Part 14

4.2K 119 23
                                    


MULA SA bintana, nakita ni Kara na lumiliwanag na ang paligid. Sumisikat na uli ang Haring araw. Mapait siyang napangiti, kasabay ng pagtulo ng mainit na luha sa mga pisngi niya. Panibagong araw na naman pero gabing-gabi pa ang pakiramdam niya. Madilim, malungkot, nakakatakot.

Hindi niya nagawang matulog. Kumakalam ang sikmura niya pero wala siyang lakas para kumain. Her eyes and nose were swollen. Wala siyang ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak. Naghi-hysterical siya at umiiyak nang malakas, o kaya naman ay tulala at tahimik na iiyak na lang.

Dalawang beses pang tumawag sa kanya si Santi pero hindi niya sinagot. May mga text messages na pumasok sa cell phone niya pero ni hindi niya inusisa ang mga iyon. She can't help it. She was dying and she really felt dying now. Kahit anong iyak ang gawin niya ay hindi lumuluwag ang dibdib niya. She kept on questioning Him. Ang dami niyang tanong pero wala siyang makuhang sagot. Ah, hindi na siya makapag-isip nang maayos. Para siyang tinamaan ng kidlat. Sa isang iglap ay gumuho ang mga pangarap niya. Sa isang iglap ay lumabo ang bukas.

Lumuluhang inabot niya ang cell phone. Binasa niya ang mga messages;

Nag-aalala ako. Please text me. I love you. — Santi

Are you busy? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Are you okay? —Santi

Hey... —Santi

May kasalanan ba ako? Please answer my call. Pinakakaba mo ako. — Santi

Kara, ano ba'ng problema? —Santi

Kara, anak, kumusta ka? —Papa

Nanginig ang kamay ni Kara. Pinahid niya ang mga luha bago idinayal ang number ng ama. Habang nagri-ring sa kabilang linya, nanlalabo naman ang mga mata niya dahil sa mga luhang ayaw paawat sa pamumuo. Her tears were unlimited. Nagrerebelde ang mga iyon; hindi mapigilan at hindi maawat.

"Kara, anak!" masiglang pagsagot ng papa niya.

Her lips tremble. Kinagat niya ang labi niya at ilang beses na huminga nang malalim. Tumingala siya, hoping the tears would go back inside her eyes. "P-papa..." paos at basag ang boses na tugon niya.

Saglit na hindi umimik ang ama. "Okay ka lang ba?" mahinahong tanong nito.

Impit na umiling siya. Ganoon na lang ang pagpipigil na huwag magkatungo ang iyak niya at huag siyang mapabulalas ng hagulhol. God, she needs his father's embrace now.  "P-papa... b-baka po... baka m-malapit na k-kaming..." Ah! Parang may napakalaking bara sa lalamunan niya. Parang may kamay na bakal na pumipisil sa puso niya. Parang may malaking bato na nakadagan sa dibdib niya. "...b-baka malapit na kaming magkita ni m-mama..." pag-iyak niya.

"Kara!" nahihindik na sagot ng papa niya. Bakas ang pagkataranta at pag-aalala sa boses nito. "K-Kara, anak, may problema ka ba? Sabihin mo kay papa, ha? M-makikinig ang papa. G-gusto mo bang pumunta ako diyan? K-Kara, anak, h-huwag mong sasaktan ang sarili mo, ha. Mangako ka sa akin. Mangako ka kay papa. K-kung ano man ang problema, alam mong nandito lang ang papa..."

Lalo siyang naiyak dahil nakikinikinita niya ang luhang pumapatak sa mga mata ng ama. Nai-imagine niya ang takot at pag-aalala sa mukha nito. Hindi na niya napigilan ang paghagulhol. "P-papa, m-may sakit po ako..." hirap na hirap niyang sabi. "S-sinabi sa akin ng doctor kahapon at... at..." hindi niya maituloy ang sinasabi. All she could do now was cry. "B-bakit po ako? B-bakit kailangang ako pa?" puno ng paghihinagpis na sabi niya sa pagitan ng mga hagulhol.

"D-Diyos ko po, Kara... A-anak ko..."

"P-paano na po ako ngayon? A-anong gagawin ko, papa?" paos ang boses na tanong niya. She felt so helpless and devastated.

"P-pupunta ako diyan, anak. P-pupuntahan kita diyan, ha. Andiyan na ang papa..."


One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon