Part 8

4.8K 120 0
                                    



 "HEY, WHAT'S wrong?" nagtatakang tanong ni Kara nang makita ang malungkot na mukha ng nobyo. Hapon na. Kasasakay lang niya sa kotse nito. Naunang natapos ang klase ng binata, pero ang sabi nito ay hihintayin na siya.

"Mom called a while ago..." bumuntong-hininga ito. "Naaksidente sina Lola. Car accident, at critical daw."

"Oh, my God..." gulat na bulalas niya. Inabot niya ang balikat nito at hinaplos para iparating ang suporta niya. Alam niyang close si Santi sa mga lolo at lola nito. They were living in the US. "I'm sorry."

Tumango ang binata. "We need to go there. We need to be there. Nai-book na ni dad ang flight namin. Mamayang midnight na. Paluwas na sila, sa airport na lang kami magkikita-kita."

Oh. Hindi alam ni Santi na may nangyari sa kanya kanina, kaninang maghiwalay sila sa library. Ang totoo hanggang ngayon ay nangangatog pa ang tuhod niya dahil doon. Paano pa niya masasabi sa binata kung ganitong may pinoproblema na ito?

"Do you need help packing your things?" marahang tanong niya. Itinaas niya ang palad at hinaplos ang pisngi nito. Sa susunod na linggo ay tig-tatlong araw na lang ang pasok nila pagkatapos ay semestral break na.

Marahan itong ngumiti. "Yes. No. Well, actually, gusto lang kitang makasama. Gusto kong sulitin ang natitirang ilang oras na kasama ka. Hindi ko pa alam kung hanggang kailan kami doon. Thank God hindi maaapektuhan ang studies ko dahil sem-break na rin naman."

"Okay," aniya.




"WHAT ARE you doing?" tanong ni Santi kay Kara. Kausap niya sa telepono ang boyfriend. Tatlong araw na ito sa US. Madalas itong tumawag. Nasa ospital pa daw ang matatanda, at sa awa ng Diyos ay nakaka-recover daw.

"Nanonood ng KDrama," kunwari ay masiglang sabi niya. She bit her lower lip. Ang totoo ay nasa opisina na siya ni Doctor Clarence para alamin ang resulta ng check up niya. Kausap lang umano nito ang director ng hospital. Sa totoo lang ay ninenerbiyos siya at natatakot. Kahapon kasi ay kung ano-anong test ang pinagdaanan niya. Kinuhanan siya ng dugo, MRI, CT-scan at kung ano-anong examination. Ayaw namang magsalita ng doctor hangga't hindi lumalabas ang resulta ng tests niya.

Something bad happened to her that scared the hell out of her, noong maghiwalay sila ni Santi sa library...

Nang makaalis si Santi para pumunta sa sunod na klase nito, pumunta naman si Kara sa Ladies Room. Libre pa siya sa susunod na twenty minutes. She was done peeing and about to go out of the cubicle when a sudden agonizing pain strikes her head. "Ahh," daing niya. Hindi na lamang ang ulo niya ang masakit, bigla ay parang nanlambot ang mga kasukasuan niya. Umatake din doon ang sakit. Ibinaba niya ang toilet cover bago naupo roon. "Ahh," hindi niya malaman kung sasabunutan ang sarili o mas iintindihin ang nanginginig niyang kasukasuan. Kagabi lang ay nagising siyang basang-basa ng pawis kahit na may aircon naman ang silid niya.

"Shit, shit..." bulalas niya bago impit na umungol. Ramdam niya ang malalamig na pawis na lumalabas sa katawan niya. And she felt dizzy.

"Miss? Miss, are you okay?" anang tinig sa labas ng cubicle, kasabay ng katok sa pinto.

"N-no." nanghihinang sabi niya. Pero sa gulat niya, bigla na lang nawala ang sakit. Pinakiramdam niya ang sarili. Wala na talaga ang sakit. Ramdam na lang niya ang malalamig na pawis. "I'm... I'm okay now," sabi niya. Tumayo siya. Shit, nanginginig pa ang mga tuhod niya. Lumabas siya ng cubicle.

"Hey, are you okay?" sabi ng babae. Bakas ang concern sa mukha nito.

Tumango siya. "My head hurts b-but I'm okay now. Thank you." Tumango ito bago umalis. Nang tingnan niya ang sarili sa salamin, nakita niyang ga-munggo ang mga pawis sa noo niya. Kulay papel na rin siya.

Naghilamos siya. To her horror, nagkaroon ng dugo ang palad niya. Humahalo na iyon sa tubig. Natatarantang napatingin siya salamin. The blood was from her nose. Dumudugo ang ilong niya.

Lalo siyang natakot. Okay, hindi na niya p'wedeng ipagwalang-bahala ang nararamdaman niya lately. Baka hindi na lang iyon simpleng kaso ng migraine tulad ng akala niya. She needs to see a doctor.

Sasabihin sana niya sa binata ang nangyari at magpapasama dito na pumunta ng hospital, pero hindi na nga niya nasabi dahil sa balita ng aksidente ng grandparents nito. Sinamahan niya si Santi at ang mga magulang nito sa airport habang naghihintay ng flight ng mga ito. Kinabukasan nga ay agad siyang nagpunta ng hospital. And the doctor told her to undergo a series of tests. Nakipag-cooperate naman siya.

"KDrama. Urgh," pag-ungol ng binata na ikinatawa niya.

"Hindi naman po kita ipagpapalit kay Joong Ki," tumatawang sabi niya. "Mas guwapo ka kaya kesa sa kanya. Lamang na lamang ka ng maraming paligo. Uyy, ang lawak ng ngiti ng isang mama..." tukso niya.

He chuckled. "Totoo naman, ah. Mas guwapo naman talaga ako doon. Mas manly. Mas malakas ang appeal. Mas—"

"Oo na po," humahagikhik na putol niya rito. "Ikaw na." Kapagkuwan ay natigilan siya sa tila pagtusok ng karayom sa ulo niya. Pabugso-bugso ang sakit. It was sudden and fast. Bigla ding nawala.

He laughs. "I've got to go. Tinatawag ako ni mommy. I love you. Take care."

Napalunok siya. Shit. What was happening to her? "L-love you, too." Ibinaba niya ang cell phone. Tamang-tama naman na pumasok na sa silid ang doctor. "Good afternoon, Doc," nakangiting bati niya.

"Good afternoon, Miss Agustin. Please have a seat," anito bago dere-deretsong naupo sa swivel chair nito. Mula sa drawer ay kinuha nito ang isang folder. Nahagip agad ng paningin niya ang pangalan niya sa folder. That must be her file. Doctora Clarence took a deep breath. "Can I call you Kara?"

"Of course, Doc," aniya. Ayon na naman ang pagdagundong ng kaba sa dibdib niya.

"Hmm, Kara. Wala ka bang kasama? A friend, or a family?" alanganing tanong nito.

Umiling siya. "Ako lang po, Doc." Shit. Hindi nakakatulong ang nakikita niyang hesitasyon sa mukha ng doktora. Hindi siya nare-relax, sa halip ay lalong tumitindi ang kaba niya. Iyong pakiramdam na animo may masamang balita siyang matatanggap. Nahiling tuloy niya na sana ay nasa tabi niya si Santi sa sandaling ito. "Actually, hindi alam ng family ko o ng friends ko ang pagpapa-check up ko. So, uhm... kumusta naman po ang result ng tests? Please, doc, deretsuhin ninyo ako."

Tumayo ang doktora. Umupo ito sa silyang kaharap ng kinauupuan niya. Kinuha nito ang kamay niya at hinawakan. Binalot ng lamig ang katawan ni Kara. I am sick. Sasabihin niyang may sakit ako...

"Kara..."  panimula nito.

Halos mautal ang dalaga. "I-it's bad, isn't it, Doc?"

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon