"JESS, WHAT was that?" alanganing tanong ni Lucille matapos siya nitong painumin ng tubig at kalmahin. "Do you know him?"
I know him, I know him. I'm loving him all my life. He's my husband. He's my love. He's my soulmate, gusto sanang isagot ni Kara. Pero kung sana'y ganon nga lang kadaling sabihin ang mga iyon. Her situation was complicated. Paano niya sasabihing siya si Kara? Paano niya sasabihing ang Jessica na kilala ni Lucille ay isang alien? Siguradong mapagkakamalan siyang nasisiraan ng ulo 'pag nagkataon. Maraming hindi maniniwala. But then, just because you don't see it, doesn't mean that it doesn't exist. Napatunayan na niya.
Kaya nga kanina, sa harap ni Santi, wala siyang ibang choice kundi panindigan na siya si Jessica.
Ah, funny. Funny how destiny works. Akalain ba naman niya na ang tinulungan nila ni Santi noon ay may papel palang gagampanan sa hinaharap niya. Ang hirap pa rin talagang paniwalaan.
"Jessica..." muling pagtawag sa kanya ni Lucille.
She calmed herself. "M-my... my memory of him was back. K-kilala ko siya, Lucille."
"What?" gulat na bulalas ni Lucille. Hindi maitago ang interes at pagkalito sa mukha nito. Naiintindihan niya ang pagkagulat nito dahil naikuwento na nito sa kanya kung anong klaseng babae si Jesica. "What memory of him? Jess, halos tayo ang magkasama sa maraming taon, at ni minsan hindi nagsalubong ang landas ninyo. At least iyon ang alam ko."
Wala siyang ibang pagpipilian kundi panindigan ang katauhan ni Jessica. She'll be Jessica for a moment... "N-naik'wento ko ba sa 'yo ang... ang tungkol sa aksidente ko noong bata pa ako?"
"Oo, naikuwento mo."
"Ang lalaking iyon... si Santino de Angelo— siya ang nagligtas sa akin. A-and, uhm, I've been...s-stalking him on Facebook at... at... y-you know..."
"Are you kidding me, Jessica?" malakas na bulalas ni Lucille. Pumalatak pa ito. "You've been stalking him? Kaya pala! Kaya pala wala kang panahon sa boys dahil matagal na palang may kumuha sa atensiyon mo. Kaya pala kahit anong pagpapansin ng mga katrabaho natin noon ay no-pansin ka sa kanila. Jeez!"
Naramdaman ni Kara ang pag-iinit ng mga pisngi niya. "M-may mga pagkakataon pa nga na... na pumupunta ako sa school nila para lang tingnan siya mula sa malayo," pagsisinungaling niya. Kailangan niyang gawin iyon para maintindihan ni Lucille ang 'pagkahumaling' niya kay Santi. "M-masaya na akong makita siya kahit sa malayo."
"My Golly, he's super handsome, ha? No wonder in-stalk mo siya. Natarayan ko pa mandin kanina. Pero bakit hindi ka nagparamdam sa kanya? Aba, kung hot siya, hindi naman pahuhuli ang fez at body mo. Bagay kayo!" anito, kinikilig na. "Push mo siya."
She smiled shyly. Ikinuwento niya ang tungkol sa love story ni Santi at 'Kara'.
"As in?" komento ni Lucille. "Wow."
"I know. Kaya nga hanggang sulyap na lang ako at lihim na pagmamahal. Their love was something. Even the angels and the universe cheered for them. Pero nagkasakit si Kara at... at namatay. S-she died in his arms. H-he let go of her dahil alam niyang mas lalong mahihirapan si K-Kara kung pipilitin pa nitong lumaban," mahinang dugtong niya. Paulit-ulit siyang pumikit, pinaglalabanan ang pag-iinit ng mga mata.
Natutop ni Lucille ang bibig. "Oh, my... bigla akong kinilabutan." Kiniskis pa nito ang mga braso para kalmahin ang mga balahibong nagsitayuan. "P-pero alam mo, yung ganoon katinding love hindi natatapos iyon sa kamatayan. I'm sure, sa ibang panahon, muli silang magtatagpo. Magkakaroon ng katuparan ang pag-iibigan nila. They'll have their forever..."
"R-Really?" tuluyang namuo ang mga luha sa mga mata ni Kara. Before she knew it, the tears were already rolling down her cheeks.
"When two people are meant to be, the universe will conspire to make everything fall into places. May mga bagay na akala mo imposibleng mangyari pero mangyayari. You can call it Magic or Miracle. Pero siyempre lahat nangyayari at the right time. In God's perfect time." Hinawakan ni Lucille ang mga palad niya. "So, my theory is... baka hindi pa ngayon ang tamang oras nina Kara at Santi. Baka ito ang oras na para sa 'yo at kay Santi. Di ba nga, everything happens for a reason. So, baka pinapaboran ka ng tadhana. Kara needs to die dahil sa lifetime na ito ikaw ang dapat na makatuluyan ni Santi."
Hindi niya alam ang sasabihin. But, indeed, the universe conspired to make everything fall into places. Sadyang mahirap lang paniwalaan pero ano pa nga ba ang eksplanasyon sa nangyari sa kanya? The universe conspired because an alien was involved.
"K-kaibigan talaga kita. Sinusuportahan mo ang kabaliwan ko," kunwa ay natatawang sabi na lang niya.
"Aba, siyempre naman. Gusto kong maging happy ka, ano. So... fighting?"
Ngumiti siya. "Fighting!"
---------
Any comment? :) Don't forget to Vote!
![](https://img.wattpad.com/cover/124628881-288-k278771.jpg)
BINABASA MO ANG
One Love, One Soul (completed)
RomanceMula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namaya...