Part 33

3.5K 97 0
                                    

 "MATUTUWA ang asawa ko niyan, Mom. Thanks," ani ni Santi sa mommy niya. Nakatayo siya, nakapatong ang mga braso sa kitchen counter habang pinapanood ang ina na maglagay sa Tupperware ng mga pagkaing niluto nito. Pauwi na sana siya sa resthouse nang tawagan siya ng ina at sabihing dumaan siya sa mansiyon dahil may mga niluto umano itong pagkain para kay Kara. Kahapon lang ay nasa bahay nila ito, pati na rin ang papa ni Kara. Sama-sama silang naghapunan.

"Don't mention it," nakangiting sabi nito. Sinulyapan siya bago muling ibinalik ang tingin sa ginagawa. "Napansin ko na lalong dumarami ang mga bulaklak sa resthouse. Baka naman masyadong pinapagod ng paghahalaman si Kara."

Napansin din niya iyon. Para bang malapit nang maging flower farm ang paligid ng reshouse. 

"Ayaw magpapigil, Mom. You know, may green thumb sya. Para bang lahat ng halamang hawakan niya ay binibigyan niya ng buhay. B-buhay niya..." Hindi niya napigilang sabihin. Kinagat niya ang lower lip niya para pigilin ang panginginig niyon. Kara health is still deteriorating. Nitong huling dalawang buwan ay lumalala ang kalagayan ng kanyang asawa. Dalawang beses itong na-confine sa hospital dahil sa mga impeksiyon. Patuloy na humihina ang katawan ni Kara, namamayat, at tuluyang nalagas ang buhok epekto ng kung ano anong medications. Isa rin siguro sa mga dahilan kung bakit ayaw umalis ni Kara sa resthouse ay ang pagiging isolated niyon. Ayaw nitong ipakita sa karamihan ang kondisyon nito.

He looked away. Tumahimik ang kusina. Yumuko si Santi at pasimpleng pinahid ang luhang namuo sa mga mata.

 "Kaya pa?" anang tinig ng kanyang daddy, kasabay niyon ay ang marahang tapik sa kanyang balikat. Hindi na niya namalayan ang pagpasok nito sa kusina.

Bumuga ng hangin si Santi bago tumingala. Ilang beses siyang kumurap para tuluyang kalmahin ang nag-iinit na mga mata. "K-kayang-kaya pa, Dad."

Pero alin nga ba ang kayang-kaya pa niya? Ang makita ang pinakamamahal niya na nanghihina, nasasaktan, umiiyak? No. Hindi niya kayang makita ang mga iyon. Ang hindi niya sinusukuan ay ang pagmamahal niya kay Kara at ang pag-asam na gagaling ito.

Gusto niyang nasa tabi nito, oras-oras, minu-minuto. Gusto niyang laging nasa paningin niya si Kara, nahahawakan, nayayakap, nakakausap, nasasabihan ng pagmamahal niya. 

"H-Hindi ko alam kung papaanong nagiging possible...p-pero sa bawat araw ay lalo kong minamahal ang asawa ko, Mom, Dad. L-Lalong tumitindi ang damdamin ko para sa kanya. Papaanong...p-papaanong nangyari iyon?" Suminghot siya. Ayaw mang isipin ni Santi pero kahit nangako siya kay Kara na hindi niya ito 'susundan', kapag dumating ang sandaling...sandaling tuluyang iwan siya ni Kara ay mamamatay din ang puso niya.

One Love, One Soul (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon