Part 48

3.7K 99 0
                                    


ANG BABAE na dalawang dipa na lang ang layo kay Santi ay natulala nang makita siya, ni hindi  ito kumurap. Hindi siya maaaring magkamali, may nababasa siyang rekognisyon sa mga mata ng babae na para bang kilala siya nito. Isang mahinang singhap ang kumawala sa labi ng babae bago naging mabuway ang pagkakatayo.

"Shit!" bulalas ni Santi nang mapagtanto na mukhang hihimatayin ang babae. She extended an arm as if she was reaching for him. "S-Santi..."

Natigilan si Santi. Tinawag siya nito sa pangalan niya. Kung ganoon kilala nga siya nito?

Isinantabi muna ni Santi ang pagkalito at tanong, tuluyang tinakbo niya ang kinaroroonan ng babae at sinalo ang katawan nito.

"Oh, hell!" natatarantang bulalas niya habang inilalagay sa kama ang walang malay na babae. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Wala pang pagkakataon na may babaeng nahimatay sa harap niya, ngayon lamang. At nagkataon pa na hindi niya kilala ang babae.

What to do? What to do?

Nakita niya ang emergency buzzer. Pinindot niya iyon.

"Sino ka!?" anang dumadagundong na boses ng isang babae na nagpapitlag sa kanya. May takot, pag-aakusa, at pagkataranta ang boses. Paglingon niya, nakita niya ang isang babae na galing sa nakabukas pang pintuan. She was eyeing him intensely. Naroon din sa mga mata ang pag-aakusa at ang proteksiyon para sa babaeng pasyente. Pinasadahan siya nito ng tingin. Sigurado naman siya na kung ang pagbabatayan ay ang hitsura ay hindi naman siya mapagdududahan na kriminal. Bagama't hindi yata na-a-appreciate ng babae ang panlabas na anyo niya dahil matalim pa rin ang tingin nito. "Ano'ng ginawa mo sa kaibigan ko?" Ang hawak na cell phone ay agad na pinindot at dinala sa tainga. "Introduce yourself or I'll call the police—"

"Please. No need to do that," tiim ang labi na sabi niya, hindi nagpapa-intimidate sa babae. "Actually, napindot ko na ang emergency buzzer. Any second ay parating na ang mga doctor. It was an honest mistake. Nagkamali ako ng pinasukang suite."

Hindi na nakasagot ang babae dahil dumating na ang mga doctor na agad dinaluhan ang pasyente. "Ano'ng nangyari, Lucille?"

"Ahm, Doc," pagkuha ni Santi sa atensiyon ng mga doctor. "Nagkamali ako ng napasukang silid. Nang makita niya ako, nahimatay siya. Hindi naman siya nabagok o ano. I was able to catched her falling body on time," paliwanag niya. 

Hindi pinangahasan ni Santi na tingnan uli ang babae. God! Bakit nakita niya ang asawa rito? Mahigit anim na taon na ang nakakaraan pero ni minsan ay hindi niya pinagkamalan ang ibang babae na si Kara. His Kara. 

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon