan niya.
"W-will y-you be there, at...at t-the sky every n-night?" garalgal niyang tanong nang maalala ang sinabi nito tungkol sa mga bituin. Hinagkan niya ang ulo ng asawa. Hindi. Hindi pa niya gustong pakawalan ang asawa. Hindi pa siya handang mag-isa. Hindi pa niya naihahanda ang sarili niya na wala ang pinakamamahal sa kanyang tabi. Pero kasakiman na kung pipilitin pa rin niya itong manatili sa tabi niya. Kasakiman na kung mas uunahin niya ang sarili kesa sa naghihirap na asawa. Alam ni Santi na habang tumatagal ay lalo lamang itong ang pagdurusa, lalo lamang pahihirapan ng sakit. Mahal na mahal niya ito na ayaw na niyang magdusa pa ang asawa.
"N-naroon lamang ako. T—tinitingnan ka...M-maghi—hintay na tumingala ka," mahinang wika nito. "G-God. N-nilalamig ako, m-mahal ko. N-napapagod...a-at nilala...mig n-na ako."
Walang awat na namaybay ang mga luha niya. Hinagkan niya ang labi nito bago mahigpit na niyakap ito. His body was trembling. Hindi niya alam kung kakayanin niya pero kailanganna niya itong pakawalan. Parang bukal ng luha ang mga mata ni Santi. Naninikip ang kanyang dibdib. Sunod-sunod na nakapila ang hiyaw sa kanyang lalamunan pero pinipigilan niya iyon kaya mas lalo siyang nahihirapan.
God! He couldn't breath. He felt like dying, too. Slowly dying. Napapagod na si Kara... Nahihirapan na ang pinakamamahal niya...
"K-kung ganoon, si— sige. M-magpahinga ka na," basag ang tinig na wika niya rito. "R-rest now, sweetheart."
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomanceMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...