Part 20

3.9K 89 0
                                    



"THAT WAS fun, fun, fun!" masayang sabi ni Kara nang marating nila ang resthouse. They played and kissed under the rain. Ang mga halakhak nila ay humalo sa tunog ng ulan. Ilang beses silang humiga at nagpagulong-gulong sa lupang pinalalambot ng ulan. "Tingnan mo ang mga damit natin, putikan na."

"Masarap talagang maging bata," sang-ayon ng binata habang kinukuha ang susi sa isang hanging plant. Binuksan nito ang pinto bago kinapa ang switch ng ilaw. Nang bumaha ang liwanag, niluwangan ng binata ang bukas ng pinto at iminuwestra ang pintuan.

"Thanks." Pumasok siya.

Santi was right behind her. Ipinatong nito ang mga palad sa magkabilang balikat niya at marahang itinulak siya papunta sa isang pinto. Nagpatiayon naman siya. "Nilalamig ka na. Maligo ka nang mabilis. May damit ka pa naman yata dito, kapag wala, wear my clothes. I'll check the kitchen. Titingnan ko kung may mga dry goods o instant noodle soup na p'wedeng iluto."

Hinawakan niya ang mga palad nito bago walang babalang idinikit ang likod sa dibdib nito. Pero natigilan siya. Bumuka ang bibig pero walang singhap na lumabas. Her eyes grew big. Biglang kumabog nang malakas ang puso niya. Why, she could feel him, hard and throbbing. At dahil biglaan ang pagdikit niya sa katawan nito, hindi ito nakaiwas. It was now pressing at the small of her back. Sa isang kisap-mata ay tinangay ng hangin ang lamig na nararamdaman niya. He was aroused. Kaya pala kanina habang nagtatampisaw sila sa ulan ay bahagyang dumidistansiya ito.

Natigilan din ang binata.

Oh, she could feel his tension. Sexual tension. 

Bigla itong lumayo. Tumikhim ang binata. "Uhm... O-okay, bahala ka na dito. Alam mo naman kung saan nakalagay ang mga bagay-bagay, in case you need something."

No, hindi niya ito pakakawalan ngayon. She can't because... because heat surged through her in an instant. Lumukob ang init at nagpasimula ng apoy sa kaibuturan niya.

"Nilalamig ka na rin. Let's take a shower... together," aniya.

Bumuka ang bibig ni Santi pero walang lumabas na salita. Lumunok ito. "Ahm... Ahm, I don't think that's a good idea," anito na biglang namaos ang boses. Desire lurked in his eyes. Dumalas ang paghinga ng binata.

Siya naman ay lalong bumilis ang pintig ng puso. Mas lalong sumiklab ang apoy. Mas lalong pinag-init ang katawan niya. Hinuli niya ang hindi mapalagay na mga mata nito. "I think it's about time. Let's do it." Of course alam nito kung ano ang sinasabi niya.

"K-Kara..." usal nito sa hinihingal na boses. Sexual teansion was swirling between them, binding them. Malamig ang panahon at kung kani-kanina lang ay nanginginig na sila sa ginaw, ngayon ay nagiging maalinsangan ang paligid. They were in heat, and it was radiating in every pore. 

Hindi na mapakali si Kara. Binubuyo siya ng isip niya na hawakan at haplusin ang katawan ng binata, at pagkatapos ay halikan ito nang mariin.  

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon