"SHHH... Huwag kang umiyak. Hala ka, masisira ang make up mo," mahinang bulong ni Pricilla kay Kara.
Nakatayo na sila noon sa dulo ng make-shift altar na ginawa sa bakuran ng kanilang bahay. Ginawang paraiso ang bakuran sa tulong ng mga iba't-ibang uri ng halaman na kinuha mula sa garden ng mommy ni Santi. Maraming mga tuod na nilagyan ng mga fern. Sa mga puno ay may mga hawla ng mga lovebirds. Sa kabilang dulo ay naroroon si Santi at hinihintay siya.
Sa simbahan ng San Ildefonso nag-propose sa kanya si Santi. Nagulat na lang siya ng lumuhod ito at ilabas ang isang singsing. Hindi agad nakapagsalita si Santi. Tumutulo lang ang mga butil ng luha sa namumulang mga mata, panay ang lunok na tila pinapayapa ang sarili.
"K-Kara... you promised me you'll marry me. I promised you I'll marry you. We promised we'll be together, forever and ever. So let's... let's get married now. S-sa harap ng Diyos, saksi ang mga santo at mga anghel...gusto kong hingin ang kamay mo..." Determinadong wika ni Santi kahit basag ang tinig, kahit tumutulo ang mga luha. Lumunok ito. Nanginginig ang labi sa emosyon. Hindi na rin nagpaawat ang mga luha niya at namaybay ang maiinit na butil sa mga pisngi niya. "Marry me, Kara. M-marry me... my heart, my soul, my everything."
"Santi..." umiiyak na daing niya. Oo, dapat nga nilang bigyan ng katuparan ang pangakong iyon. Dapat ay magpapakasal sila kapag pareho na silang nakatapos ng pag-aaral at kapag ma trabaho na sila... but life didn't goes as planned. Bigla-bigla ay mawawala sa ayos ang mga pangarap. Lalabo ang bukas at magiging mahirap nang imagine-in pa. "Y-yes, let's get married. Let's get married in this lifetime and let's get married again in the next life." Kara wished for a simple and private wedding ceremony. Iyon din naman ang gusto niya kahit noon pa. Tanging ang mga kamag-anak lamang nila at pati na ang ilang malalapit na kaibigan ang imbitado. Nagawa na rin niyang ipagtapat kina Priscilla ang kondisyon niya. Salamat sa Diyos dahil suporta at hindi awa ang ipinapakita ng mga ito. Dahil awa ang pinakahuling bagay na kakailanganin niya. Oh, speaking of Prescilla. Hindi pa niya alam ang kumpletong kuwento pero ito na daw at si Drake. Naging totohanan ang pagpapanggap ng dalawa.
"Look at your husband to be. Gosh, so guwapo. Though, hindi maitago ang nerbiyos sa mukha ng loko," bulong uli ni Precy sa kanya na alam niyang pinapangiti lang siya. Hindi niya sinulyapan ang binata. Iniiwasan niyang sulyapan ito dahil ang gusto niya ay makita ito kapag naglalakad na siya sa aisle. She wanted that beautiful moment. That magical moment. Iyong masisilayan lamang ng mga mata niya ang magiging asawa kapag inihahatid na siya ng kanyang mga magulang sa harap nito, sa harap ng altar.
"O siya, magsisimula na ang seremonyas," anito bago tumalilis.
Pumalit naman sa tabi niya ang kanyang ama. Huminga siya nang malalim. But damn, pakiramdam niya ay nakaabang na sa mga mata niya ang luha at kaunting kanti lang ay walang babalang aagos iyon mula sa kanyang mga mata. Nagsimula nang pumailanlang ang isang malamyos na musika.
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomantikMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...