Part 51

4.4K 108 2
                                    


"Ikaw ang dalagitang iyon?"Nanlaki ang mga mata ni Kara. "P-pero a-akala ko ba alien ka 'kamo?" naguguluhan niyang tanong.

"Jessica died in the accident. Nasa bisig mo siya nang hugutin niya ang huling hininga niya. When her soul left her body, I walked-in."

"H-hindi ko maintindihan," nalilitong sabi ni Kara. And then she remembered something. "Teka! I knew it. Namatay talaga siya sa bisig ko! Kung ganoon, noong suminghap siya— does it mean ikaw na ang nasa katawan niya? Napanood ko na 'yan sa Hollywood movie na The Host! Inaangkin ninyo ang katawan ng mga tao."

"Napanood ko din yon. At, malaki ang pagkakaiba ng nangyari sa pelikulang iyon kesa sa nangyari sa amin ni Jessica. Walk-Ins— iyon ang tawag ng siyensya ninyo sa nangyari. Sa madaling salita, kapag umalis ang isang kaluluwa sa isang katawan, p'wedeng pasukin ang katawan ng ibang kaluluwa. Noong umalis ang kaluluwa ni Jessica sa katawang-lupa itong at sunduin siya ng Taga-sundo para dalhin sa tinatawag ninyong Langit, agad kong pinasok ang katawang-lupa ni Jessica at namuhay sa katauhan niya," paliwanag nito.

Kara was shocked. "P-parang nagpalit ng kaluluwa?"

"Yes. Pero, dapat parehong payag ang dalawang panig. Hindi possible ang Walk-In kapag ayaw ibigay ng umalis ang katawan nito."

Nang ibaling ang atensiyon sa aksidente ay nakita niyang may rescue na, isinasakay na ang katawan ni Jessica sa isang ambulansiya. Siya at ang enerhiya ay bigla na lang naroon din sa loob ng ambulansiya. "S-so sinasabi mong alien ka? A-at ngayong uuwi ka na ay... mamamatay na ang katawang iyan?" tanong niya. Walang pagdududa, walang question kung totoo nga ang sinasabi ni Je— Vaya. The body looks as still as it was. May mga dugo pa rin na umaagos sa ulo.

"Ganoon na nga. Ang aming pamilya ang siyang namumuno sa Dehava. Kahit gustuhin ko pang manatili dito sa Earth ay hindi pupuwede dahil may tungkulin ako sa amin. Mamamatay ang katawang iyan ni Jessica. Iyon ay kung hindi mo gagamitin ang katawan."

Bumuka ang labi niya sa pagkamangha. "Ano ang... ano ang sinasabi mo?"

"Walk-In, Kara. Soul-switching. I walked out, now you can walk in. Puwede kang mabuhay uli. Nasa iyo ang desisyon. May malinis na puso ka, ang katawang lupa naman na iyan ay basal, malinis. Makakapasok ka, magkakaroon kayo ng koneksiyon. Inihanda ko na ang katawang iyan para sa 'yo."


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon