Part 49

4K 107 52
                                    


Nagpaalam na si Santi matapos ipaliwanang sa doktor ang nangyari. "If you'll excuse me, I'll go ahead and—"

"Ganoon lang?" pakli ng masungit na babae.

Kumunot ang noo ni Santi. "Ano'ng ganoon lang? What do you want me to do then?"

The lady exclaimed. "At least wait. Hello? At least wait hanggang balikan siya ng malay at masabi niyang wala ka namang masamang ginawa."

Impatient na tiningnan ni Santi ang babae. "Look. I am a very busy man at wala akong oras para—"

"Maghihintay ka hanggang balikan ng malay si Jessica!" paangil na putol sa kanya ng babae. Determinado ang tinig nito.

"I'll wait then," tiim ang bagang na tugon niya. Jessica. Her name is Jessica... "Bakit kasi iniiwan ninyo na walang kasama ang pasyente ninyo? Papaano kung masamang tao nga ang nakapasok rito at gawan siya ng masama?" asik niya.

"Excuse me?" Tinaasan siya ng kilay ng babae. Kung hindi siya naiintimidate rito, ganoon din ang ipinapakita ng babae. "Gusto mo bang sabihin na pinababayaan namin ang aming kaibigan? Para sa kaalaman mo, Mister—Ah, bakit ba ako nagpapaliwanag sa 'yo?" Inirapan siya nito.

Hanggang sa marinig nila ang ungol ng babae palatandaan ng pagbabalik ng malay. Umalis sa harap niya ang masungit na babae. Marahil ay dinaluhan ang kaibigan. Nananayo ang balahibo ni Santi. Because damn it, parang nahahawig din kay Kara ang boses nito. Hindi siya maaaring magkamali. Nabasa niya ang rekognisyon sa mga mata ng nahimatay na babae. At binanggit nito ang pangalan niya.

"Jess, sabihin mo, may ginawa ba sa 'yo ang lalaking ito?" Narinig ni Santi na wika ng masungit na babae.

"P-please... please iwanan n'yo m-muna kami ni—ng... ng lalaking iyan," sabi ng babae na Jessica daw ang pangalan. Garalgal ang tinig nito. Para bang ano mang sandali ay bubulalas ng iyak.

"Jess...?" gulat tanong ng babaeng tinawag na Lucille ng doctor. Maging si Santi ay nagulat sa request nito. Hindi lamang niya maunawaan kung bakit may iba siyang nararamdaman sa babae. She seemed familiar, oddly familiar.

"P-please..."


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon