Part 6

5.3K 133 0
                                    


PAGPASOK SA bakuran ng bahay nina Kara, agad napansin nina Kara at Santi ang papa niya sa terrace. May kausap itong lalaki. Bata pa, kaedad nila ni Santi. Guwapo.

"Who's that Pokemon?" tanong ni Santi na muntikan na niyang ikabunghalit ng tawa. Of course, kilala nila pareho ang lalaking iyon. Well, gumwapo ito at gumanda ang build ng katawan pero imposibleng hindi ito makilala ni Santi. Nakatingin na rin sa kanila ang papa niya at ang bisita.

"So, he's back in town," aniya. The guy was no other than Drake Bellesa— ang numero unong kalaban ni Santi noong high school days nila. The guy was a bully, if she may say so. Lagi itong nagpapang-abot at si Santi. Nang grumadweyt sila sa high school ay nangibang bansa na ito at ang pamilya.

Bumaba sila ni Santi. And she smiled subtly when Santi held her hand, possessively. He was making a statement. Noon kasi ay madalas na pagselosan nito si Drake. Nang makalapit ay nagbigay-galang sila sa papa niya. Kapagkuwan ay binalingan niya ang bisita. "Drake, long time no see," aniya. Inaanak ito ng papa niya at kahit na madalas magpang-abot at si Santi ay kaibigan pa rin niya ito. Likas lang talaga itong mapang-asar. At, asar-talo naman si Santi.

"Long time no see?" Nakataas ang kilay ni Drake, bagaman may ngiti sa labi. "Magkausap lang tayo kagabi ah?"

"Loko!" natatawang sabi niya. "Sorry pero nag-mature na itong love ko. Hindi mo na 'yan maasar sa mga ganyang banat mo."

Drake grinned. "Joke lang." Binalingan nito si Santi. He acknowledged his presence. Tumango naman si Santi. Although nakangiti din ang boyfriend niya, parang gusto niyang magduda kung hindi na nga ba ito basta-basta naaasar. Ramdam niya na naka 'on' ang territorial mode nito.



"MAS GUWAPO si Drake ngayon, ano? At saka mas gumanda ang katawan," ani Kara kay Santi habang pigil-pigil ang pagtawa. All right, ginagatungan nga niya ang pagseselos ng binata. Pinagti-trip-an niya ito. Wala lang, na-e-enjoy lang niya ang uneasiness nito. Matagal-tagal na rin noong huli itong magselos. He was so confident she loves him.

Nasa plaza sila. Doon dumeretso pagkatapos magsimba. Habang lumilipas ang taon ay lalong gumaganda at lumalawak ang plaza. Nagiging pasyalan na iyon. Naging parang maliit na theme park. Kaya naman lagi ring matao doon. Naglalakad-lakad sila. Nandoon na sila sa lugar na may mga stall ng ihaw-ihaw mapa-seafoods man o karne. May stall ng street foods, lugawan, gotohan, at kung ano-anong kakanin. May nag-iihaw din ng mais at saging na saba.

"Sinabi mo na 'yan kagabi," supladong sagot nito. Kunot na ang noo. Nilakihan pa ang paghakbang kaya nauuna na ito sa kanya. "Kulang na lang pati kuko niya sa paa ay purihin mo."

"I know," sabi niyang lihim na ngumingisi. Humabol siya kay Santi at umagapay sa paglalakad. "Kaya lang kapansin-pansin kasi talaga. At saka yung ugali niya? I'm telling you anlaki ng—" Biglang tumigil sa paglalakad si Santi kaya hindi niya itinuloy ang sinasabi.

"Can we stop talking about him?" pikon nitong sabi. Hindi na maipinta ang mukha sa pagsimangot. "Can you stop talking about him?"

Hindi na napigilan ni Kara ang sarili, pinakawalan na niya ang bungisngis niya. She laughed out loud. Siyempre pa, lalong napikon si Santi. He walked out on her.

"Santi! Hoy!" natatawang pagtawag niya. Pero hindi siya nito pinansin, tuloy-tuloy itong umalis. "Santino! Aba't..." hindi makapaniwalang bulalas niya.

Nawala ang ngiti niya nang hindi na makita ang likod nito. Nagbilang siya hangang lima; one, two, three... three and one-fourth, thee and a half, three and three-fouth... four. Kara pressed her lips. Imbes na habulin at sundan ang binata, malalaki ang hakbang na tinahak niya ang opposite direction. Naasar na rin siya. Uuwi na siya. All right, she provoked him, pero tama ba namang iwanan siya nito? Ha! Huwag lang itong makatext-text sa kanya. Huwag lang itong makatawag-tawag. Isang linggo talaga niya itong hindi iimikan!

Nakasimangot na si Kara. Siya ang nang-iinis pero sa huli siya rin pala ang maiinis.



HINDI SUMUSUNOD sa akin si Kara, naaalarmang sabi ni Santi sa sarili bago mabilis na bumalik. Malalaki ang hakbang, at palinga-linga siya. But Kara was nowhere in sight. "Shit!" bulalas niya bago tumakbo na. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakita na niya ang dalaga. Malalaki ang hakbang nito, mukhang patungo na sa sakayan. Her body language says she was mad. Sumunod siya. Naramdaman marahil ang presensiya niya, tumigil ito sa paglalakad at lumingon; only to frown at him. Napakamot siya ng ulo.

"Sorry," he mouthed.

Tumalikod ang dalaga ang itinuloy ang pag-alis. Lihim na napangiwi si Santi. Kung bakit kasi naisipan pa niyang mag-walk out. Gusto tuloy niyang batukan ang sarili. Alam naman niyang pinagkakatuwaan lang siya ni Kara, pero kasi hindi talaga niya mapigilang magselos. Magkaibigan ang pamilya nina Drake at Kara. On her father's side naman. Kahit maraming beses na silang nagpang-abot noon ni Drake, nanatiling kaibigan pa rin ito ni Kara. Nang makita niya ito kahapon sa bahay nina Kara, alam niyang intresado pa rin ito kay Kara. Nababasa niya sa mga mata nito.

Mabilis niyang nilapitan ang dalaga. When he was beside her, sinubukan niyang hawakan ang kamay nito. Pero iniiwas nito ang kamay.

Lagot.

"Sorry na," ungot niya. "Nagpapahabol lang naman ako sa 'yo, e."

Hindi umimik ang dalaga. But her pace was slower now.

"Kagabi pa nga ako hindi mapakali. Imagine, anong oras na nasa inyo pa ang Drake na 'yon. Tapos kanina, makikita ko na lang na siya ang kasama mo sa pagsisimba?" Langya, nakakaselos talaga. Kung bakit naman kasi apektadong-apektado siya sa presensiya ng damuhong Drake na 'yon. Alam niyang dapat secured na siya sa pagmamahal ni Kara kaya lang kasi... Ah, langyang selos. Pahamak din talaga minsan at wala sa lugar. "All right, I'm jealous."

"Kuyang pogi!" pagtawag ng gusgusing babae. Pasayaw-sayaw na umaaligid-aligid ito sa kanila, may hawak na inihaw na dried pusit. Nakangisi ito. May mga namamalimos sa plaza pero mukhang bago ang isang ito, ngayon lang niya nakita. "Kuyang pogi, walang forever. Maghihiwalay din kayo. Iiwan ka ni Ateng ganda. Kros may hart, End Howp to day!" Ngumisi pa ito ng nakakaloko bago pasayaw-sayaw na umalis.

Kumunot ang noo niya. Parang gusto niyang mag-react ng bayolente sa sinabi nito. Nag-iwan iyon ng pait sa lalamunan niya. Hanggang sa may palad na humawak sa palad niya. He knew it was Kara's. Pamilyar na pamilyar ang sistema niya sa dalaga. "Huwag mong dibdib ang sinabi niya," ani Kara, nakangiti na ito. Thank God. Hinigpitan niya ang hawak sa palad nito.

"Sorry," sabay nilang usal. They smiled and stared at each other. "Tara, balik tayo doon. Bigla akong natakam sa inihaw na mais na may margarine. Doon na lang natin pag-usapan si Drake."

"Ok—" natigilan ang binata nang tila may mahagip ang paningin. Kunot ang noo na bahagyang itinaas nito ang kaliwang braso niya. Binitiwan din nito ang palad niya bago bahagyang itinaas ang sleeve ng damit. "Kara, what's this?" anito. Napatingin din siya sa braso niya. May malaki-laking pasa sa inner arm niya. "Napaano 'yan?" seryosong tanong nito.

Hindi rin niya alam. She wasn't aware na may pasa siya roon. Wala iyon kanina. Pero kaninang maligo siya ay may nakita siyang isang malaki-laking pasa sa may baywang niya. Hindi naman masakit. "Ah, that. Hmm. Nagkakapasa talaga ako kapag malapit na akong magka-period," sabi na lang niya. Though katatapos lang naman ng period niya. At hindi ganoon kalalaki ang nagiging pasa niya bago ang period.

"Hindi masakit?"

Umiling siya. "Hindi naman. No pain at all. Hindi ko nga mapapansin kung hindi mo nakita."

"Nagpa-check up ka na? Have you asked the doctor kung normal na nagkakapasa ka before your period?"

Heto na naman po ang sobra-kung-makapag-alala na boyfriend niya. "It was normal dahil anemic ako. Can we stop talking about my period?" natatawang pag-iwas niya. "Nakakailang."

"Hindi ang period mo ang pinag-uusapan natin dito kundi ang pasa mo," seryosong sabi nito. Lalo siguro itong hindi matatahimik kapag nalaman nitong hindi lang iyon ang pasa sa katawan niya. Tumaas ang kilay nito. "At bakit ka maiilang na pag-usapan natin ang period mo? Hindi ko na mabilang ang mga pagkakataon na pinabili mo ako ng sanitary napkins mo, hindi ba iyon nakakailang sa part ko?"

She grinned.  Mabilis na hinalikan niya ang pisngi nito. "Oo na. Salamat sa concern pero okay lang po ako."


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon