Part 47

3.5K 111 0
                                    


JESSICA was using a stainless walker to balance herself. Sinisikap niyang mag-practice maglakad. Kaninang bumitiw siya sa walker ay nanginig ang tuhod niya at muntikan na siyang matumba kaya naman nagulo ang mahaba niyang buhok at humarang sa kanyang mukha.

I can do this. I can do this, paulit-ulit niyang sabi.

Narinig niya ang warning knock at ang pagbukas ng pinto. Baka bumalik na si Lucille. Pero... natigilan siya, why, suddenly, her heart was wildly beating against her chest? Malakas at mabilis ang pintig. Parang mawawala na sa kinalalagyan. It was crazy. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman pero parang... parang may tumatawag sa atensiyon niya. Parang biglang naging alerto ang lahat ng senses niya.

Nag-angat siya ng ulo. She was expecting to see Lucille and her bright smile. Pero isang lalaki ang nakita niya. And the moment she laid her eyes on him, Jessica was stunned. Parang biglang nilukob ng kung ano ang pagkatao niya.

Ang lalaking ito... ito ang nasa panaginip niya!

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Jessica. Hindi siya mapakali. May kung anong sumisigaw sa loob ng dibdib niya. It was frantic.

"K-Kara?!" gulat na bulalas ng lalaki.

Nanindig ang mga balahibo niya nang marinig ang sinabi nito. 'Kara', tinawag din siya nitong 'Kara'. Katulad sa panaginip niya. Pero bakit... bakit— nalilito siya, hindi maipaliwanag ang nararamdaman.

Jessica looked directly at his eyes. Napasinghap siya. Pakiramdam niya ay unti-unting lumalaki ang ulo niya at ano mang sandali ay sasabog. The way this man was looking at her was... paano ba niya ipapaliwanag? It's like... it's like he was loving her all his life. Parang matagal itong nangulila sa kanya at ngayong nakita siya ay hindi maitago ng mga mata nito ang walang katulad na saya at pangungulila. Oh, God, his eyes were almost watery!

Hinihigop siya ng mga mata ng lalaki at... at...

Nanlaki ang mga mata ni Jessica nang biglang may mga eksenang kumislap sa utak niya. Her memory came crashing back to her. All of it. Napakabilis at inisang bagsakan ang mga alaala ng tunay na pagkatao niya na pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin ang mga natuklasan...

Biglang umikot ang paligid niya. Sinubukan niyang abutin ito. "S-Santi..."


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon