Part 52

7.4K 167 137
                                    



Kinilabutan siya. Soul switching? Walk-In?"H-ha? P-pero patay na ako."

"Pero hindi mo pa oras. Wala ang liwanag na dapat ay sumusundo sa 'yo ngayon. Noong mamatay si Jessica, nakita mismo ng mga mata ko ang nakakasisilaw na liwanag na sumundo sa kanya. Ikaw, wala pang sundo, Kara. Ibig sabihin ay hindi mo pa oras."

Hindi makapagsalita si Kara. May mga namamatay kahit hindi pa nila oras?

"Hindi magugulo ang Kalikasan, Kara. Kung iyon ang inaalala mo. Wala kang batas na lalabagin. Walang timbangan na mawawala sa balanse. Maraming taga-ibang daigdig ang pumupunta dito sa Earth para mangalap ng kaalaman, tulad naming mga Dehava. Sa sandaling bumalik kami sa aming daigdig, hinahayaan na lang namin na mamatay ang katawang-lupa para manatili ang aming sekreto. May mga kaso na ibinibigay namin iyon sa mga kaluluwang karapat-dapat. Iyong mga tulad mo na hindi pa oras pero sinukuan na ng katawang lupa. Magdesisyon ka, Kara, nauubos na ang oras," anito.

Lumunok siya. Napatingin sa katawan ni Jessica. Mukha na itong naghihingalo. At sa sandaling iyon ay wala siyang ibang maisip kundi si Santi. 

Nagkagulo ang mga medical staff ng ambulansiya. They were now pumping Jessica's chest. 

Namamangha at naiiyak si Kara sa pambihirang pagkakataon na iyon na inihahain sa kanya. Wala siya ni katiting na ideya na puwedeng mangyari ang bagay na iyon. Strange. And mind-blowing.

"Pagtiwalaan mo ako, Kara. Wala kang lalabagin na Batas ng Kalikasan. Kapag hindi mo pinasok ang katawang iyan, gagala ka rin naman dito sa mundo. Gagala ang iyong kaluluwa. Maghihintay ka ng ilang araw para dumating ang sundo. Pero ang ilang araw na iyon ng kaluluwa, ay katumbas na ng isang lifetime ng tao. Darating ang sundo mo kung talagang oras mo na. Sige na, Kara... Take it. Own it. Sa iyo na iyan mula ngayon."

Lumunok siya. "B-bakit mo ito ginagawa?"

"It was your fate. Kaming mga Dehavian, naniniwala kami na hindi totoo ang coincidence. Everything that was happening was set to happen. Nakatadhana na sa iyo ako magkaroon ng koneksiyon.. Alam kong mamamatay ka sa eksaktong oras na aalis ako. Noon pumasok sa isip ko ang isang ideya— ang ibigay sa 'yo ang katawan iyan. Mahirap ipaliwanag, Kara. At nauubusan na tayo ng oras. Sige na..."

Magkikita uli tayo, Kara, at sa muling pagkikita natin gagawa ka ng isang malaking desisyon, pag-alingawngaw sa isip niya ng sinabi ni Jessica sa kanya noon sa rooftop ng hospital noong matuklasan niyang may malubha siyang sakit.

"Natatandaan ko, twelve years ago, tinanong mo ako kung naniniwala ba ako sa milagro?"

"Dahil noon pa man, Kara, alam ko ng mangyayari ang sandaling ito."

And then suddenly, may lumitaw na isa pang katulad ni Vaya. Medyo iba lang ang kulay ng tila glitters na umiikot sa munting ipuipo. "Oras na ng pag-alis, Prinsesa Vaya. Nagsisimula na ang pag-ulan ng mga bulalakaw," sabi ng bagong dating. Lalaki base sa boses.

"S-sino ka?" naitanong niya.

"Si Lhama, kauri ko," tugon ni Vaya. "Magdesisyon ka na, Kara," udyok nito. "Magdesisyon ka na. Nauubos na ang oras..."

Walang pag-aalinlangan na ipinatong ni Kara ang sarili sa katawang iyon. She could easily feel her connection with the body. Pakiramdam niya, bawat enerhiyang bumubuo sa kanyang kaluluwa ay umuugnay sa bawat himaymay ng katawang iyon. They were fusing as one. Uniting body and soul. 

"Maraming salamat," aniya bago tuluyang ilubog ang kanyang ulo. 

Ganoon ang nangyari. Nakakamangha. Parang nangyayari lang iyon sa mga pelikula... but it happened to her. Ibinigay sa kanya ni Vaya ang katawan ni Jessica para makabalik siya kay Santi.



Author's note: Nabuo ang kuwentong ito dahil sa articles na nabasa ko tungkol sa Walk-Ins. Totoo daw iyon, at ang Soul Switching. May mga librong na-publish sa ibang bansa tungkol sa Walk-Ins. Kung intresado kayo, i-type n'yo lang sa Google ang Walk-Ins. Isama n'yo na rin sa key words ang soul switching.  :)

Bagaman inspired ito sa articles na nabasa ko, kathang-isip lang ang mga pangyayari sa kuwentong ito at hindi ibinase sa totoong buhay. :)

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon